"Oh! What the crap bro?" sigaw ng papalapit na lalaki. Hula niya'y isa pa ito sa mga kaibigan ni Angelo.
"Shut up, Nikko!" iritableng sabi ni Angelo.
"Wow! Just wow!" maligalig na sabi nito habang sinisipat siya.
"Tinatakot mo si Dianna." natatawang sabi ni Jc. May asawa na ito at dalawang anak.
"Hi! I'm Nikko." Naglahad ito ng kamay sa kanya.
"Dianna," pagpapakilala niya at inabot ang kamay nito na mabilis namang tinapik ni Angelo.
"Oh, oh! Seloso ka na ngayon, bro?" Nagtawanan ang magkakaibigan.
Apat silang magkakaibigan: si Nikko, Jc at Mike. May asawa na si Jc at Mike. Pero si Mike ay wala pang anak.
"Masanay ka na, Dianna. Ganito talaga kagulo ang mga 'yan," sabi ni Jonalyn-asawa ni Jc. Inilapag nito ang pagkain sa table nila.
Tinawanan lang niya ito.
"I was just shocked," ani Nikko. "I thought that after Annika, he will never find a new gir-" Natigil ito sa pagsasalita nang mapansin ang masamang tingin ni Angelo.
Nanahimik din ang ibang kaibigan ni Angelo.
"Why? She doesn't kno-okay, okay!" anito at itinaas ang dalawang kamay. "Zip!" sabi nito at umaktong sinarado ang bibig.
The atmosphere was awkward. It was about Annika. Everyone knew about Annika.
Tipid na ngumiti si Dianna. "It's okay," aniya. "I knew about her."
Napamaang sa kanya si Angelo.
"Ehem! I should go. My Mich is waiting," ani Mike at tumayo. Kararating lang nito ta's aalis na agad?
Gano'n ba ka awkward ang topic kapag tungkol kay Annika? Lahat sila ay parang umiiwas kay Angelo.
"May problema ba?" nagtatakang tanong niya.
Tumingin siya kay Angelo na tahimik lang pero bakas sa mukha ang galit.
"Wala, wala," sabi ni Nikko na nginitian pa siya. Pilit ang ngiti nito.
Malaki nga siguro ang naging epekto ni Annika kay Angelo.
"Aalis na rin kami." seryosong sabi ni Angelo na tumayo na sa kinauupuan. "Thanks, pare." Bumaling ito kay Jc.
Wala pang tatlumpong minutong simula nang makarating sila ay aalis na agad ang mga ito. Alam ni Dianna na nag-iiwas lang ang mga ito.
She wondered. May nararamdaman pa kaya si Angelo para kay Annika? Kasi kung wala, hindi na sana ito naapektuhan kung ganoon ang topic.
"Ah, sure. No problem." naguguluhang sabi ni Jc.
Gusto na rin naman niyang umuwi. Naninikip na rin ang dibdib ni Dianna. Masiyadong pinapahalata ni Angelo na apektado pa rin ito. And she could not deny the fact that it hit her.
Gusto na niyang umiyak ng mga sandaling 'yon. Bakit ang bilis naman ipamukha ng tadhana na may mahal pa itong iba?
"Thanks, Jona," paalam niya sa asawa ni Jc.
"Are you okay?" halata ang pag-aalalang tanong nito.
"Yes, I am. Don't worry." nakangiting tugon niya.
"I'm okay" Inulit-ulit niya 'yon sa sarili niya. But deep inside, she was not okay.
Nagpipigil lang din siya ng iyak sa mga oras na iyon. Walang sila ni Angelo. Walang dapat iyakan at dapat na hindi siya maapektuhan.
Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magtanong o magsalita man lang pero mas pinili niyang manahimik na lang siya. Baka mas masakit pa ang sagot kapag nagtanong pa siya kay Angelo.
Seryoso itong nagmamaneho habang bahagyang nakakunot ang noo.
She knew he was mad.
Bakit? Two years ago na 'yon, di ba? Gano'n ba talaga kalaki ang pagmamahal niya sa Annika na 'yon?
Niyakap niya ang sarili habang tumingin sa labas ng bintana. Pinigilan niya ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano dahil kaunting-kaunti na lang sasabog na siya. Kaunting-kaunti na lang ay papatak na ang mga luhang kanina pa niya pinigilan.
Ang sakit pala talaga kapag makita na 'yong taong mahal mo, nasasaktan dahil sa ibang tao.
Mahal na ni Dainna si Angelo. Dahil kung hindi pa niya ito mahal, bakit siya nasasaktan at nagpipigil na maiyak ngayon? Basta ang alam niya, mahal na niya si Angelo.
"Are you okay?" tanong nito nang papasok na sila sa mansyon.
Tumango lang siya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
"I'm sorry," sabi nito habang nakasunod sa kanya.
"There's no need to say sorry. Hindi mo kasalanan kung hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-move on." Hindi niya maitago ang pait sa boses niya.
"It's not what you think of it," sabi nito at pinigilan siya sa paglalakad. "I just... don't want talk about her." tila nahihirapan itong sabihin iyon.
Lumunok siya para mapigilan ang pagpiyok ng boses. "Then stop talking about her. I didn't ask you to." Nilampasan niya ito at pumasok sa loob ng kuwarto.
"Ang sakit."
"I'm really sorry." Gusto na niya itong bulyawan at sabihing 'stop saying those words!'.
"Bakit ka ba nagso-sorry? Dahil ba sa inasal mo kanina no'ng nabanggit ni Nikko 'yong pangalan ng babaeng 'yon? O dahil sa sinabi mong 'let's try to love each other' pero ikaw ang hindi kayang gumawa?" Hindi niya sinasadya pero kusang tumaas ang boses niya.
Kaunting-kaunti na lang ay babagsak na ang luha niya. Lunok siya nang lunok para pigilin 'yon.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya.
"Dianna, please. 'Yon sa amin ni Annika ay wala na 'yon, matagal na. Wala na akong nararamdaman para sa kanya."
Ngunit hindi iyon ang sinasabi ng mga mata nito. Alam niyang mahal pa nito si Annika.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag o kahit na magsalita. Kitang-kita ko naman ang sagot, eh." Ang pait ng boses niya, hindi na niya mababago. Kasing pait ng nangyayari ngayon.
"You don't understand!"
"Then, make me understand it!"
"Puwede bang 'wag na nating pag-usapan iyon? Past is past. Wala na akong pakialam do'n," sabi niya para matapos na ang usapan na 'yon. Palaki kasi nang palaki. Pasakit na rin nang pasakit.
Mas mabuti sana kung magsasabi na lang ito ng totoo kaysa naman na ipilit pa nitong i-deny. Damang-dama ni Dianna.
"Okay." walang choice na sabi nito.
But what would be next? Ipagpapatuloy ba nilang dalawa ang pag-aralang mahalin ang isa't isa? Wala naman na si Annika, eh. Parte na lang ito sa masakit na alaala ni Angelo.
Napakagat-labi na lang siya sa mga nangyari. Nagkagusto siya sa isang taong alam niyang hindi pa tapos magmahal.
Tahimik siyang nahiga sa kama. Hindi siya umimik kahit katabi niya si Angelo. At wala siyang pakialam kung ano ang isipin nito. Kung iisipin nitong nagseselos siya, totoo naman iyon. Kung iisipin din nito na galit siya ay totoo rin naman iyon.
Niyakap siya nito nang mahigpit.
Unti-unting tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi ganito ang pinapangarap niyang buhay. Hindi ito ang love life na pinapangarap ni Dianna.
Nagpipigil din siya ng hikbi dahil baka maramdaman ni Angelo na umiiyak siya. Hindi nito puwedeng makita na apektado siya. Kailangan niyang maging matatag para sa anak niya. Ilang buwan na lang din naman ay manganganak na siya.
Lihim niyang pinunasan ang mga luhang nalalaglag patungo sa pisngi niya.
"Stop crying, Dianna. Please, stop crying," bulong nito na mas lalong nagpaiyak sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nakedly Yours [COMPLETED]
RomanceAkala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngunit nagising na lamang siya na hubo't hubad habang katabi pa niya si Angelo De Leon. Nangyari ang lah...