Kabanata 11

1.5K 47 2
                                    

Dumaan muna sila sa isang Japanese Restaurant bago umuwi. Kahit sinabi niyang busog siya ay hindi niya ito napilit na umuwi na lang. Kumain na kasi sila sa bahay ni Gabriel.

Isang beef steak, isang rice at fresh mango shake ang in-order niya at gano'n din ito.

"Eat well. Para malusog ang baby natin," sabi nito habang kumakain.

"Sabi ni doktora, mataba na raw si baby. Kailangan kong magbawas sa pagkain para hindi ako kahirapan sa panganganak. Baka ma-CS pa ako," paliwanag niya na bahagyang natakot ng maalala ang CS.

Two months na lang din ay malalaman na nila kung ano ang gender ni baby.

"Mr. De Leon," tawag ng isang seksing babae na palapit sa kanila.

Lumapit ito at bumiso kay Angelo na hindi man lang tumayo para salubungin ang babae.

She wondered why.

"Long time no see." malanding sabi nito at hindi man lang nag-aksayang tapunan siya ng tingin.

May mga ganito pala talagang klase ng babae.

"Yeah. It's been a long time," ani Angelo at bumaling sa kanya. "By the way, this is my wife, Dianna." pagpapakilala nito sa kanya sa babae.

"Wife. My heart."

Noon lang din siya tiningnan ng babae.

"Hindi ko nabalitaan na nagpakasal ka," sabi nito pagkatapos siyang hagurin ng tingin. "And she's pregnant," dagdag pa nito.

"Well, that's life," ani Angelo na pinunasan ng tissue ang bibig.

"I see. Well, I have to go. It is nice meeting you, Dianna," anito at muli siyang tiningnan bago umalis.

"One of your victims?" tanong ni Dianna bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ikaw lang ang nabiktima ko. Kusa silang lumapit." seryosong sabi nito.

"Eh di ikaw na ang guwapo at malakas ang karisma!"

"I see," bale-walang sabi niya.

"Are you jealous?" tanong nito at tinitigan siya.

"Why would I?" balik na tanong niya.

"I don't know. Maybe you're fallin' in love with me." Seryoso pa rin ito.

"In what reason?" pagkukuwari niya.

Nakita niyang bahagyang dumilim ang itsura nito.

"Then, I'll make sure that you will fall in love with me." seryosong sabi nito.

"Goodluck!" mariing sabi niya.

"Goodluck to me."

Nang makauwi na sila ng bahay ay agad siya nag-half bath. Pagkatapos naman niya ay sumunod naman si Angelo habang nagpapahid siya ng cream sa mukha.

Parang normal lang na mag-asawa sila. Kunwari ay hindi siya naiilang dito. At magtabi rin ulit sila sa kama nang matapos na sila sa lahat na gawin.

"Sweetheart?" mahinang tawag nito mula sa likuran niya. Nakatalikod kasi siya rito.

"Hmm." mahinang ungol niya. Kunwari ay inaantok na siya.

Yumakap ito sa baywang niya. Pinihit siya paharap.

"Bakit?" tanong niya nang makaharap dito. Napatitig siya sa guwapong mukha nito.

"Nagwawala si junjun." naka-pout na sabi nito.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Kumamot ito sa ulo. "I want you tonight."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.

Geez!

Pinigil niya ang mapakagat ng labi. Tumalikod siya rito.

"Hindi puwede. Malaki na si baby," aniya at saka mariing napapikit.

"Pero no'ng nakaraang araw ay nagawa naman natin, ah," sabi nito at sinimulang halikan ang leeg niya.

"Ano ba? Tumigil ka nga!" saway niya rito bago pa siya tuluyang manghina sa ginagawa nito.

"Hindi ko naman dadaganan si baby," sabi nito at marahang gumapang ang kamay sa ibabaw ng isa niyang dibdib.

"Is this his way para ma-in love ako?"

Normal na siguro sa mga lalaki ang gano'n.

"Ayaw mo ba talagang magpakasal sa akin?" seryosong tanong nito nang tumigil sa paglalandi sa kanya.

Hindi agad siya nakapagsalita sa tanong nito. Ayaw nga ba niya?

Tiningnan lang niya ito.

"I mean, sa tingin ko naman magkakasundo tayo as a partner, eh." pagpapatuloy nito.

Bumuntonghininga siya bago nagsalita. "Hindi sapat na nagkakasundo ang dalawang tao just to get married. At saka, ikaw lang naman ang nag-iisip na magkakasundo tayo, eh." seryosong sabi niya.

"We can learn how to love each other. Hindi imposible." Ang seryoso pa rin nito.

"Ayoko ng pinag-aaralan. Gusto kong kusang nararamdaman." pinal na sabi niya at tumalikod dito.

"Mamahalin din natin ang isa't isa. But for now, i-enjoy muna natin 'tong moment na 'to. One day, tatanungin ulit kita kung handa ka na bang magpakasal sa akin." seryosong sabi ni Angelo.

Itinago niya ang sayang nararamdaman. Alam niyang oo ang magiging sagot niya kapag tinanong na siya nito ulit.

Niyakap siya nito mula sa likuran at nagsimulang halikan ang leeg niya.

"Angelo!" mahinang saway niya rito.

"Hmm?" patanong nitong ungol bago gumapang ang kamay papunta sa dibdib niyang walang suot na bra.

Napaigtad siya nang parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.

Umikot siya paharap dito dahil hindi na niya kinakaya ang sensasyon nadarama.

Sinalubong siya nito ng mainit na halik. Kahinaan talaga niya ang mga halik nito. Dalang-dala siya sa mga simpleng yakap at paghawak ni Angelo.

"Malaki na si baby." sa pagitan ng pag-ungol ay nasabi niya iyon.

"Ako ang bahala," sagot naman nito bago sakupin ng bibig nito ang isa niyang dibdib habang ang isa ay pumipisil sa isa pa.

Kinaumagahan, hindi na huminto sa paglalambing si Angelo. At nagugustuhan niya 'yon pero natatakot rin siya na baka masanay siya at hindi niya makayanan kapag naghiwalay sila.

Walang matinong usapan ang set-up nila. Ang batang nasa sinapupunan lang niya ang nagsisilbing dahilan kaya sila magkasama.

"Susundin kita mamaya," sabi ni Angelo habang nagbibihis ito.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"May pupuntahan tayo. Sa bahay ng isa sa best friend ko. No'ng isang linggo pa ako kinukulit na ipakilala na raw kita sa kanila, eh." nakangiting paliwanag nito.

"What time?" hindi mapigilan ang ngiting tanong niya.

Ibig sabihin, naikuwento siya nito sa mga kaibigan nito.

"After work, I'll call you kapag pauwi na ako rito para sunduin ka," sagot ni Angelo.

"Okay."

Lumapit ito sa kanya para kintalan siya ng halik sa labi.

"I'll go ahead," paalam nito pero naglakbay pa ang mga labi pababa sa leeg niya.

Natatawang umiwas siya rito. "Sige na," sabi niya. Baka kasi kung ano na naman ang mangyayari dahil nakukuryente na naman siya nito.

"Parang ayoko pang umalis," bulong nito. Halos mapasigaw siya nang bahagya nitong kagatin ang dibdib niya na natatakpan ng damit.

"Angelo!"

"Parang may gusto akong gawin." nangingiting sabi nito at bigla siyang pinangko sa ibabaw ng kama.

"Angelo! Male-late ka na." natatawang sabi niya rito.

"I'm the boss." bale-walang sabi nito bago inumpisahang tanggalin ang mga damit niya.

Nakedly Yours [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon