Ang bilis ng panahon. Hindi makapaniwala si Dianna na isang buwan na lang ay bibinyagan na si Klay. Pero maayos na ang lahat ng kakailanganin nila sa binyag.
Naimbitahan na rin niya sina Judith and Gab, Roderick and Marjorie, at ang dalawang kapatid ni Angelo.
Nais ng pamilyang De Leon ng enggrandeng pagdiriwang ngunit tumanggi si Dianna. She wanted it simple. But she really was thankful dahil napaka-supportive ng pamilyang De Leon sa desisyon niya. She were blessed and lucky to be part of the De Leon family.
Sumilip siya sa anak na mahimbing ang tulog.
At kapagkuwan ay tumawag si Angelo sa kanya.
"Wala ka pang dalawang oras na wala rito sa bahay, miss mo na agad ako?" biro niya.
"Puwede ba'ng i-cancel ko na lang ang flight ko sa Singapore? Mas gusto ko i-cuddle si baby, eh."
"Two weeks ka lang naman doon. Hindi tatakbo si baby. Nandito pa rin siya pag-uwi mo."
"Tsk. Pagbalik ko, sundan natin agad si Klay para may kalaro na siya paglaki. Say yes!"
Kung katabi lang niya ang kumag na 'yon ay binatukan na niya ito.
"Ikaw ba ang mahihiwaan ng laman 'pag nag-labor? Kung maka-say yes ka riyan, ha!"
Narinig niya itong humahalakhak. "We will share the pain, mahal ko. Well, lagi naman natin pinagsasaluhan 'yon."
"Bunganga mo pakitakpan ng tape, please!"
"But seriously, mahal ko, miss ko na nga agad kayo ni baby. Kailangan ko yata magretiro ng maaga para kasama ko na lang kayo parati."
His words melted her heart.
"Tapusin mo muna ang business meeting mo. Pagbalik mo, ayusin natin ang biniyag ni baby saka tayo mag-usap tungkol diyan," imporma niya.
"Yes!" masayang sambit nito. Alam ni Dianna na nagdiwang na ito.
"O siya! Bye na muna. I-feed ko muna si baby," paalam niya.
She heard his weird laugh. She knew he was thinking something. Pinatayan niya ito ng tawag agad. She had a naughty Angelo.
Pagsapit ng gabi, siya ring pagdating ni Judith kasama si Gab. Karga ni Gab ang anak nilang si Jette na ilang buwan lang ang pagitan kay Klay. Isang maleta lang ang dala ng mga 'to.
"Alsa balutan ba 'to, mare?" nakaturong sambit niya sa maleta nila. "Daig mo pa out of town, ah," dagdag ko pa na ikinatawa ni Gab.
"Exactly, Dianna. Ewan ko ba riyan sa bestie mo kung makapagdala ng gamit akala mo ay nag-away kami," wika ni Gab habang nakahalik sa ulo ng anak.
Pumaywang sa gitna si Judith upang taasan ng kilay si Dianna at Gab. "Mommy duties, okay? Lahat ng kailangan ni Jette nandiyan sa maleta. Lumaki akong girl scout, 'no!"
"Oo na lang," sabi niya bago bumaling kay Gab. "Kumain ka muna ng hapunan dito, Gab. Nagluluto ng pancit si Manang Fe," sabi niya. Paborito kasi nilang magpinsan ang pancit na luto ni Manang Fe.
Kinarga ni Judith si Jette at hinalikan ang labi ni Gab. "'Wag mong demonyohin 'yan, Dianna. Mahigit isang linggo na siyang itlog lang ang kinakain para daw lumabas ang abs niya."
Hinaplos ko ang malulusog na daliri ni Jette bago bumaling sa dalawa. "Aanhin mo naman ang abs, Gab? Mahilig naman sa taba 'tong si Judith, ah," pagbibiro ko.
"Para may supply ng pan de sal ang babe ko. Palaman na lang ang kulang. Di ba, babe?" Pagkatapos nitong sabihin iyon ay kumindat ito kay Judith.
Nasa dugo na yata ng mga De Leon ang kakornihan.
"Kargahin ko lang si Klay," paalam niya.
"Kumusta kayo ni Angelo?" bungad na tanong ni Judith. Tinusok nito ang ibabaw ng chichirya gamit ang pinang-ipit nitong lapis sa buhok.
Nagbukas siya ng dalawang can ng soda. "We are happy. Di ba sabi ko nga sa 'yo, I finally found my home?"
"No arguments?" Sumubo ito ng isang pirasong chichirya.
"Away sa kama, mayroon," sagot niyang muntik pang ikasamid ni Judith.
"Hoy! Ang naughty naman! Ikaw ba talaga ang best friend ko? Nakakapanibago, ha! Conservative to naughty, real quick!"
"Joke lang. Ikaw naman!" nakatawa niyang sagot. "Kayo ba ni Gab?" balik niyang tanong kay Judith.
"Naiinis ako madalas sa lalaking 'yon. Panay bili ng napakaraming pagkain, eh. Kaming dalawa lang naman sa bahay. Sinong kakain no'n? Mabuti sana kung kaya niyang ubusin, kaso hindi. Madalas tuloy akong magtapon ng panis na pagkain."
Natawa siya sa reaksyon ng mukha nito. "May mga bagay talaga na matutuklasan lang kapag nagsama na kayo sa isang bubong. Accept his flaws. Pumayag kang asawahin siya, eh."
"Love ko naman si Gab, nakakainis lang siya minsan. Eh, si Angelo? Any habits na nakakainis?"
Napaisip siya sa tanong na 'yon. Mayroon ba siyang kinaiinisan sa asawa niya, maliban sa madalas siya nitong tuksuhin? Parang wala. "Siguro kung dati mo pa 'kong tinanong niyan, baka marami akong isasagot. Ngayon, wala eh."
"Sus! Honeymoon phase pa 'yan. Ganiyan na ganiyan din ako kay Gab no'ng bagong kasal pa lang kami. Kita mo ngayon? May kinabubuwisitan na ako sa kanya."
"Let's see," pahayag ko.
"Maiba ako, kailan punta rito ni Robin Padilla?"
Nasamid siya sa tanong ni Judith. Sabay pa silang napasabi ng "liver lover, boy!" na ang tinutukoy ay si Roderick para sa binyag ni Klay.
"Tumutulong pa 'yon sa bukid," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Nakedly Yours [COMPLETED]
RomanceAkala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngunit nagising na lamang siya na hubo't hubad habang katabi pa niya si Angelo De Leon. Nangyari ang lah...