Kabanata 16

1.4K 43 4
                                    

Kinaumagahan, maaga siyang nagising para maghanda ng agahan. Gising na rin si Roderick at agad nagtungo sa bukid.

"Mamaya kita susundin dito kapag wala nang masiyadong tao sa dati n'yong bahay. Alam mo naman," sabi nito habang isinusuot ng boots.

Na-gets na siya ang ibig nitong sabihin.

"Okay, sige," aniya.

"Alis na ako. Babalikan kita mamayang alas dyes." paalam nito at tumayo sa kinauupuan.

"Hindi ka pa kumakain, ah," sabi niya.

"Nagkape na ako. Mamaya na lang pagsundo ko sa 'yo." Lumabas na ito.

Maaga talaga kung gigising ang mga taga-probinsiya. Mag-aalas syete pa lang, ala sais daw ng umaga nag-umpisa ang mga nag-aani.

Magluluto muna siya ng tanghalian na dadalhin sa bukid. Mas masarap kumain sa dating bahay nila dahil na miss na niya iyon.

Maliligo rin siya para presko. Naglinis muna siya ng bahay, naligo at nagluto ng pananghalian.

Bago dumating si Roderick ay handa na lahat 'yon.

"Let's go." masayang aya niya rito.

"Excited ka buntis, ah!" natatawang sabi nito.

"Oo, naman. Do'n ka na lang kumain, ha?" Nailigpit na kasi niya ang pagkain.

Sumakay siya sa sasakyan nito. Sana walang makakita sa kanya dahil wala siya sa mood pagtsismisan ang buhay niya ngayon.

"Mukha kang butete, pinsan," pang-aasar ni Roderick habang nasa bato-bato silang daan.

Tiningnan niya ito ng masama. "Gusto mong mamatay?"

Humalakhak ito. "Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Tinatanong nga kita kung gusto mong mamatay?" sinigawan niya ito.

"Ayoko pa. Pero kasi pinsan, hindi ako nagbibiro." Humahalakhak ulit si Roderick.

Pinaghahampas niya ito kahit nagda-drive. "Walang hiya ka! Hindi nga kita bi-nu-bully noon kahit sipunin ka!"

Tumawa ito ng malakas. "Guwapo kasi ako pinsan kahit may sipon. Pero ikaw, ang taba-taba mo. Para kang balyena. Pero mas mukhang butete." Tuwang-tuwa ito sa pagiging bully nito.

"Kaya pa hindi ka nagkaka-girlfriend, eh! Napakaalaskador mo!" napipikon na singhal niya dito.

Ipinarada nito ang sasakyan sa tapat ng luma nilang bahay.

"Hindi ako ang problema, pinsan. Sila 'yong habol nang habol." pagyayabang nito habang kinukuha ang mga dala nilang pagkain.

"Talaga ba? Kaya pala binasted ka ni Laureen!" pang-aasar niya rin dito. Si Laureen ang first love nito noong high school pa sila.

"Tsk! Maglaway siya ngayon!" pagyayabang nito. Imuluwestya pa ang katawan.

"Kadiri!" utas niyang nagpatiuna sa paglalakad.

"Butete, dahan-dahan baka ay madapa ka." pang-aasar na naman nito.

Nilingon niya ito at bumalik para salubungin ito. Pinaghahampas niya ito ng dala niyang bag.

"Makakabuwelo na akong bugbugin ka! Anong sabi mo, ha? Sinong butete?"

"Aray! Ah. Ano ba? May dala akong aray!" Panay ang ilag nito sa mga hampas niya.

"'Yan ang dapat sa 'yo!" Tumigil siya sa paghampas dito at napatuloy sa paglalakad papasok sa bakuran ng dating bahay nila.

Humalakhak ito habang nakasunod sa kanya.

Nakedly Yours [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon