Tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana ko habang pinagmamasdan ang pamilya ko at pamilya ng lalaking itinakda nilang ikasal para sa'kin. Hindi ko kilala ang lalaking yon, may boyfriend ako hangga't maaari hahanap ako ng paraan upang hindi matuloy ang kasal na ito. Sila lang yata ang nakaramdam ng saya, ni minsan hindi ako sumang ayon sa kasal na ito. Hangga't kaya kong pigilan to gagawin ko.
Sa kalagitnaan ng pagka tulala ko biglang nag play ang music na ERE na kinanta at cinover ni Juan Carlos.
"Tatlong bilyon ikaw lang ang aking gusto
Pasensya na kung ngayon ako'y di para sa'yo
Tayo ay papunta na sa ating bagong yugto
Ayokong mabuhay sa isang mundong walang tayo"Sa kanta niya palang sumisikip na ang dibdib ko, ayaw kong maranasan yung naranasan ng taong nasa kanta niya, hindi ko kaya yun. Hindi ko talaga kakayanin kung sakali mang mangyari sakin yun. Parang nakikita ko na ang sarili ko na nababaliw na dahil sa mga pinagdaanan ko.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito!" rinig kong sigaw ni daddy sa labas.
" Tito gusto ko pong makita ang anak niyo, pagbigyan niyo sana ako." nag susumamong saad nito.
"Hindi ka pwedeng makita ng anak ko, ikakasal na siya."
" Donna Donna " nagsusumigaw na saad ng isang pamilyar na boses.
Agad akong dumungaw sa labas ng bintana nakita ko agad si Jake na hina-harangan ng pamilya ko na makapasok sa bahay namin. Nagmamadali akong makababa sa hagdanan muntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa pagmamadali ko.
"Dad no!" Umiiyak kong sigaw pagkalabas ko.
Lumapit ako agad kay Jake, umiiyak akong nakatingin sakanya. Nanginginig pa ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Umiiyak na ito ng tahimik habang nakahawak sa kamay ko. Ang sakit sa dibdib parang dinurog durog ako sa sobrang sakit ng makita siyang umiyak ng ganito.
"Donna let her go!"sigaw ni mommy sakin,pilit niya din akong hinila papalayo kay Jake.
Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak sa kamay niya.Lahat sila nakatingin saamin ,nakita ko din si yaya Mila na umiiyak din habang nakatingin sakin.
"Mom kahit ngayon lang." Nagmamakaawa kong hiling sakanya.
"Donna hindi pwede."
"Mom please "
"Papakasalan ko po ang anak niyo kong sa sang ayon kayo o hindi, kahit mahirap lang po ako sisikapin ko pong maibigay sakanya ang buhay na gusto niya. Handa kong ibigay ang mundo ko sakanya." Nanginginig na sabi ni Jake.
"Hindi pwede itinakda na siyang ikasal."galit na sabi ni daddy.
Wala akong ibang magawa kundi humagulgol nalang sa iyak habang nakayakap ako kay Jake. Wala na kaming pakialam kong ano man ang sasabihin nila sa amin. Ang iyak ko lang ang tanging gumagawa ng ingay sa bahay namin.
"Ayoko ayokong makasal sa iba."humahagulgol kong sabi habang nakayakap sakanya.
Ramdam na ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sakin. Parang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana. Hindi ko alam na sa mga masasayang araw na pinagdadaanan namin ito pala ang kapalit. Napakasakit naman nito triple to para sa'kin.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap ako sakanya ayaw kong bumitaw baka kapag binitawan ko siya pagsisihan ko pa yun habang buhay. Ayaw ko talagang malayo sakanya. Ayaw kong mangyari yon.
"Donna"nanginginig na tawag ni yaya Mila sakin.
Alam kong naawa na ito saamin siya kasi ang nakasama ko mula pagkabata hanggang ngayon kaya ramdam na ramdam ko talaga na nasasaktan siya sa sitwasyon namin ngayon.
"Halika ka na Donna."pumiyok pa si mommy nung tinawag niya ako.
Hindi ako nakinig sakanya hinigpitan ko lang lalo ang pagkakayakap ko kay Jake. Hinarap naman ako ni Jake sakanya tumingin ito sakin namumula na ang mga mata at ilong niya sa kakaiyak.
"Tahan na" mahinang bulong nito sakin habang hinimas himas niya ang likod ko.
Mas lalo lang akong umiyak sa sinabi niya gusto niya akong patahanin pero siya mismo umiiyak padin. He even kissed my forehead pilit niya ding pinupunasan ang mukha ko dahil sa pagkakabasa nito.
"Maawa po kayo sa anak niyo."humihikbing sabi ni Nanay.
Nag iwas lang ng tingin si mommy, nag punas din siya ng patago habang si daddy naman pilit pina patigas ang mukha niyang galit. Si tita Celene naman umiiyak ng tahimik sa tabi ni tito na pilit din siyang pina patahan ni tito.
"Makakaya natin to."mahinang bulong ni Jake sakin.
Walang kasiguraduhan ang lahat dahil sa pamilya ko na pilit sinisira ang pagsasama namin. Ito na yata ang pinaka ayaw kong mangyari ,na nagawa ng pamilya ko sakin. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na dadating ako sa punto na kamuhian ko ang pamilya ko.
Hindi ko na alam kong saan ito patungo? Kong hanggang kailan kami ganito? Kung may pag asa ba or wala ?