Dedicated to iamPatricia09
COMVO
============================
-CHAPTER 59-
Kathryn’s POV:
“Are you sure you don’t want me to come with you?” tanong saakin ni dad paglabas ko ng kwarto ko.
“Yes, dad. Mas maiiyak po ako ‘pag nandoon kayo.”
Ginulo niya ng bahagya yung buhok ko ta’s niyakap ako.
“I’m so sorry, na kailangan mo pang gawin ‘to… believe me, kung wala ‘yang sakit mo? Ako pa mismo magtutulak sainyong dalawa…”
Pinilit kong tumawa, “I doubt it. You know, dad, si Dj… ‘gangster’ po kung ituring sa school. And I think, ayaw niyo po ng ganon for me, ‘di ba?” pagla-light up ko ng situation.
Napakunot yung noo niya ta’s nagulat ako ng umiling siya, “I do believe that Daniel’s a good guy. Alam kong kayo pa ‘rin ang para sa isa’t isa… hindi lang ngayon—”
“Stop na po, dad.” Pilit akong ngumiti saka siya niyakap ng mahigpit.
Kaya mo yan, Kathryn.
‘Lord, tulungan n’yo po ako ha?’
*
No’ng nakita ko yung kotse niyang nakaparada sa tapat… kumalabog na lalo yung puso ko.
Huminga ako ng malalim. I can’t… torture ‘to. Umiling ako at nagawa ko pang ngumiti ng makapasok na s’ya at humalik sa cheeks ko saka umupo sa tapat ko.
“Kanina ka pa?” hinawakan niya yung kamay ko.
Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya. How can I let you go…
“H-hindi naman…”
“Are you okay?” nagaalala niyang tanong.
“O-oo” at umiwas ako ng tingin.
Nakatitig siya saakin na para bang inaalam niya yung plano ko. Pilit akong ngumiti ulit.
“Order n-na tayo..” medyo garalgal na yung boses ko.
BINABASA MO ANG
Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)
FanficWhat if the ordinary girl falls for the gangster? Will the guy catch her? Mamahalin mo ba yung hate mong ugali ng isang lalaki? Magbabago ba siya para sayo... or tatanggapin mo siya kahit gangster man siya? [BOOK1]