CHAPTER 25

29 2 0
                                    

My heart was pounding hard because of what happened. Nang lumayo sa akin si Renz at umayos ng pagkakaupo sa driver's seat, hindi agad ako nakagalaw. He looked like he was over the place, too.

Natauhan na kami sa ginawa namin, pero pareho kaming nangapa sa sasabihin.

"Eryn..." he called that made me gasp.

"U-Uuwi na ako," I said and opened the door of his car.

Ngunit bago pa ako makababa, mabilis niyang inabot ang braso ko. One touch, and I was easily reminded of the kiss and everything!

Hinawi ko ang kamay niya na nasa braso ko at nakita ko kung paano siya natigilan. His gaze dropped on my arm as pain crossed his eyes. He blinked and looked away.

"I-Ihahatid na kita," aniya.

"Hindi, Renz. Magcocommute na lang ako."

He licked his lips. "Kahit sa labas ng kalye niyo lang."

Mabilis akong umiling. Napuno ako ng panlulumo. "Ayokong may makakita. Alam mong..."

Naiwan ang salita ko sa ere. Hindi ko kayang ituloy ang pangungusap. Batid kong kahit hindi ko ituloy, alam na niya ang gusto ko sabihin.

"Kahit ibababa na lang kita kung saan ka makakasakay ng tricycle," aniya sa tonong nakikiusap. "Please..."

Napalunok ako at tinuon ang mga mata sa bintana. Tumango ako, sapat lamang para makita niya ang pagpayag ko. Marahan kong inayos ang seatbelt ko.

Dama ko ang pagtagal ng tingin niya sa akin, pero pinilit ko ang sariling huwag lumingon sa gawi niya. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niyang marami na naman gustong sabihin, pero naduduwag na ipahayag ang mga iyon. I couldn't blame him. I was feeling the same.

Ang daming kong tanong at mga salitang piniling kimkimin. I couldn't ask and tell him. Naduduwag ako. Narinig ko na lang ang pagkabuhay ng makina at ang pagmamaniobra niya.

Mabagal ang patakbo ng sasakyan. Kahit malapit lang naman ang entrada kung saan may mga dumadaang tricycle, inabot kami ng ilang minuto. The ride was totally quiet, none of us spoke.

"Dito na lang," ani ko nang madating namin ang labasan.

Pwede na ako sumakay mula rito. Kinalas ko ang seatbelt ko habang tinitigil niya ang sasakyan. Napansin ko ang pagkalas niya rin sa seatbelt niya.

"H-Huwag ka na bumaba," I uttered, trying my best not to stutter. Konti-konti na lang mababasag na ang boses ko. "We can't be seen together."

He bit his lowerlip, looking frustrated.

"I know," pagsuko niya at sumandal sa upuan. Hindi ako kaagad bumaba. Tiningnan ko siya nang mariin.

Gusto ko munang ayusin ang gusot na ginawa ko. I was the one to blame. He was probably tempted to kiss back. But I was the one who initiated it. I was the one who kissed him first.

"Renz, let's just forget everything that happened."

Nagsalubong ang kilay niya. "What?"

"You know what I am talking about. I am attracted..." I paused. "And you're probably tempted, but it's a mistake just like what you said. So let's pretend--"

"Pretend? We kissed, Eryn! We can't just pretend that it didn't happen--"

"So what do you want us to do?" I coldy cut him off. "It's a mistake, Renz! Ano pang gusto mong itawag don? Sa sariling bibig mo na rin galing, hindi 'yon tama. Our f-families..."

Muli kong nakita ang imahe ni Tita at Papa sa isip ko. What have I been doing these past weeks?

"Eryn, listen--"

At the Tips (Villa Aurin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon