"Sino 'yon?" Tanong ni Justin sa kanyang matalik na kaibigan na si Ken pagkatapos nitong patayin ang kanyang cellphone.
"Si mommy." Sagot nito at umupo sa tabi niya.
"Pinagalitan ka na naman?"
"Hindi. Actually . . . alam mo na. Kailangan ko na raw ipakilala ang grilfriend ko sa kanila. 'Di ba nasabi ko na sa'yo?"
"Ang problema wala kang girlfriend." Tumango si Ken sa kanya. "Edi maghanap ka na! Naku naman Ken! 'Yong ibang mga magulang nga diyan ayaw pa na magkagirlfriend ang mga anak nila tapos ang mga magulang mo, gusto na agad nila ipakilala mo siya sa kanila. Kung ako sa'yo maghahanap na ako ngayon. Wait. 'Di ba crush mo 'yong sino nga ba 'yon? 'Yong tourism?"
"Si Angel?"
"'Yon! Mukhang gusto ka rin naman niya, ligawan mo na." Hindi kumibo si Ken sa kanya. "O bakit? Hindi mo na ba siya gusto?"
"Matagal na 'yon. Iba na ngayon. Tsaka nagandahan lang naman ako sa kanya. Hindi naman ibig sabihin no'ng gusto ko na siya."
"So ngayon wala kang nagugustuhan?" Umiling si Ken. "Yare tayo diyan. What if maghanap ka na lang ng babaeng magpapanggap na girlfriend mo? For sure maraming magvovolounteer. Andami kayang may crush sa'yo."
"Ayoko nga. Baka maging sakit ng ulo ko pa 'yan katagalan."
"Sabagay. Baka mamaya maging delusional na tapos ibuking ka pa sa mga magulang mo. Yareng yare ka na talaga. Kailan mo raw ba dapat dalhin ang jowa mo?"
"This weekend."
"Agad agad?!" Tumango si Ken. "Yare ka nga talaga!"
"Ano'ng gagawin ko Jah? Nasabi ko pa naman na dadalhin ko siya. Ayoko na madisappoint na naman sila sa akin."
"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi ang totoo? Tingnan mo, napasubo ka pa tuloy."
"Hindi naman ako makatanggi eh. Kapag nakilala mo sila, maiintindihan mo rin ako."
"Ang hirap naman ng sitwasyon mo. Kung may maitutulong lang sana ako-"
"Oh my gosh! Ang talino mo Jah!" Kumunot ang noo ni Justin sa sinabi ng kaibigan.
"Ano? Wala pa nga akong sinabi."
"May maitutulong ka nga!"
"Ano naman 'yon?!"
"Act as my girlfriend!"
"WHAAAAT?!"
To be continued . . .
[vee: Hello! 🤗 Just a short prologue muna before we start the Chapters. Nabasa niyo na po ba ang Author's Note? Pakibasa na lang po for important notes. Thank you everyone! 🫶]
ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ
YOU ARE READING
FAKE IT | A KENTIN AU
FanfictionRelationships can be faked, but how about the feelings? Can they still . . . fake it?