CHAPTER 30

29 2 0
                                    

Warning:

Violence

***

Hindi ko na inalintana ang pang-iinsulto nila. Pakiramdam ko nabingi ako sa lahat ng iyon at ang tanging tumatak lang sa utak ko ay ang sinasabi nilang krimeng ginawa ni Kuya.

"The police will surely come knocking on your door!"

"H-Hindi magagawa ng kapatid ko ang sinasabi niyo!" ani ko at nilampasan sila.

"Leave, Cuarez! And do not ever come back!"

Iyon lang ang huli kong narinig nang tuluyan kong nilisan ang mansyon. Saka lang pumatak ang luha kong pinagkait kong makita nila.

Don't cry, Eryn! Your brother is innocent!

Pinunasan ko ang mga luha ko at halos lakad-takbo ang ginawa para makalabas lang ng gate ng Luna. Makulimlim ang langit at paniguradong ilang minuto na lang, tatakpan na ng dilim ang liwanag.

Nanlalabo ang paningin ko habang tumatakbo dahil sa mga luha kong hindi nagpapaawat. I kept on wiping my cheeks, but my tears would keep on falling.

Nakaalarma ang mga guwardiya nang lumabas ako. Hindi umaalis ang tingin nila sa akin na tila nakaantabay kung may masama man akong gagawin. But that would never happen. Ni wala akong lakas para makipagtalo.

Lumabas ako ng gate at natatarantang hinalungkat ang bag ko. Kailangan kong tawagan si Kuya at si Papa.

Dahil sa sobrang pagmamadali at panginginig ng kamay, nalaglag ang mga laman niyon. Umiiyak ko iyong pinulot isa-isa at binalik sa bag nang may matanto.

Wala ang phone ko! I remember putting it here before I busied myself in the kitchen. Paanong mawawala?

Mas lalong pumait ang sistema ko nang maalala ko si Claire.

Pagkalingon ko ulit sa gate, bukas pa iyon. Ngunit ang mga guwardiya ay nakatayo na sa harapan at hinaharangan ang mismong daan papasok.

"Y-Yung phone ko po... Nasa loob..." ani ko at sinubukang lumusot pero hindi sila nagpatinag.

"Pasensya na, Miss. Hindi ka na pwede pumasok ulit."

"Please. Kahit si Claire na lang po patawag. I really need to make a call--"

"Huwag ka na makulit, Miss! Umalis ka na!" sigaw sa akin ng isa.

"No, Kuya! Kailangan ko po talaga!" pakiusap ko.

Sinubukan ko ulit pumasok ngunit malakas na tumama ang puwet ko sa semento nang itulak ako ng isang guwardiya.

"Umalis ka na! Hindi ka na ulit makatutungtong dito!"

Dama ko ang hapdi sa tagiliran ko, braso, at sa kanan kong kamay na naituon dahil sa pagkabagsak. Alam kong dumugo iyon mula sa pagkatama sa mga maliliit na bato.

Nakatayo lang ang mga guwardiya nang tuwid at mariin ang tingin sa akin. Tumayo ako at sinubukan ulit makiusap, pero nanatili na silang walang imik at bingi sa lahat ng kung ano mang sasabihin ko. Bumagsak ang balikat ko, at wala nang pagpipilian kundi ang tumalikod.

I glanced at the road ahead. The first time I went here, Kuya fetched me. Ngunit ngayon, wala akong sundo. Wala ring mga nagagawing sasakyan. Sabay sana kami ni Claire na uuwi kung hindi niya ako iniwanan sa ere.

Gusto ko murahin ang sarili dahil sa lubos na pagtitiwala sa kaniya, pero wala na ring saysay ang paninisi.

Malapit na dumilim kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Inipon ko lahat ng lakas ng loob para maglakad palabas ng compound ng Luna. Puro puno iyon, tahimik, at wala akong ibang makitang tao. Kung sa normal na araw, mapupuno ako ng takot para sa sarili, ngunit ngayon, para akong namanhid para isipin pa ang sarili.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon