HHindi man perpekto ang nabuo niyang keyk ay ayos lang dahil gano'n naman talaga kapag nagsisimula ka pa lamang. Ang gawa niyang keyk ay medyo matabang. Kahit siya ay nawalan ng ganang kainin ito.
"Hays! Ang hirap pala niyan, manang." nakasimangot na saad niya.
"Ganiyan talaga sa umpisa," komento ng matanda habang nagpupunas ng mesang ginamit niya.
"Hays! Hindi talaga 'ata para sa akin ang pagluluto, Manang Fe. I've tried so many times pero wala akong nagawang perpekto ang lasa." patuloy na pagmamaktol niya.
"Matututo ka rin," sabi ng matanda.
Napatitig siya sa keyk na ginawa niya. Ang pangit nitong tingnan. Kung lalasahan ay mas lalong pangit.
"Magpapahinga muna po ako," paalam niya kay Manang Fe habang tinatanggal ang suot niyang apron.
"Sige, hija. Magpahinga ka muna roon tawagin na lang kita kapag kakain na."
Nagising siya dahil sa mga boses na nagtatawanan.
"Sino ang mga 'yon?"
Inayos niya ang sarili at bumaba ng guest room.
"Siya ba 'yon?" tanong ng babaeng maganda na nakatingin sa kanya. Nakangiti ito nang napakalawak sa kanya.
Hindi alam ni Dianna kung dapat ba siyang ngumiti rin dito.
"Sino ba siya?"
"Hi, Dianna. I'm Marjorie." Lumapit ito sa kanya at bumiso. "Ang malas mo sa pinsan ko." tumatawang sabi nito.
"Hi. Pinsan mo talaga si Angelo?" Hindi kasi niya ito nakita sa kasal ni Gab. Ngayon lang niya ito nakita.
"Yes. Sa mother side." nakangiting paliwanag nito.
Kaya pala hindi niya ito kilala.
"Ah, okay." tipid niyang sambit.
Sumulyap siya kay Angelo na ngumingingiti lang sa isang tabi.
"By the way, dito muna ako for two days. Okay lang ba?" nakangiting tanong nito sa kanya.
"Oo, naman. Walang problema sa akin," sagot niya rito.
"It's not my house, anyway."
"Good! Thank you, Dianna! See, ang bait niya. Ikaw lang kasi ang may ayaw, eh." tuwang-tuwang sabi nito. Niyakap pa siya nito bago inirapan si Angelo.
"I'm just worried." Nagkibit-balikat si Angelo.
"Bakit? Natatakot kang i-kuwento ko kay Dianna ang mga kalokohan mo?" pang-aasar nito kay Angelo.
"She doesn't care." bale-walang sambit nito at umupo sa sofa.
"Yes, I don't care. Wala namang kami."
So, sa mga sinasabi ni Marjorie, marami talaga itong kalokohan? Sabagay, halata naman sa pagmumukha ni Angelo.
"Oh?" Halatang hindi naniniwalang tudyo nito at tumingin sa kanya.
Tsk! Hindi ba nila alam na nag-one-night-stand lang silang dalawa kaya siya nabuntis ni Angelo? At talagang nasundan pa iyon. Tapos, nakatira na siya sa bahay nito.
"Just shut up Marjorie if you want to stay here," sabi ni Angelo na sumandal sa upuan at tumingin kay Marjorie.
"Okay, okay," ani Marjorie at itinaas pa ang dalawang kamay na animo'y sumusuko.
"By the way, Dianna. Marjorie is good in baking. She can teach you," ani Angelo.
Namula ang mukha niya sa hiya. "Si Manang Fe, hindi na lang tinapon 'yong gawa kong keyk!"
BINABASA MO ANG
Nakedly Yours [COMPLETED]
RomansaAkala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngunit nagising na lamang siya na hubo't hubad habang katabi pa niya si Angelo De Leon. Nangyari ang lah...