CHAPTER 16

42 3 49
                                    

Sa sumunod na weekend, natagpuan ko ang sarili na kasama ni Kuya sa kaniyang lakad. Nasa court kami ng isang barangay at habang nagpapahinga ang mga bata na tinuturuan niya magbasketball, kinuha ko na ang pagkakataon.

"Kuya, may kilala kang Ariesse?"

Habang umiinom ng tubig ay nilingon niya ako. Isinarado niya ang tumbler saka ibinaba sa sementadong upuan.

"Ariesse? Sinong Ariesse?"

"De Vieza..." I almost whispered.

"Kaklase ko."

Maui's right!

"Bakit mo tinatanong?" he asked curiously.

"Wala naman. Nabalitaan ko lang sa school na magdedebut daw," mahinahon kong sabi. "Edi aattend ka?"

"Kailan ka pa nahilig makinig sa usapan?"

"Wala lang, nakwento lang ni Maui. Edi aattend ka Kuya?"

"Hindi. Hindi naman kami close non," aniya bago kumunot ang noo.

I bit my lowerlip. I didn't want him to notice how curious I was. Akala ko uusisain niya pa iyon. Pero nakahinga ako nang maluwag nang hindi na niya dinugtungan pa ang sinabi hanggang sa tawagin siya ni Coach West pabalik sa mga bata.

I couldn't admit to my brother that I was curious about the birthday party and the reason behind my curiosity. Maayos pakikisama ng kapatid ko kay Renz pero ibang usapan na kapag nalaman niyang may nararamdanan ako para sa huli. Alala ko pa kung paano niya ako sinundo nang malaman niyang nagpunta ako sa mansyon nina Renz.

"Kuya, nagyaya yung kaklase ko kumain sa labas," ani ko nang pauwi na kami.

"Sinong kaklase?"

"Ah hindi mo kilala..."

"Nasaan doon yung sumagot sa tanong ko?" pilosopo niyang sabi na nakapagpangiwi sa akin.

"Renzon Coresta."

Mabilis siyang napatigil sa paglalakad at nilingon ako. "Lalaki?"

"Yes? Masama ba?"

He raised a brow. "Bakit ka naman niya yayain kumain sa labas?"

"Makipagkaibigan siguro."

"Kayo lang?" Tumango ako na mas lalong ikinasimangot niya. "Sasama ako."

Nanlaki ang mata ko. "Kuya, please. Bakit ka naman sasama?"

"I'll go with you," pirmi niyang ulit, hindi sinasagot ang tanong ko.

"Kaya ko naman mag-isa, Kuya. Mukhang makikipagkaibigan naman iyong tao. Wala naman masamang intensyon."

"Hindi ganoon pakiramdam ko, Eryn."

"Paano ako magkakaroon ng kaibigan kung tinataboy mo?"

Natikom ko ang bibig nang makita kong natigilan siya. Maging ako ay natanto kung ano ang sinabi. Alam ko naman na pinoprotektahan niya lang ako... it's not really his intention to stop me from having friends.

"Sor-" agap ko.

"Isama mo si Maui."

Nakagat ko ang labi. "Kuya..."

"Go with Maui or else, I'll go with you," he said with finality.

Napabuntong hininga ako. Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon, nagpaalam din ako kay Papa. Pumayag din siya sa parehong kondisyon. Hinayaan ko na lang. Alam kong nag-aalala lang sila dahil ito ang unang beses na may kasama akong lalaki kumain sa labas. Pumayag din naman si Maui na sumama sa akin sa pag-aya ko. Ayaw ko naman na si Kuya ang kasama namin! Nakakahiya 'yon kay Renzon.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon