I was hiding at the back of the door in our classroom, dahan dahan lang ang paglalakad ko papalabas baka makita pa ako ng guro namin lagot ako nito. Bitbit ko din ang high heels ko papalabas. Pagkalabas ko sa classroom namin halos mapasigaw na ako sa saya dahil nakalabas ako na walang nakakaalam. Nag tatalon talon ako habang nakayakap sa sarili ko. Sumasayaw pa ako dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko nakapikit pa ang mga matang umiikot ikot sa gitna na corridor may pa taas taas pa ng kamay na senyales nag eenjoy ako sa musika kahit wala namang tugtog.
Kung may makakita sakin sure akong pagtatawanan ako o di kaya iisipin nilang nasisiraan na ako ng utak. Wala na akong pakelam ang importante nakalabas na ako.
"Hey miss nagsisimula na yong klase,bat andito ka pa sa labas?"
Napatigil ako sa pag sasayaw, may bigla kasing humawak sa kamay ko. Nakakasira ng araw, napahinto ako saglit habang nakatingin sakanya.
"Miss"
Nabalik ako sa ulirat ng tapikin niya ang pisngi ko,nakakahiya tuloy dali dali kong sinuot ang high heels na suot ko kanina at tumayo ng maayos sa harapan niya.
"Actually pauwi na ako."
"Pauwi? Kasisimula palang ng klase diba?"
"Maybe yes." Nagdadalawang isip kong sagot.
"Kayong dalawa anong ginagawa niyo diyan, nagsisimula na ang klase bat andito pa kayo sa labas, nakakaistorbo na kayo. Kung may love quarrel kayo wag kayo dito mag usap." Striktong saad ni sir.
"Pasensya na po."nahihiyang saad ko.
Hinila ko siya agad papalayo, no choice ako kundi ang pumasok sa klase namin.
"I'm sorry Miss we're late."hinging paumanhin niya.
Nakayuko lang ako habang nagsasalita siya sa tabi ko. Nahihiya ako nakatingin kasi sa amin ang lahat ng kaklase namin.
"Okay you can take your seat now."kalmadong sabi ni miss.
Hinila niya ako paupo, umupo kami sa pinakadulo. Tahimik lang akong nakatingin sakanya habang nakatingin naman sa amin ang mga kakaklase namin.
"You're famous that's why they are looking at you."
"No I am not." Gulat kong wika.
"Miss Damian"
"I'm sorry Miss"
Nakikinig nalang ako kay miss the whole time,noong recess na namin napagdesisyunan kong umuwi may gagawin pa kasi ako bahay namin.
"You're cutting classes."
"Pati ba naman dito andito ka."inis kong saad
Naka akyat na ako sa may bakod ng may magsalita bigla sa ibaba ko.
"Don't look at me" I shouted
"Ka babae mong tao umaakyat ka sa bakod."
"Kong hindi mo lang sana ako pinigilan kanina, sa gate na sana ako dumaan."
"Kasalanan ko pang umakyat ka."
"Kasalanan mo talaga to."sumbat ko
"Come down i'll help you ."seryosong wika niya habang nakalahad sa harapan ko ang kamay niya.
No choice bumaba ako ulit inalalayan niya naman akong makababa ng maayos. He even bring my bag with him. Huminto muna kami saglit sa canteen may sinulat siya sa papel niya habang kumakain naman ako sa harapan niya.
"Anong sinusulat mo?"nagtatakang tanong ko.
"Excuse letter mo."
"Hindi ko kailangan ng excuse letter."
"Balak mo talagang mag cutting kaya ka sumasayaw kanina."
"Hindi ko naman alam na nakita mo yun."Naka ngusong reklamo ko.
Hindi na ito nagsalita pa ulit. Nahiya naman ako sakanya parang seryoso itong nag aral bulabog yata ako sa buhay niya, samantalang ako naman nag eenjoy lang. Magkaiba talaga minsan ang mga lalaki at babae.
"Tara tapos na akong mag sulat."
Tumayo ako agad at sumunod sakanya dumeretso siya kay Miss guard ako naman naghihintay saglit dito sa may Acacia. Nagpaalam pa ito saglit sa guard bago lumapit sakin.
"Pwede ka ng makauwi."
"Ganon lang yun kadali?"
"Ang alin?"
"Yung sinulat pagbibigay mo ng excuse letter kay Miss guard."
"Ah okay na yun,kaya pwede ka ng makauwi."
"Thank you" ngeting pasasalamat ko.
For the first time umuwi ako ngayon na hindi nag cutting at take note may gumawa pa sa excuse letter ko. Nakakahanga talaga yun iba siya sa lahat. May number one ng nanalo sa listahan ko. Hahaha
Paalis na sana ako may nakalimutan pa akong itanong kaya bumalik ako sa gate, nagtataka pa itong nakatingin sakin.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko habang nakatingin sakanya.
"Jake Montecillo "
Tumatango tango akong sumang ayon sakanya.
"Bye Jake salamat."
Kumakaway ako papaalis sa harapan niya. Pumara na ako agad ng taxi pagkasakay ko sumandal ako agad sa head board. Nasisira na yata tong utak ko kanina pa ako ngumingiti mag isa.
"Nanay andito na ako."masayang sigaw ko sa pagkapasok ko sa bahay namin.
"Ouh bat sumisigaw ka may maganda bang nangyari ngayon at nasa mood kang ngumiti ng ganyan."nanunuksong sabi ni nanay.
"Hindi lang maganda sobrang ganda."kinikilig kong sabi.
"Kita sa mukha mo, dapat ganyan ka palagi hindi yung naka simangot ka nalang."
I just hugged her tightly, I am so thankful to have her in my life. She was the one who raised me since I was born. My parent's didn't live with me since I was young. Yung mga magulang ko kasi masyadong addict sa mga negosyo kaya naiwan ako dito kasama si nanay.
Hindi na ako magtataka kong sakali mang aabot kami sa punto na mag aaway kami ng mga magulang ko, I will always choose nanay over them. Wala kasi sila sa panahong nangangailan ako ng atensyon sa kanila. I'll always asking their time just to have a little bonding with me pero never yun nangyari instead they told me that I should be good at school.
Si nanay kasi yung tipong handang gawin ang lahat para lang sayo, siya kasi ang tumayong magulang ko, siya ang nagbibigay buhay sa nga pagkukulang ng mga magulang ko sakin. Siya ang tumayo bilang nanay at tatay ko minsan nakikita ko pa siyang nahihirapan na. She's already 63 but she's still taking care of me.
I really love her kaya kahit ano'ng mangyayari sakin or kung ano ang mga pinagdadaanan ko , palagi kong sasabihin sakanya ang mga pinagdadaanan ko para lang hindi siya mag alala sakin.
"I love you nay" mahinang bulong ko sakanya habang nakayakap ng mahigpit.
"Nag lalambing ka na naman eh."natatawang saad nito.
"I love you too."she whispered
Ito ang dahilan kong bakit gusto kong umuwi ng maaga, kaya hanggat maari uuwi ako upang samahan siya dito sa bahay namin.
Kinukwento ko sakanya ang nagyari sakin kanina , pinagtatawanan ba naman ako.
"Nakakahiya yung ginawa mo sakanya."natatawang saad nito.
"Pero humingi naman ako ng pasensiya nay."
"Wag muna yong uulitin baka ma guidance kapa. Nahihirapan pa naman akong makapunta sa paaralan niyo."nag aalalang wika niya.
"Hindi ko na po uulitin yun promise."itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.
Natawa naman ito sa sinabi ko.
"Loko ka talagang bata ka hahaha."
Tumawa lang ako sa sinabi niya.