CHAPTER ELEVEN

14 0 0
                                    

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Where am I?nasa langit naba ako? I heard someone calling a nurse.

"Are you okay? May masakit ba sayo?"nag alalang tanong ni Jake.

Bumungad sakin ang nag alalang mukha ni Jake,katabi niya si nanay na namumula ang mga mata habang nakatingin sakin. Sinubukan kong umupo ng maayos pero nahilo lang ako.

"Just lay down, hindi ka pa okay."nag alalang saad nito.

"What happened to me?"nagtatakang tanong ko.

"Bigla ka nalang nawalan ng malay habang nakasandal sakin,akala ko natutulog ka lang but your not. Pinag alala mo kami, akala ko kong ano na ang nangyari sayo."

I look at him in the eyes. I see some tears, umiiyak ngayon ang taong mahalaga sakin. Sinubukan kong abutin ang mukha niya pero hindi ko maabot. Siya na mismo ang lumalapit sakin. He held my hands tightly hinalikan niya ito ng pa ulit ulit. Si nanay naman umupo sa tabi ko at hinimas himas ang buhok ko.

She didn't said anything pero umiiyak ito ng tahimik kagaya kay Jake.

"Magpapagaling ka para pagkatapos nito gagala tayo sa lugar na gusto mong puntahan."he said.

He tried to smile at me pero na uwi iyon sa isang pilit na ngeti. I was wondering kong ano ba talaga ang nangyari saakin.

"May sakit ba ako? Bakit ganyan ang mga reaksiyon niyo?"mahinang tanong ko.

"Nag alala lang kami sa iyo hija, noong lunes kapa nawalan ng malay ngayon ka lang nagising." Nag alalang pahayag ni nanay.

"Anong araw pala ngayon?"

"Miyerkules."

"Magpapagaling ka ng sa ganon makakauwi na tayo."ngeting saad ni nanay.

I nodded at her , nabaling ang atensyon ko kay Jake na tahimik lang habang hawak-hawak ang kamay ko. Para itong nagdarasal habang nakayuko at nakapikit ang mga matang nagdasal.

"Jake may pasok tayo ngayon diba?"mahinang tanong ko.

"Excuse tayo ngayon, nag pasa na ako ng excuse letter para sa ating dalawa."

"You look tired, nakatulog kaba? You can sleep beside me." I offered.

"Okay lang ako, ang mahalaga okay ka."

"Kailangan mo ding magpahinga, dito ka sa tabi ko."

"Segi na iho magpahinga kana."

Wala siyang choice kundi ang humiga sa tabi ko. Nagpaalam saglit si nanay na May aasikasuhin muna siya sa labas. I hugged him tightly, ilang oras pa ang lumipas bago siya nakatulog sa tabi ko. He was sleeping peacefully pero yung noo niya nakakunot.

"Sweet dreams my love." I softly whispered.

I watched him sleeping peacefully beside me. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya, kailan pa ito hindi natulog? Sa hitsura niya ngayon parang ngayon lang ito nakatulog ng maayos.He look tired and weak. Siya ba ang nag bantay saakin buong magdamag?

Sinubukan kong umupo, humigpit lang lalo ang pagkakayakap niya sakin. Hinayaan ko nalang din siya, I hugged him back. Nakatulog ulit ako habang nakayakap sakanya. My safe zone.

I wake up late at night, wala na siya sa tabi ko si nanay na ang nasa gilid ko.

"Nay"

Dali dali itong dumungaw sakin. Ang mga mata niyang puno ng pag alala. May kirot din sa dibdib ko dahil sa lungkot niya.

"Kumain kana hija, teka kukunin ko muna ang pagkain mo."

I just watched her moving, pagkatapos niyang makuha ang pagkain ko umupo siya ulit sa tabi ko. Sinusubuan niya akong kumain. Everytime na titingin ako sakanya ngumingiti siya na para bang walang iniisip.

"Kinailangan mong magpalakas upang mabawi mo agad ang kalusugan mo."

"Okay po."

Gusto ko sanang itanong sakanya kong dumalaw ba sila mommy, sa pagkakaalam ko hindi wala iyong umuuwi. After kong kumain sumandal muna ako.

"Oo nga pala dumaan dito kanina ang mga kaibigan mo, may iniwan sila dito para sayo."

Sinilip ko sa likuran niya ang mga binigay ng mga kaibigan ko, mga chocolates, bulaklak at prutas.

"Nay nakapagpahinga kaba? "

"Oo naman ngayon lang ako nakabantay sayo, Si Jake kasi ang palaging nandito pupunta lang ako dito kapag uuwi siya."

"That man really loves you, kahit makikita mo ang pagod sa mukha niya ayaw niyang ipapakita na napapagod siya. He always stay at your side kahit noong natutulog ka pa. Keep that man siya lang ang may kayang mahalin ka ng todo."

Gusto kong magsalita, ang tanging nagawa ko lang ay ang umiiyak ng tahimik. What happened to me? I'm too emotional. Did something happened when I'm sleeping?

"Bibili muna ako ng maiinom."paalam ni nanay.

I nodded to her. Mga ilang oras may mga boses na pamilyar na nag uusap sa labas ng kwarto ko.

"Ngayon ba natin sasabihin sakanya na ikakasal na siya."

"Mas mabuting ngayon na, kailan mo ba sasabihin sakanya?"

"Wala pa akong balak ipaalam sakanya."

"Denise bukas dadating ang fiancee niya."

"Pwede bang wag muna."

I covered my mouth, ano ako ikakasal! Tinanggal ko agad ang dextrose na nakasabit sa kamay ko. Tumingin ako sa may bintana pwede na siguro ako dito dumaan. I tied the clothes including the bed sheet of hospital bed. Nakalimutan ko pang mag suot ng tsenilas.

I immediately climb down, pagkababa ko agad na akong tumatakbo papalabas. I heard my mom voice screaming out of nowhere. Minamadali ko ang pagtakbo ko, nag para ako  agad ng taxi.

Nagkagulo na ang lahat dahil sa pagkawala ni Donna sa hospital bed. They thought na nag CR lang ito pero walang tao sa CR.

"Umalis siya at sa bintana siya dumaan." The nurse said while looking the outside.

"My god that girl, anak mo ba talaga yon!"iritang saad ng mommy niya.

"Nagmana yon sayo wag mo kong sisihin."

"Sayo naman nagmana ang katigasan ng ulo niya. Wait do you think narinig niya ang usapan natin?"

Nagkatinginan ang parents niya saka sabay lumabas sa hospital baka nasa bahay yon umuwi. Nilibot na nila ang buong bahay hindi parin nila ito nakikita.

"Call her"

"Naka off ang cellphone niya."

"Nay nakita niyo po ba si Donna?"

"Nasa hospital lang iyon kanina pag alis ko. Bakit anong nangyari?"

"Nawawala kasi siya sa hospital."

"Ano, may sakit pa iyon, tatlong araw iyon natutulog ngayon lang iyon nagising."

MARRY ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now