Nagmamadali akong umalis, maling sasakyan pa ang napara ko. It was my brother, nagtataka itong nakatingin sa akin habang hinihingal naman akong nakaupo sa backseat. Pinagpawisan pa ako ng todo ,idagdag mo pa ang madumi kong Paa.
"What happened to you?"nag alala niyang tanong.
Huminto muna kami sa may gilid ng kalsada. He look at me, yung tinging puno ng pagtataka.
"Donna what happened? Bakit ganyan ang hitsura mo?"
"Magagalit ka ba kapag sasabihin ko sayo na tumakas ako sa hospital."
"Bakit mo naman gagawin yon?"
"Kuya, ipapakasal ako nila mom and dad. They make an arranged marriage for me. Hindi ko naman hiningi sa inyo ang companyang sinimulan niyo tapos ako ang sasalba."
"Kasalanan ko bang maging kapatid mo? Pagod na ako sa kakasunod sa inyo. Never niyo naman hiningi ang opinyon ko." Umiiyak kong saad.
"Never kong naramdaman na pinahalagahan niyo ako, simula pag ka bata ko hanggang ngayon walang ibang nag aalaga sakin kundi si nanay. Si nanay na naging mama at papa ko sa buong buhay ko. Tapos ngayon uuwi kayo na parang wala lang tapos ipinagkasundo niyo pa ako. May boyfriend ako at siya lang ang papakasalan ko."
"I'm so sorry, hindi ko naman alam na ganyan pala kahirap ang pinagdadaanan mo. Wala akong kwentang kuya kong pinababayaan lang kita. I'm sorry, I'm really sorry baby. I didn't know what to do."umiiyak nitong sabi.
Niyakap niya naman ako ng mahigpit. Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag iyakan sa gitna ng kalsada.
"Pangako hindi na ako aalis sa tabi mo. Dito na ako titira para maalagaan ka."
Mas lalo lang akong umiyak dahil sa sinabi niya.
Ilang oras muna bago namin na pag desisyonang umuwi sa bahay, pagka baba ko sa kotse may yumakap agad saakin ng mahigpit.
"Thanks God your safe."mahinang bulong nito.
Sinuri suri niya ako kong may galos ba ako. Hinubad niya ang tsinelas at coat niya pagkatapos pinasuot niya sa akin yon.
"Kumain kana ba?"nag alalang tanong nito.
"Tapos na akong kumain. Kanina ka pa ba dito, pasensya na hindi ako nakatawag sa iyo."
"It's okay , I understand you."
May biglang tumikhim sa likuran namin,Doon ko lang napagtanto andito pa pala si kuya.
"Kuya boyfriend ko si Jake, Jake kuya ko si Acer."ngeting wika ko.
Nag shake hands Naman Silang dalawa, tahimik lang kami buong magdamag habang nag lalakad papasok sa bahay namin.