CHAPTER 35

47 2 0
                                    

Hindi pa rin napawi ang ngiti ko dahil sa pagkakita sa namumulang pisngi at tenga ni Renz kanina. He looked really really shy. Minsan lang iyon mangyari kaya nakakapanibago.

Nang matauhan ako na magbre-breakfast ako kasama siya, saka lang ako natigil sa kangingisi. Kakain talaga ako kasama siya?

Bumaba ang tingin ko sa damit ko. I was wearing a beige blouse, blue denim jeans, and sneakers. Malinis iyon at walang kahit anong dumi. Ngunit iyon ang palusot ko sa kaniya, nagpalit ako ng damit bilang patunay.

I changed into a casual blue dress, square neck and knee-length. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.

"Come in."

Nagbukas iyon at sumilip ang ulo ni Susan. Magsasalita na sana siya nang bumaba ang tingin niya sa damit ko. Nanlaki ang mata niya at bahagyang namula, pero hindi siya nagkomento tungkol doon.

"M-Ma'am Eryn, nandyan po 'yong pinsan niyo," aniya, nauutal.

Bigla akong kinabahan nang may matanto. Si Jhayven?

"P-Pasabi palabas na ako."

Nauna lumabas si Susan. Huminga ako nang malalim bago lumabas. Naghihintay sa isang table si Jhayven, dalawang table ang pagitan kung nasaan si Renz. Kumaway ako kay Jhayven na ngumiti lang nang tipid.

"Um-order na si Sir Renz mo?" I asked Susan.

"Yes, Ma'am."

"Ilang orders?"

"Two."

"I-cancel mo 'yong isa..."

"Ma'am?" nagtataka niyang sabi.

I swallowed hard, guilt was creeping into me.

"Basta i-cancel mo..."

Kumuha ako ng sticky note at nagsulat.

I'm sorry. I can't.

Tinupi ko iyon at pinakisuyuan si Susan na isabay iyon sa tray ng kung sino man ang magdadala sa table ni Renz. Tinanong ko rin kung ano inorder ni Jhayven at pinadalawa ko iyon. Siya ang makakasabay ko ngayon kumain.

Hindi ako makatingin kay Renz nang nilampasan ko ang table niya. Nagdirediretso ako sa table ng pinsan ko.

"Jhayven," bati ko.

He closed the thick book he was reading. Jhayven entered law school.

Tumayo siya at yumakap sa akin. "Ate Eryn."

Sabay kaming umupo. I sat across him and smiled. "What are you doing here?"

"Wala. Bumibisita lang. How are you?"

"I'm fine. How about you?"

"I'm doing good, too..." aniya. "Minsan napapadaan ako rito kapag nagmamaneho. I can see that the resto is doing good, too, Ate. Congrats."

"Thank you," ani ko. Ngunit hindi pa rin naalis ang pangamba ko sa dibdib. He probably saw Renz leaving my office. "Jhayven, si Renz..."

"It's okay, Ate. You have nothing to explain," he cut me off. "Don't worry about it."

"Walang meron sa amin..."

He smiled. "At okay lang din kung meron."

Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

"I've been there, so I understand. You can trust me..."

"Pero wala talaga," tanggi ko ulit.

"Kung wala, edi wala. Kung meron, okay lang din." He said, putting it simply.

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon