CHAPTER 36

42 2 0
                                    

Umalis na ng tuluyan si Dill. Mariin akong napapikit. Talagang iniisip niya na hahawakan ko ang pinsan niya? At bakit ko naman siya hahawakan?

I pursed my lips and looked at the sleeping Renz. I-ba-ban talaga kita sa bar simula sa Lunes!

Tuluyan ko siyang ipinasok sa unit. Ngunit bigla siyang gumalaw at bumigat. Dahil hindi ko iyon napaghandaan, nadala niya ako nang matumba siya. Nanlaki ang mata ko nang bumagsak ako sa kaniyang dibdib. His arm was encircled around my waist. Agad akong tumayo nang matanto ang pwesto namin.

Sinubukan ko ulit siyang gisingin, pero wala. He's already lying fast asleep on the floor.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na natutulog lang siya kapag lasing. Hindi siya nagsusuka o nagwawala.

Nakailang subok pa akong gisingin siya, pero wala. Sinukuan ko na. Hinanap ko muna ang master's bedroom at nakita ko iyon sa kaliwa gaya ng sinabi ni Dill. At dahil, hindi ko kaya buhatin si Renz habang mahimbing ang tulog niya, nagdesisyon akong hilahin na lang siya sa paa. He looked pitiful, but I didn't care! Iinom-inom kasi, 'di naman kaya.

Talagang mahimbing ang tulog niya dahil umuungot lang siya pero hindi nagising. Naisandal ko na lang siya sa edge ng kama, hindi pa rin siya gumagalaw.

What now?

Hinawakan ko ang leeg ko. Hinihingal pa ako dahil sa bigat niya. Nagsisimula na ako pawisan kahit bukas naman ang aircon. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at nagdalawang-isip na iangat siya sa kama niyang kulay puti ang sapin.

The tiles are clean but knowing na hinila ko siya kanina sa sahig, sinong gugustuhin na ilapag na lang siya basta-basta sa malinis na kama. He's sweating, too.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto niya.

Because it's his room, I already expected that it's clean, organized, and minimalistic. Malinis ang lahat. Walang kahit anong damit o gamit na nakakalat. It has a coxy modern look, too. Very masculine with perfect balance among gray, black, brown, and white.

There was a huge picture on the wall, directly on top of the headboard. It was familiar. Then I realized that it was the park in Villa Aurin.

Nakagat ko ang labi at mabilis na iniwas ang tingin ko doon. Lumapit ako sa closet niya. Maging ang mga damit doon ay nakasalansan nang maayos kaya hindi mahirap humila ng isang t-shirt.

Bumalik ako at umupo sa binti ko para mas maharap ko siya nang maayos. I was hesitating for a while, but in the end, I decided to do it. Hindi naman ako patutulugin ng konsensya ko. May awa naman ako.

"I'm going to change your top..." I whispered to him. I heard no response.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. Ngunit iaangat ko pa lang iyon, nabigla ako nang pinigil niya ang kamay ko.

"Renz, you need to change..."

"Don't touch me..." malamig niyang sabi.

His hand was tightly holding mine. Tila itutulak niya ako kung tatanggalin ko man pang-itaas niya.

"I-I won't. Tatanggalin ko lang kasi kailangan mo magpalit--"

"Don't," he murmured, not letting go of my hand. His eyes were closed. "She has all the rights..."

"She? Sino 'yong nililigawan mo?"

"Yes..."

May tila kumirot sa puso ko. He's ready to devote everything for Kesia? Kahit lasing na lasing, naroon ang self-control niya 'wag lang siyang mahawakan ng sinumang babae.

"Y-You're sweating. You need to change--"

"I said don't touch me!" he shouted as his eyes flew open.

Mabilis na nagkapalit ang pwesto namin. Natagpuan ko na lang ang sarili na nakasandal sa gilid ng kama habang siya ang nasa harap ko. Ang isa niyang kamay ay nasa baywang ko, habang ang isa ay nakatuon sa aking gilid.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon