Kabanata 14

1.4K 42 2
                                    

Sana parating gano'n. Araw-araw masaya lang si Dianna.

"Angelo, where's the documen-" Natigil sa pagsasalita ang lalaking biglang pumasok ng office nang makita siya.

Matangkad at guwapo rin ito. Parang si Angelo pero mas mukhang matanda.

"Oh, hi!" nakangiting bati nito sa kanya.

At mukhang mabait din ito.

"Hello!" Tipid siyang ngumiti rito.

"So, siya pala 'yon?" Bumaling ito kay Angelo. "I'm Alberto De Leon." pagpapakilala nito sa kanya.

Naalala ni Dianna. Si Alberto De Leon ay ang panganay na kapatid nito.

"I'm Dianna. Dianna Roque." pagpapakilala niya sa sarili.

"Nice to meet you, Dianna. My family is so excited to meet you." nakangiting sabi nito habang nakikipag-shake hands.

"Thank you!" Wala siyang masabi bukod sa 'Thank you'. Sana talaga mababait silang lahat katulad nitong si Albert.

"Nagdala ng pagkain si Dianna. Nag-lunch ka na ba, kuya? " tanong nito sa kapatid.

"Yes, I'm done. Thanks. I'm looking for Tagaytay hotel's project," sabi nito sa kapatid.

"I'll give it to you later," sagot ni Angelo.

"Okay. I'll go ahead. Bye, Dianna," paalam nito.

"He looks kind," aniya kay Angelo.

"He is," sagot naman nito.

"Gano'n din ba kabait ang daddy at mommy mo? Pati ang Ate Angellie mo?" tanong niya dito.

"Mommy, daddy at Ate Angellie natin." pagtatama nito. "Yes. Gano'n sila kabait," sagot nito sa kanyang tanong. "Sanayin mo na rin na tawagin silang mom and dad. They'll like it."

Kung ganoon, wala siyang dapat ikabahala. Pero nag-aalala pa rin siya dahil sa agwat ng katayuan nila sa buhay.

"I'm not wealthy as you are. Okay lang ba 'yon?" nag-aalalang tanong niya.

"Just relax. Hindi kami tumitingin sa katayuan sa buhay ng ibang tao," sagot nito at hinaplos-haplos ang buhok niya.

"By the way, love. Mamayang gabi, hindi ako makakauwi agad. Mauna ka nang kumain. Okay lang ba?" mayamaya'y tanong nito.

"Okay. Bakit?" tanong niya.

"May pupuntahan lang akong importante."

"Sige."

Ayos lang naman 'yon sa kanya. Parati naman itong nagpapaalam sa tuwing hindi makakauwi agad.

Hinatid siya nito sa bahay kahit pinipigilan niya ito dahil puwede naman siyang mag-taxi na lang.

"Manang Fe, kumain na po tayo. Hindi kasi ngayon makakauwi ng maaga si Angelo, eh," aya niya kay Manang Fe kinagabihan.

"Ah, gano'n ba? Sige. Hali ka na." Itinaob nito ang isang pinggan na nakalaan para kay Angelo.

"Saan daw ba siya pupunta?" tanong ni manang.

"Importante raw po, eh. Baka sa trabaho po," sagot niya kay manang.

Parati naman kasing trabaho ang dahilan ni Angelo. At naniniwala siya rito. Wala siyang nararamdaman na kahit anong kaba o pagdududa sa ipinapakita nito sa kanya. Magiging isang masayang pamilya sila. Nakikita niya 'yon.

Two months na lang ay magkaka-anak na sila at 'yon ang mas magpapatibay ng pundasyon ng pagsasama nila.

Hinaplos niya ang malaking tiyan.

"I'm so excited to see you, baby."

Habang hinihintay si Angelo, dahil hindi pa naman siya inaantok, nanood muna siya ng teleserye sa ABS-CBN prime time.

Natapos na niya ang A love to Last pero wala pa rin si Angelo.

Minabuti na lang niyang mahiga sa kama. Doon, maghintay siya kung hindi siya makakatulog. Pero nakatulog na lang si Dianna ay hindi pa rin ito nakauwi.

Wala sa loob na kinapa niya ang katabi nang magising kinaumagahan.

"Hindi pa ba siya nakauwi?" Nag-aalalang tanong niya sa sarili.

"Good morning!" nakangiting bati ng bagong ligong si Angelo. Galing ito ng shower room at towel lang ang nakatakip sa pang-ibabang katawan.

"He's so guwapo talaga."

"Good morning!" bati niya at kinusot ang mga mata. "Anong oras ka nakauwi? Hindi na ako nagkaroon ng malay, eh," tanong niya rito.

"Past twelve na siguro 'yon, love," sagot nito.

Mas pinili na niyang 'wag magtanong pa.

"Love?" Kumatok ito sa pinto ng shower room.

"Bakit?" sigaw niya para marinig siya nito.

"Aalis na ako! Late na!" sigaw rin nito.

"Sige na! Mag-iingat ka!" sigaw niya.

"No. Lumabas ka muna." narinig niyang sigaw nito.

Dali-dali siyang nagbuhos para magtanggal ang sabon sa katawan at nagtakips ng towel.

"Bakit?" tanong niya nang dumungaw sa pinto.

Nakangiting lumapit ito sa kanya.

"'Yong goodbye kiss ko," sabi nito bago siya mariing hinalikan sa labi.

"Hmm. Akala ko naman kung ano na." natatawang sabi niya nang pakawalan nito ang labi niya. Kinikilig siya. Parati kasi siyang may goodbye kiss dito at sa tuwing uuwi rin ito ng bahay.

"Ayaw mo ba?" Naglungkot-lungkutan ito.

"Hindi." natatawang sabi niya. "Akala ko ba male-late ka na?"

"Oo, nga. Ang tagal mo kasi, eh!" reklamo nito. "I'll go ahead. I love you." Mabilis siya nitong hinalikan bago umalis.

"I love you, too!" sigaw niya kahit alam niyang hindi na siya nito narinig. Natulala pa kasi siya nang sabihin nito 'yon kaya hindi agad siya naka-react.

Hubo't hubad siyang lumabas ng shower room at tiningnan ang sarili sa salamin. Ang laki-laki na niya.

Nakangiting hinaplos niya ang tiyan habang nakatingin sa salamin. She was really excited to see her baby's face. Nagbihis na siya at bumaba ng kuwarto.

"Manang Fe!" Nahinto siya sa pagbaba nang marinig ang tili ng isang babae sa labas ng mansyon.

Kumunot ang noo niya. Dali-dali siyang bumaba nang hindi na gumagawa ito ng ingay. Sino kaya ang bisita nila ngayon? Ang aga naman 'ata. Baka si Marjorie? Sa isiping 'yon ay dali-dali siyang nagtungo sa pintuan patungo sa labas ng mansyon.

"I miss you, manang," sabi ng maganda at matangkad na babae habang yakap si Manang Fe.

Mas pinili niya ang magkubli dahil hindi niya ito kilala.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" halatang gulat na gulat na tanong ni Manang Fe.

"Hmm. Just visiting. Manang naman, eh. Hindi niyo ba ako na miss?" pagtatampo nito.

"Sino ba siya?"

"Hindi sa gano'n. Kaya lang nandito ang asawa ni Angelo," sabi ni Manang Fe habang pinipigilan ang babae na pumasok sa loob ng bahay.

"Okay lang po 'yon. Mas mabuti nga 'yon, eh. Nag-usap na kami ni Angelo kagabi. Nandyan ba siya, manang?" tanong ng babae habang nakatingin sa bahay.

"Wala siya kakaalis lang. Ano'ng pinag-usapan niyo?" halatang kinakabahan na tanong ni Manang Fe.

Inayos niya ang pagkukubli at lumakas ang kabog ng dibdib niya.

"Sino ba ang babaeng ito?"

Nakedly Yours [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon