CHAPTER 24

32 2 0
                                    

Pagkaalis ni Renz, pumasok si Castle sa cottage at sumabay sa amin sa pagkain. Ang mga mata niya ay palaging nagagawi sa pwesto ni Agosto na mukhang sinusungitan siya ngayon. There could be some misunderstanding between them. Ngunit halata naman na gusto nila isa't isa.

Napaawang ang labi ko nang makita kong tumayo si Agosto at kahit malayo siya, ipinadaan niya ang baso ng tubig sa ibabaw ng lamesa para mailagay 'yon sa abot ni Castle. I smiled. Mahal na mahal talaga.

Gusto ko maging masaya si Renz. Ngunit sa pagitan ng dalawang 'to, mukhang wala naman siya pagsisingitan.

Nilingon ko ang ilog. Nakakaengganyo ang tubig. Marami ang naroon ngunit wala roon si Renz. Nabanggit na sa akin ni Kuya na hindi naman siya mahilig pumunta sa mga liguan o anumang party, hindi ko alam kung nabago na ba iyon. Dahil sumama siya sa mga kaklase niya ngayon.

Iwinaglit ko iyon sa isip. Ayokong mapuno na naman ang utak ko ng tungkol na naman sa kaniya.

Nang matapos usisain ni Maui si Castle, nag-aya na ako maligo. Sumama si Maui, samantalang si Castle ay nagpaiwan.

Nang dumaan kami sa may batuhan, kita ko ang pag-angat ng tingin ng mga kalalakihan doon. Pamilyar sila at mukhang tagarito rin sa Villa Aurin.

They were checking us out. Maui and I were both wearing swimsuits, so our skin was exposed. Mabilis din naman silang nag-iwas ng tingin. Marahil ay naaalala nila ang apelyidong dinadala ko.

Sa may bandang malalim na parte kami pumwesto ni Maui, medyo malayo sa karamihan at sa mga cottage.

"Hindi ko talaga alam na nandito si Kuya Renz. Sorry," aniya at napayuko.

"Okay lang talaga. Pareho naman kaming umiiwas sa isa't isa. Kaya hindi naman kami mag-uusap." I smiled. "Tsaka gusto ko talaga umattend sa birthday ni Kuya Rem."

"Oo, paulit-ulit nga 'yon. At baka raw hindi ka sumipot." Napangiwi siya. "Mas prinsesa ata turing non sa'yo kaysa sa akin na kapatid niya e."

Natawa ako at nagbiro. "Oo nga. Lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang ako na ang tunay na anak nina Tito at Tita."

"Sige, ikaw na rin gumawa ng mga gawaing bahay ko, ha?"

She rolled her eyes.

Panay ang pang-aasar ko sa kaniya hanggang sa mapunta ang usapan namin sa ibang bagay. Nagkumustahan pa kami na akala mo naman hindi kami palaging magkasama tuwing weekends sa dami ng napag-usapan namin. Nagsasalita si Maui tungkol sa pinanood niyang teleserye nang may maalala ako. Nakita ko sa balita kamakailan.

"Maui, by the way, nakita ko nga pala si Hunter sa TV. Lalaro na pala siya sa isang sikat na university ano?"

Nakita ko ang pagkatigil niya. Ngumiti siya nang pilit. "A-Ah. Really? Good for him."

Kumunot ang noo ko. "Iyon lang?"

"Anong 'yon lang?"

I narrowed my eyes. "Hindi ka masyadong curious? First love mo 'yon, diba?"

Tumawa siya. "Ano ka ba, Eryn! Tagal na non. Tsaka, sino naman may sabi na first love ko 'yon? Crush lang a!"

She looked so defensive. Namumula ang tenga at ang pinsgi niya kahit pareho naman kami nakababad sa tubig. Natanto ko ang isang bagay, ngunit bago pa ako makapagkomento tungkol doon, inilihis na niya ang usapan.

"Wait, wala pa tayo pictures dito. Kukunin ko lang phone ko," paalam niya. "Sasama ka ba?"

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya bago marahang umiling. "Hintayin kita rito."

"Okay. I'll be back," aniya at umahon.

Tinanaw ko siya habang naglalakad siya sa batuhan pabalik sa cottage. Hindi naman nakakatakot maiwan dahil marami naman ang nasa paligid at naliligo rin.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon