CHAPTER TWO

12 0 0
                                    

Naging mag kaibigan kaming dalawa ni Jake,hindi na din ako nag cutting classes. He always there everytime na umaalis ako,palagi siyang nauuna sa pupuntahan ko,kaya wala akong lusot na makauwi ng maaga. Gaya nalang ngayon hina-harangan niya ang pintuan ng classroom namin, ayaw niya kasi akong padaanin.

"Umalis ka nga diyan."inis kong saad sakanya.

"Maglinis ka muna, tulungan mo sila."

"Hindi nga ako maglilinis,tapos na silang maglinis."

"Sa tatlong araw na schedule niyo ako ang nag linis sa parte mo, tapos ngayon ayaw mo silang tulungan."

"Sinumbatan mo ako?"

"Hindi sa ganon."

"Anong hindi sa ganon , pinalabas mo na ikaw ang naglilinis palagi sa parte ko."

"Tsk. Tara na nga uwi na tayo."inis nitong sabi.

Natawa ako dahil sa inaasal niya, ang daling mapikon. Inaasar asar ko pa siya pauwi.

"Ang pikunin mo , hindi naman kita inaano diyan."

"Ang tigas din ng ulo mo, ayaw mong makinig sakin."

"Matigas pala ang ulo ko, alis na ako." Nagtatampo kong sabi.

Binilisan ko ang paglalakad ko pero nakasabay parin  siya sa paglalakad ko. Tumatawa pa itong nakatingin sakin.

"Ayaw mo ng sumabay sakin?"nagpipigil tawang tanong niya.

"Eh kong suntukin kaya kita."inis kong wika.

"Ang laki naman ng kamao mo, wag mo na akong suntukin  baka magkasugat pa ako."

"Inaasar mo talaga ako no?"

"Naaasar kana ba?"

"Ewan ko sayo."pikon kong sabi.

"Hahaha hey sorry" tumatawang saad nito.

"Donna Damian sorry na."

"Shut up ang ingay mo"

"Sorry na kasi "

"Ang kulit mo din."

"Sorry na kasi"

Hindi ko siya pinansin,nag taka ako bigla nalang itong tumahimik pag lingon ko wala na ito sa likuran ko.

"Asan na kaya yon?"mahinang bulong ko habang lumilinga linga sa paligid.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko. Napahinto ako sa may unahan may tao kasing sumasayaw sa unahan habang nakayuko. Familiar sakin ang mga galaw sa sayaw niya,sinayaw ko yun sa paaralan namin. Teach me how to doggie yun eh .

Tumatawa na akong nanonood dito habang pinapanood itong sumayaw, nagkakagulo na ang mga estudyanteng babae na dumadaan dito ang iba humihinto pa upang manood, ang iba naman sumisigaw na. What's wrong with this guy.

"Donna sorry"

Oh damn si Jake pala itong sumayaw. Lumapit ako agad sakanya, kinurot ko siya ng palihim sa tagiliran niya. Sira ulo kaya pala nawala sa likuran ko sumasayaw na dito. Saan ba siya dumaan?

"Ang swerte niya "

"Sana ako din sayawan ng ganyan."

"Wag ka ng sumayaw ulit, kapag sumayaw ka pa malilintikan ka talaga sakin."

"Hahaha maganda ba akong sumayaw?"

Gusto ko sanang sabihing maganda wag na lang baka lumaki ang ulo nito.

"Napaka pangit mong tignan."

"Tumatawa ka pa ngang nanonood."

I just rolled my eyes but deep inside gusto ko ng mag wala dahil sa sayang nararamdaman ko. Nag patuloy na kami sa paglalakad namin huminto muna kami saglit sa isang store upang bumili ng maiinom at makakain.

"Sa plaza muna tayo, maganda ngayon ang palubog ng araw." Yaya niya sakin.

Tumango ako bilang sang ayon. Pagkadating namin sa may plaza dumeretso kami sa may dagat. Hinubad ko ang sapatos ko saka ako nag lakad2x sa May dalampasigan.

Nagsimula ng lumubog ang araw, napakaganda nitong tignan lalo na't makikita mo ang kulay nito na tumitingkayad dahil sa palubog ng araw.  This is not the ending,this is just the beginning.

"It's nice to see you my love."mahinang bulong ko sa hangin.

Pikit mata kong pinapakiramdaman ang paligid ko, ang hampas ng alon ang nagsisilbing musika sa tahimik na paligid, tinatangay naman ng hangin ang buhok ko kaya ito humarang sa mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito palagi.

"Donna"

Nagmulat ako agad ng mata at tumingin sakanya na nakahawak ng DSLR at nakatutok sakin ang ang camera nag pose ako agad sa harapan niya. Kinuha ko saglit sakanya ang DSLR nag selfie kami kahit nahihirapan akong kumuha ng litrato saming dalawa. Nilagay ko pa ito sa may dalampasigan upang makunan kami ng maayos na litrato.

"Uwi na tayo balik nalang tayo sa susunod na araw."pahayag niya.

Umuwi na kami hinatid niya muna ako sa bahay namin bago siya umalis, pinagmasdan ko pa itong sumakay sa isang traysikel hanggang sa mawala na ito sa harapan ko.

"Good evening nanay " masiglang bati ko pagkapasok.

Naka lahad na ang mga palad nito upang yumakap sakin, niyakap ko siya agad saka nag kiss sa pesngi niya.

"Kumain na po ba kayo?"

"Hindi pa hinintay kita."ngeting sagot nito.

"Maupo ka muna dito nay ako na ang maghahanda sa hapunan natin." Ngeting sabi ko sakanya.

Umupo ito agad nakita ko pa siyang ngumingiting nakatingin sakin.

"Anong tingin yan nay?"

"Napakaganda mong tignan sa ngeting yan."

"Syempre maganda po ako mana sayo." Tinuro ko pa siya saka nag hugis puso.

Mas lalo itong natawa sa ginawa kong hugis puso na may kasama pang sayaw. Pagkatapos kong mag handa nanalangin muna kami bago kumain.

"Let's eat na po." Masayang pahayag ko.

Lumipas ang ilang oras napagdesisyunan naming manood ng beauty and the beast.
This is my favorite movie palagi ito ang pinapanood ko kahit naman siguro tumanda na ako manonood parin ako ng ganito.

"You really love this movie, noong bata ka pa kapag ibang movie ang ipanood ko sayo mag iiyak  ka buong magdamag tapos kapag ito naman tahimik ka lang manonood pero makikita sa mukha mo na ang saya."kwento ni nanay.

"Ganon po ba talaga ako noong bata pa ako, hindi po ba ako pasaway?"

"Pasaway ka minsan, minsan naman may pagka pilyo. Ipagkalat mo ba naman na may napupusuan ako sa kapit bahay natin kahit wala naman."

"Hahahaha talaga po, ngayon mo sino ang napupusuan mo?"

"Wala na akong time para sa ganyan, masaya na akong kasama ka at makita kang masaya." Ngeting paliwanag nito.

"Nanay naman pinaiyak mo ako."nakangusong sabi ko.

"Iyon talaga ang totoo." Nangengeting sabi nito.

Niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Nag good night muna ako sakanya bago natulog. Sana ganito nalang kami palagi, yung walang gumugulo. Tahimik lang pero masaya.








MARRY ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now