CHAPTER 2

49 3 32
                                    

Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang tanggalin ang posibilidad na namuo na sa aking isip. Why would he give our adviser a white envelope? Just right after... Just right after knowing about the ranking.

"If stares could kill, he would be dead by now," Maui commented.

I had no intention to watch the game. Pero heto ako, pagkaabot ng tubig kay Kuya, umupo sa bleacher at inaya si Maui na manood muna––only to glare at Renz.

"What if..."

"What if ka nang what if. Why don't you ask him personally?"

Sinimangutan ko si Maui. "And what would he think of me?"

"Ano naman? Totoo naman kung anong iisipin niya, e. You're judging him."

Hindi ko talaga alam kung paano kami naging magkaibigan ng bruha. Kapag kami talagang nag-usap, walang preno ang bibig namin. She would not hesitate to pinpoint my bad sides. Same with me. Tumagilid siya ng upo para lang matingnan ako.

"Hindi nga tayo sigurado na nag-eengage siya sa bribery."

"Kung tanungin ko siya, sa tingin mo ba aamin siya?"

"Hindi?" patanong niyang sabi. "But you don't have enough proof. At least, give him the benefit of the doubt."

"Sinusubukan ko naman."

"Pero mas matimbang talaga sa'yo na suhol 'yon?"

Kinagat ko ang labi. Hindi ako makasagot dahil alam kung ganoon nga ang iniisip ko.

"Eryn, listen. Naiintindihan ko kung bakit ganyan ang naiisip mo. Alam ko kung paano ka nag-aaral nang mabuti. Kaya nakagagalit kung malalaman mo na madali lang para sa iba na makuha ng matataas na grades."

"See? It would be too unfair for me."

"Yeah. Iyon ay kung totoo ang binibintang mo. Magagalit din ako kay Kuya Renz dahil ginagamit niya ang yaman nila para manlamang ng kapwa. Pero kung hindi, handa ka bang mag-sorry?"

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung kaya kong gawin 'yon. Wala naman akong balak na personal na magtanong kay Renz kaya siguro hindi naman niya malalaman na inaakusahan ko siya. Ngunit kung hindi ako magsasalita, magpapatuloy ang ginagawa nila kung totoo naman.

Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip pero naninikip naman ang dibdib ko sa tuwing iniisip ang nasaksihan kanina. I remember all my sleepless nights during the examination week, how I made effort, how I stucked everything inside my head.

Kung tama ako, mas lalo lamang liliit ang tingin ko kay Renz. Ngunit kung mali, napakalaking insulto sa kaniya at sa adviser namin ang naiisip ko ngayon.

"Tapos na sila," Maui pointed out.

Tumingin ako sa court. Naglalakad na pabalik sa bleachers sina Kuya. I was really spacing out. Ni hindi ko man lang namalayan na tapos na sila maglaro. I felt bad for Maui. Dahil sa problema ko, hindi siya nakapanood nang maayos. Nandito pa naman siya para sa crush niya.

"Ang gwapo talaga ni Hunter kahit pawisan!" pigil ang kilig na saad niya nang tumayo.

Sumunod ako pababa sa bleachers para puntahan si Kuya. Nakita kong umupo si Renz sa bench at itinuon ang braso sa hita habang umiinom sa tumbler. Kinakausap pa sila ng coach nila kaya hindi muna makaalis.

Nang makababa kami, tumayo si Maui nang tuwid sa gilid habang nakatingin sa crush niya. Napangiwi ako nang sulyapan niya ako at tapunan ng makahulugang tingin habang nanatiling mahinhin.

She looked so calm and tamed whenever Hunter was around. Pero alam kong sa kaloob-looban niya, para na siyang uod na binudburan ng asin. Tahimik kaming naghintay sa gilid.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon