"What are you doing here?" Nilabanan niya ang kaba at pilit nilagyan ng galit ang boses.
"Wala ka bang balak sabihin sa akin?" parang galit na tanong nito.
"What are you talking about?" Alam naman niya ang sinasabi nito pero ang tinatanong niya sa mga oras na ito ay ang sinabi nitong wala raw siyang balak sabihin dito na buntis siya.
"Kung hindi pa dahil kay Gabriel, hindi ko malalaman na buntis ka!" He's really mad.
"Ano ba'ng karapatan niya para magalit?"
"Ano ba'ng problema mo at bakit mo ako sinisigawan?" Ano ba'ng sinabi ni Gabriel at Judith dito? Parang galit na galit ito ng sobra.
"I should've kept my pregnancy to myself. I am so scared of the outcomes. Ano na lang ang mangyayari?"
"Two months na at wala ka man lang sinabi. Balak mo ba ang ilihim sa akin o baka naman wala ka talagang balak sabihin?" galit pa rin na tanong nito.
"Bahala ka nga kung ano'ng gusto mong isipin. I won't explain." May nabuo na idea sa isip niya. Kung mali man ang nasa isip niya, bahala na.
"Bakit ba kailangan mo pang malaman?" nanunuyang tanong niya dito. Tinaas ang isang kilay.
"Dahil ako ang ama niyan. Parehas lang din tayong may ambag diyan. Mas marami nga lang akong ginawa no'ng gabing 'yon." Tinuro nito ang tiyan niya. He even smirked! This man!
"How sure are you?" pagtataray niya rito. Ayaw magpatalo.
"Gusto mo pang ipaalala ko?" nakangising tanong nito.
"Na ano?" Halatang hindi niya gets na tanong dito.
"Ako ang nauna sa 'yo," sabi nito na may pagmamayabang.
Namula ang mukha niya at nag-isip ng sasabihin dito.
"You raped me!" naiinis niyang sabi rito. Diniinan pa niya ang mga salita.
Napahalakhak ito at naglakad papasok sa apartment niya.
Ang kapal! Isinara niya ang pinto at sinundan ito.
"Sinabi ko ba'ng pumasok ka? Can you please get-"
"Walang na re-rape na umuungol, Dianna Roque. At saka rape ba tawagin iyong mga ginawa mong ayaw na akong pahintuin?" Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Ginusto mo 'yong nangyari. Gustong-gusto mo." nakangising sabi nito at matiim na nakatitig sa kanya.
Nawalan siya ng sasabihin. Wala siyang mahagilap na pambara dito. Ramdam din niya ang pag-akyat ng dugo niya sa mukha niya. Shit!
"Bastos ka! Get out of here!" sigaw niya at pinaghahampas ito.
"Puwede bang kumalma ka?" awat nito at pilit hinahawakan ang mga kamay niyang humahampas dito.
"I don't need you here! Kaya kong buhayin ang anak ko mag-isa!" sigaw niyang tumigil sa paghampas dito.
"Anak natin! Anak ko rin 'yan, Dianna. Huwag mo akong alisinan ng karapatan para sa anak ko." mariing sabi nito.
Naiinis na napaupo siya sa sofang nasa gilid niya.
"Puwede bang alang-alang sa bata, 'wag na tayong mag-away?" seryosong sabi nito pagkalipas ng sandaling katahimikan.
Nagtaas siya ng tingin dito.
"Sa tingin mo ba natutuwa akong makipag-away? Kung hindi ka kasi presko, bastos at napakayabang! I don't want you in my life."
BINABASA MO ANG
Nakedly Yours [COMPLETED]
Любовные романыAkala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngunit nagising na lamang siya na hubo't hubad habang katabi pa niya si Angelo De Leon. Nangyari ang lah...