Sorry sa late na update ;)
Dedicated to NinayJavier!! Hi Ninaaaay! ❤
ComVo?
============================
-CHAPTER 38-
Kathryn's POV:
Lumabas ako ng comfort room saka pinagmasdan yung sarili ko sa salamin. Medyo pumayat ako, tapos maitim yung ilalim ng mata ko, tapos… hay, I’m killing myself sa mga iniisip ko.
Naglagay lang ako ng powder tapos lipbalm kasi namumutla ako. Nag white shirt ako saka maong pants saka flats. Kasi Activity day lang sa school… so it means, free day and busy Julia day. Hahahaha. President kasi si Julia kaya busy siya talaga. Nagbaon lang ako ng extra shirt tas isang nb, ballpen, syempre inhaler ko saka nilagay sa sling bag ko tapos bumaba na ko at sumakay na papuntang school.
I hope this would be an exciting activity day! Kung makakasali lang sana ako sa mga games, etc. Psh. Napa buga ako ng hangin sa naisip ko. What was I thinking? Hindi ako pwede. Tss.
“Kath!” may tumawag saakin habang naglalakad ako papuntang classroom.
“Oh Dom, ‘di ka busy?” tanong ko tas sabay na kame maglakad.
“Nagtatampo ka ba o ano?” sagot niya.
“Ha? Hindi, ah! Tinatanong lang kita! Hahahaha!” tawa ko naman.
“Ah. Akala ko kasi sarcastic ka, pero... hindi, ako busy. Kaya... habang busy si Julia... sasamahan muna kita. Ays ba?”
Tinignan ko siya, kumindat naman siya. Natawa nalang ako saka sinabeng, “Loko, pero ays lang. Babawi ka saakin.” sabe ko tapos inakbayan siya.
Naglalakad lang kame papuntang classroom ng makita kong madadaanan namen yung K5. Nakatambay sila sa labas ng room... with... the... uh, Sofia—na nakakapit sa braso ni Daniel. Great, wohooo! Bungad talaga sa araw ko ‘di ba? Nice.
“Gusto mo sa canteen nalang tayo?” alok ni Dom no’ng napansin niyang napatigil ako.
Tinanggal ko pagkakaakbay ko sakanya tapos humarap ako sakanya.
“Gusto mo ba? Baka kasi nasa room pa si Julia, tulungan kako naten.”
“Hindi, nasa gym na siya kanina. Kasi siya magaayos ng decors para sa gym activities, after lunch. Nasa quiz naman yung iba nateng classmates and schoolmates.”
“Ah ganon…” tapos napatingin ako kela Kats… na nakatingin saakin. Lahat sila. Walang exceptions. Umiwas ako ng tingin tapos nginitian si Dom.
BINABASA MO ANG
Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)
FanfictionWhat if the ordinary girl falls for the gangster? Will the guy catch her? Mamahalin mo ba yung hate mong ugali ng isang lalaki? Magbabago ba siya para sayo... or tatanggapin mo siya kahit gangster man siya? [BOOK1]