Dedicated to Quennisthename.
ComVo? *u*
===================================
-CHAPTER 25-
Kathryn's POV:
“Kathy, hindi kita masasabay ngayon..” sabe ni Julia nung pagkatapos niyang mag ayos ng gamit at no’ng lumapit saakin.
Sinukbit ko yung bag ko.
“Oh. Ayos lang, pero bakit?”
“Ah kasi… si Katsumi, may… date kame. Hehe.” nahihiyang sabe niya.
Ginulo ko yung buhok niya sabay sabe ng,
“Taray, may date! Hahahaha.” tukso ko tapos naglalakad na kame papalabas ng corridor.
“Bumabawi lang yon... pasakit kasi sa ulo yung lalaking ‘yun e, kundi ko lang mahal ‘yun..”
“Ayun nga eh... mahal mo kaya, tiisin mo.” tapos nginitian ko siya.
Nakadating na kame sa labas. Si Katsumi nagaantay sa labas ng kotse niya, nag salute pa nga saakin eh. Tinanguan ko lang.
“Oh sige, ayan na si Kats oh.” sabe ko.
“Eh paano ka? Nagpasundo ka na ba?” Julia.
“Hmm, tinext ko na. Sige na… go na, bye! Kats! Ingatan mo si Julia ha? Enjoy!” sabe ko tapos tumango silang dalawa at umalis na.
Mukhang nakaalis na rin sila Sed, Lester, at JC… wala na yung kotse nila. Tapos yung kay Dj…. Hm, nandito pa? pero… saan naman kaya yung lalaking ‘yun? Anyway, magte-text pa pala ako na sunduin ako.
Kinuha ko na phone ko tapos nag text na.
To: Manong
‘Nong, masusundo niyo po ba ‘ko?
*sent*
Naupo muna ‘ko dito sa mga bench… tumitingin tingin lang ako sa paligid, wala lang ba’t ba? Ahahaha!
Biglang ng vibrate yung phone ko kaya tinignan ko….
Fr: Manong
Nako iha… no’ng umaga e sumabay ka daw kila Ma’am Julia kaya ‘di na kita nasabihan na may sakit yung anak ko’t ‘di ako makakasundo sayo… pasensya na ‘nak.
BINABASA MO ANG
Falling for the gangster. (KathNiel fanfic)
FanfictionWhat if the ordinary girl falls for the gangster? Will the guy catch her? Mamahalin mo ba yung hate mong ugali ng isang lalaki? Magbabago ba siya para sayo... or tatanggapin mo siya kahit gangster man siya? [BOOK1]