Kabanata 07

1.5K 41 2
                                    

Hindi na siya nakapag-antay sa sobrang inis. Buwisit na babaeng mataray 'yan! Kung sana pinapasok na lang siya ay hindi sana siya nag-search ngayon sa internet para lang malaman ang tungkol sa kompanya ni Angelo.

Nag-search siya tungkol sa DLCF Company at tungkol na rin sa De Leon Family.

Si Mr. Antonio De Leon ang CEO ng kompanya. Ito ang tatay ni Angelo. At ang ibig sabihin ng DLCF Company ay De Leon Construction Firm Company. Mga architect ang mga De Leon. Operation manager naman si Gabriel.

"Wala namang Angelo De Leon dito, ah." Sina Alberto at Angellie De Leon lang, ang dalawang panganay na anak ng mag-asawang De Leon.

Sa pagkakaalam niya, dalawang magkapatid lang ang ama ni Gabriel at ang ama ni Angelo. Dalawang magkapatid lang sila Gabriel. At tatlo naman sila Angelo. Halos magkaedad ang dalawa. Panganay ang tatay ni Angelo.

Mayaman na sila kung mayaman.

Paano na ang trabaho niya? Hindi pa nga pala niya naikukuwento kay Judith ang nangyari.

Natigil siya sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto.

"Sino na naman kaya 'to? Nagbayad na ako sa upa kanina, ah."

"Magandang araw po, ma'am. Kami po 'yong nautusan ni Sir Angelo para maghakot ng mga gamit niyo," sabi ng lalaking nang pagbuksan niya ng pinto. May kasama itong dalawa pang lalaki na nasa likuran nito.

"Sabihin mo sa boss mo na hindi ako lilipat kahit kaladkarin niyo pa ako rito!" hasik niya at ibinagsak pasara ang pinto.

Ginugol niya ang buong araw sa pagkain ng kung ano-anong maisipan niya. Nanunuod din siya ng TV. Nag-scroll sa News Feed ng Facebook account niya, sa Twitter at sa IG.

Naghanap din siya sa Youtube ng bagong k-drama na subaybayan. Napili niya ang 'My Love From The Star'. Okay lang kahit hindi niya favorite artist mukha namang maganda ang istorya.

After ng four episodes ay natulog naman siya.

Nagising siya dahil sa malalakas na katok sa pinto. Pupungas-pungas na bumangon si Dianna at tiningnan ang wall clock. 8:19 p.m.. Lumapit siya sa pinto at pinagbuksan ang nakasimangot na mukha ni Angelo.

"What are you doing here?" Nawala ang antok niya pagkakita rito.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako katok nang katok!" reklamo nito at dire-diretsong pumasok sa loob ng apartment niya.

"Huwag ka ngang pasok nang pasok sa bahay ko!" singhal niya rito.

Napansin niya ang dala nitong paper bag.

Inihagis nito 'yon sa table niya. "Kumain ka na. Tulog ka nang tulog. Tataba ka niyan." bale-walang sabi nito at preskong umupo sa sofa niya.

"Ano ba'ng ginagawa mo rito?" nanlilisik ang mga matang singhal niya rito.

Hindi ba ito natatakot sa galit niya?

"Sinabihan naman na kita, di ba? Sa akin ka na titira. Pero bakit nagmamatigas ka pa? This is for your own good." seryosong sabi nito.

"For my own good pala, ha? For my own good pala na nawalan ako ng trabaho?" Nanlaki ang mga mata niya nang maalala na wala na siyang trabaho.

Pinagbabato niya ito ng kung ano-anong nadampot niya sa munti niyang sala.

"Walang hiya ka! Dahil sa 'yo wala na akong trabaho! Anong karapatan mong magdesisyon para sa akin? Hindi naman kita kaano-ano! At anong for your own good? Alam ko kung ano ang mas makabubuti sa akin! At 'yon ay ang hindi sumunod sa 'yo." galit na galit niyang sigaw rito.

"From now on, you're my responsibility. Hindi mo kailangan ng trabaho. Kaya ko kayong buhayin ng anak ko," sabi nitong hindi man lang natamaan ng mga ibinato niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, I'm not your responsibility! Kailangan ko ng trabaho! Hindi ko ugaling iasa ang sarili ko sa ibang tao!" Halos maputulan na siya ng litid kakasigaw rito.

"Please, calm down. Nakakahiya sa mga kapit-bahay mo," sabi nito at marahang lumapit sa kanya.

"Subukan mong lumapit sa akin! Masasampal talaga kita!" pagbabanta niya rito. Talaga namang nanggagalaiti siya sa galit.

"Okay. Okay fine!" Itinaas nito ang dalawang kamay. "But listen to me very carefully. Ngayon lang 'to, okay? Pagkatapos mong manganak at kailangan mo ng trabaho, magmadali akong maghanap ng trabaho para sa 'yo. Pero sa ngayon, just stay at home." Lumambot ang pagkakatitig nito sa kanya at kita niya ang sensiridad nito.

"I don't need to live with you. Ano 'yon?" Diinan niya ang mga salitang 'yon.

Tahimik itong tumitig sa kanya. Nakipaglaban siya ng titig dito. Guwapo nga ito, makapal ang mga kilay at may malalim na mga mata na animo'y nang-aarok kapag tumititig. Those kind of eyes na hindi mo kayang titigan ng matagal. Ang perfect ng ilong nito. Tama ba? He looks like Ian Veneracion, except the eyes na mas mukha itong suplado kaysa kay Ian. Ang guwapo nga pero wala siya pakialam!

"Then, marry me." walang kakurap-kurap na sambit nito.

Hindi agad siya naka-react sa sinabi nito. Nabingi 'ata siya. Hindi niya naintindihan, kumunot ang noo niya.

"Ano?" tanong niya. Hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang narinig. Busy siya kanina sa pagsuri sa mukha nito.

"I said, marry me." ulit nito sa sinabi. Talaga ba? Napansin lang niya, kanina pa sila nakatayong dalawa.

Nababaliw na ba ito? Pati pagpapakasal kailangan pautos! Puwede naman mag-propose baka sakaling bumenta.

"Sira-ulo!" walang gatol na sabi niya at inismiran ito.

Nakita niyang nagbago ang itsura nito na tila hindi sanay makarinig ng mga gano'ng salita.

"Will you please stop being so childish?" masungit na sabi nito.

"At ako pa talaga ang childish?"

"Kung childish ako, psycho ka naman!" inis na sabi niya at umupo sa sofa.

"Kung ayaw mong magpakasal sa akin, pansamantala sa akin ka muna. Hindi para sa 'yo kundi para sa anak ko." seryosong sabi nito at bahagya pang kumunot ang noo.

Gusto na niyang kagatin ang labi niya kasi naman kahit namumuhi siya rito, ang cute nito kapag nagsusungit. Ito lang yata ang lalaking guwapo kapag nakasimangot at nagsusungit.

"For what?" Hindi pa rin siya sumusuko. Malay niya ay matalo niya ito sa argumento nila. Nakadalawang boyfriend na siya pero ito lang ang nakaaway niya. Hindi naman kasi siya nakipagsigawan sa mga naging boyfriend niya noon.

"Just stay. Hindi ka puwedeng magtrabaho dahil buntis ka pa. Wala ka ring kasama rito. Hindi mo naman kailangan mag-alala dahil may condo ako. Do'n ako mag i-stay kung ayaw mo akong kasama," pinal na sabi nito.

Nakedly Yours [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon