CHAPTER THREE

9 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng celphone ko, ang aga aga naman nitong tumawag. Pikit mata ko itong sinagot.

"Hello" inaantok kong bati.

"Baby did I wake you up?"masayang tanong nito.

Instead na sagutin siya ,tinanong ko siya pabalik. May kailangan ito for sure.

"Mom ano ba ang kailangan mo?"

"May favor sana ako sayo."

"Ano yun?"

"Pwede bang ikaw na muna ang sumundo sa amin."

"Okay, I'll be there."mahaning sagot ko.

Bumangon ako agad, naligo na ako pagkatapos nag bihis ng maayos baka mapagalitan pa ako dahil sa suot ko. Kapag tungkol sa pananamit ko palagi akong sinisita nila mom, dapat daw maayos ,dapat yung presentable kang tignan ,dapat may awra ka. Ewan ko ba  sakanila kong bakit ganyan sila maka asta. I am fine with everything I wear kahit pa gutay gutay na ang damit na sinuot ko.

"Good morning nay"ngeting bati ko kay nanay.

"Good morning, ang aga mo yatang nagising?"

"Susunduin ko sila mom sa airport."

"Kumain ka muna bago umalis o di kaya dalhin mo nalang tong lunchbox na hinanda ko para sayo."

"Ouh segi po nay, salamat."

"Mag iingat ka."

Tumango ako bilang san ayon. Lumabas na ako at sumakay sa kotse namin minsan ko lang ito ginagamit lalo na't may mahalagang pupuntahan.

"Siya nga pala nay, kapag pumunta dito si Jake pakisabi absent muna ako ngayon."

"Ouh segi sasabihan ko yun."

Nag paalam ako ulit kay nanay, I kissed her cheeks before I go. Naka headset ako habang nag drive. Magbabago na naman ang buhay ko nito. I was looking at the side mirror but someone caught my attention.

"Jake"mahinang bulong ko.

Anong ginagawa niya dito? Baka na malik mata lang ako. Pinagpatuloy ko lang ang pag drive ko. Gumugulo talaga sa isip ko yung nakita ko, he's different. Iba talaga siya sa paaralan namin.

Pagkadating ko sa airport, nag park ako agad sa parking area. Nag hintay muna ako saglit sa may bench.

"Donnaaa"someone call me.

Pag lingon ko sa unahan nakita ko si mommy na kumakaway sakin, tumayo ako agad at lumapit sakanila yumakap ako agad sakanila.

"How was your studies?"out of nowhere na tanong ni daddy.

"Just fine"

"Just fine? May kalokohan ka na namang ginawa."galit nitong saad.

"Dad kararating niyo lang wag mo sanang sirain ang araw na to."mahinang pakiusap ko.

Nakita ko ang pag hawak ni mom sa kamay ni dad. Pinapakalma niya siguro si daddy.

"Uuwi din ba ngayon si kuya Dave?"

"Baka bukas pa yon uuwi."

Tumahimik ako ulit, tahimik lang kami buong byahe, pagkadating namin sa bahay bumaba na ako agad.

"Nay pumunta ba dito si Jake?"

"Dumaan siya dito iha, gumawa pa nga iyon ng excuse letter bago umalis."

"Thank you po nay."

Umakyat ako sa kwarto upang kunin ang bag ko. Pagkababa ko humarang agad si daddy sa may hagdanan.

"Kararating lang namin aalis ka na agad."galit nitong saad.

"May pasok pa po ako."

"Ihahatid ka namin sa paaralan niyo." Suggestions ni mommy.

"Wag na po. Mag commute nalang ako."

"Ihahatid ka namin sa ayaw at sa gusto mo."final na saad ni daddy.

"Hindi na ako papasok."walang ganang sabi ko.

"Ano ba ang problema mo?"

"Anong problema ko? Tinanong mo pa talaga ako dad."

"Dad ngayon pa kayo umuwi ni mommy tapos ang ibubungad mo pa sakin kong kumusta ang pag aaral ko. Eh ako hindi mo ba ako kukumustahin?"

Nanginginig na ako dahil sa galit na nararamdaman ko, sumikip ang dibdib ko dahil sa galit. Hindi ako magagalit ng ganito kong hindi niya ako pinapagalitan na walang dahilan. Hindi ganito ang inaasahan ko.

"Dad araw araw ako humihingi sa inyo ng atensyon,tapos ngayon andito kayo papagalitan niyo ako. Hindi ko po talaga alam kong saan ako nagkamali , kung may nagawa ba akong masama sa inyo. Dad anak mo ako baka nakalimutan mong tao ako." Umiiyak kong sumbat sakanya.

"Donna" saway ni mommy sakin.

"Papagalitan mo din ako mom?"

"Nagiging ganyan kana dahil sa pag alis namin. Nagtratrabaho kami para sa kinabukasan niyo ng kuya mo."

"Pero nakalimutan niyong may anak kayo dito."

"Hindi ka namin kinalimutan, umuwi nga kami ngayon."

"Umuwi kayo ngayon upang bantayan ako, nakarating ba sa inyo na nag cutting ako kaya nag mamadali kayong umuwi dito."

"Inamin mo pa talaga na nag cutting ka. Hindi naman ganyan ang kuya mo ano ba ang nangyayari sayo?"

"Oo nag cutting ako, hindi ko kasi kayang makita na yung iba kong kaklase kasabay nilang kumakain ang mga pamilya nila samantalang ako naman buo yung pamilya pero parang hindi pamilya."

"Donna enough "galit na sigaw ni mommy.

"Anong enough mom, masakit bang marinig ang mga hinanakit ko. Masakit bang pakinggan. Mom walang gabi na hindi ako umiyak nag bakasaling umuwi kayo  ni daddy."

"Araw araw kong pinalangin na sana umuwi kayo dahil gusto niyo,hindi yong umuwi kayo dahil kinakailangan niyo akong ayusin. Mom nakakasakal na kayo , pakinggan niyo naman ako minsan. Puro nalang kayo kuya , palagi niyong pinamukha sakin na mas okay pa si kuya keysa sakin, mabuti pa si kuya mo nag aaral ng maaayos. How about me naman po na puro nalang pagkakamali ko ang mga nakikita niyo."

Humahagulgol na ako sa iyak dito habang nakatingin saka nilang dalawa, mom was looking at me worriedly habang si daddy naman blanko lang ang mukha. Hindi ko makikita sa mukha niya na naawa ba siya o nagagalit siya sakin.

"Halika muna" nag alalang sabi ni Nanay.

Lumapit ako sakanya kahit nanghihina na ako dahil sa pag iyak ko. I hugged her tightly she is my home and I know siya lang ang nakakaintindi sakin.

"Hayaan niyo muna ang bata, kausapin niyo siya ulit mamaya."kalmadong sabi ni nanay.

Nakita ko nalang na umalis si daddy at mommy. Hindi ko naman gusto na sumbatan sila, nasabi ko nalang lahat ng iyon dahil sa bigat ng dibdib ko. Kung sasabihin ko bang okay lang ako ,makakaya ko to mawawala ba ang bigat ng dibdib ko. Diba hindi kaya pinalabas ko lahat ng hinanakit ko. Ayaw kong dadating ako sa punto na kamuhian ko sila. Kahit naman nag tatampo ako hihingi pa din ako ng tawad dahil sa mga nasabi ko.

MARRY ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now