CHAPTER 11

45 3 23
                                    

Maybe, it is really true that once your hatred melts, you'll start to see the good in someone. Because that's what happened to me. I just realized that Renz was not so bad after all. I just tainted his image unfairly on my mind.

"Baka matunaw," tudyo ni Maui na mabilis kong ikinaiwas ng tingin sa tinutuuan ng pansin ko.

"Sa bola ako nakatingin."

"Sige, kwento mo 'yan e."

Nilingon ko siya at pinagsalubungan ng kilay. "Sa bola nga ako nakatingin."

"Wala naman akong sinabing hindi ah?"

Umismid ako at halos irapan siya. She won't believe me anyway. Naglalaro sina Kuya ng basketball at nasa bleachers kami nanonood. Sa tuwing napupunta kay Renz ang bola, malisyosang tumitingin sa akin si Maui dahil sinusundan ko ng tingin ang galaw ni Renz na ikinangingiwi ko.

It's been almost a week after I went to their mansion and everything was then peaceful. Thankfully, my father didn't hear about it. Hindi nagsumbong si Kuya at pinagtakpan ang nangyari. Pero hindi niya ako kailanman papayagan pa na tumungtong ulit sa bahay nina Renz. Baka tuluyan na siyang magalit sa akin.

"Hindi ka naman palagi nagyayaya manood tuwing uwian," makahulugang puna ni Maui.

"Nagyayaya ako tuwing malapit na laban nina Kuya. They have upcoming tournament."

She narrowed her eyes. "Ikaw, magsabi ka nga sa akin. Ano talaga nangyari noong pumunta ka sa bahay nina Kuya Renz?"

"Wala nga. Sinundo ako ni Kuya."

That reminds me that I still have Renz's mother's dress. I couldn't find the right time to give it back to Renz. Palagi siyang napalilibutan ng karamihan. Ayoko naman na ibigay habang marami siyang kasama dahil baka marami pa ang makiusyoso. But it's a week already. Nakakahiya na nasa akin pa.

"I think there's more to it! May nagbago. Everytime we watch Kuya Renz, I could see the hostility in your eyes! Pero ngayon, wala na, Eryn! Kung hindi ko lang alam kung gaano mo siya kaayaw dati, baka napagkamalan kong nanonood ka ng crush mo."

Pinanlakihan ko siya nga mata. "OA mo."

She chuckled. "Wala naman ko problema kahit ayain mo ako manood araw-araw... Kung palagi ko ba naman siya nakikita, why not?"

Her eyes were settled on the one holding the ball right now. She's pertaining to Hunter, of course.

"Your eyes had enough for today. Tara na."

Umangat kilay niya. "Hindi na natin tatapusin ang laro?"

"Patapos na rin naman. Lalabas na 'yan sina Kuya. Sa labas na lang tayo maghintay. Nauuhaw ako."

Tumango siya. "Ako rin. Nandoon pa ata si manong na nagtitinda ng palamig."

Bumaba kami galing sa mga bleachers. Gusto ko sana senyasan ang kapatid ko na aalis kami ni Maui pero nakatalikod siya sa amin at abala sa pagbabantay kay Renz.

Si Renz ang nakaharap sa banda namin at bumubuka ang bibig. Sa tingin ko, may pinag-uusapan sila ni Kuya. He was smirking. I watched him suddenly do a crossover and aimed for a shot. It went straight to the basket.

"Pogi 'no?" Maui teased and grinned. "Tara na bago ka pa ma-fall."

Nginiwian ko siya at sinundan sa paglalakad. Isang beses ko pang tiningnan ang mga naglalaro at nakita kong mahinang pinalo ni Kuya ang balikat ni Renz at sabay silang nagtawanan. They look friends. I bit my lowerlip and looked away.

Lumabas kami ni Maui ng school at bumili ng palamig at fishball. Doon na rin kami naghintay na lumabas si Kuya. Saktong paglalagay ko ng cup ng palamig sa basurahan ay siya naman paglabas ng mga players sa gate. They were noisy.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon