Pumasok nga kami sa horror booth alam niyo kung anong nakaka-excite naka sampal ako dahil sa pagkagulat ko. Tiningnan pa ako ng masama sa babaeng nag papanggap na multo.
"I'm sorry"natatakot kong sabi.
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ng babae, hinila na ako agad ni Jake patungo sa gitna.
"Waaahhh mommyyyyy"nagsusumigaw kong sigaw.
Tanginang multo to , hinawakan bigla ang paa ko. Madaming naka dapa habang pilit inaabot ang paa namin. Todo iwas naman ako kahit na minsan naapakan ko ang mga kamay nila. Tumingin ako sa likuran ko andito parin pala ang isang to akala ko iniwan na niya ako, sobrang tahimik lang pero kinukunan ako ng video.
"Jake mauna kana"pilit ngeting sabi ko.
Pero umiling iling ito, sumenyas siya na ipagpatuloy ko daw ang aking paglalakad. Sa unahan may mga tali na nakatali sa harapan , kinailangan pa naming gumapang upang makalabas kami. O god tulungan mo sana ako.
"Miss mauna ka na." Suhestiyon ng isang lalake na nakasabay sa amin.
"Ikaw na ang mauna."malamig na sabi ni Jake.
Hinila niya ako sa tabi niya, gaya ng sinabi niya na una yung lalakeng nakasabay sa amin. Sabay kaming gumapang dalawa nakahawak lang ako sa kamay niya ng mahigpit habang pilit gumagapang papalabas. Minsan sumasabit pa ang suot kong bestida sa mga upuan na nilagay nila sa magkabilang gilid.
Pilit kong hinila hila ang laylayan ng bestida ko, buti tinulungan ako ni Jake na alisin ito sa pagkakasabit. Muntik pa akong mabangga sa lalake na nasa unahan namin.
"That was close."kinakabahang sabi ko.
Pagkalabas namin sa room na pinasukan namin ,nag mumukha na akong batang palaboy laboy dahil sa hitsura ko ngayon. Inayos ko muna ang suot ko bago ko inayos ang mukha ko.
"Wag na tayong pumasok ulit dito." Mahinang sabi niya habang pinupunasan ang mukha ko.
Tahimik ko siyang pinagmasdan,ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa malapitan. May mahahabang pilik mata, matangos ang ilong idagdag mo pa ang namumula nitong labi. Kapag ngumiti ito nagiging singkit ang mga mata nito.
"Nag enjoy naman tayo."ngeting pahayag ko.
Ngumiti nalang din ito. Umalis na kami sa horror booth ,napagdesisyunan naming kumain muna sa isang stall dito na malapit lang sa movie booth. Siya ang bumili ng mga pagkain namin samantalang nag hahanap ako ng maupuan namin.
Pagkatapos nitong bumili umupo na ito sa harapan ko. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin na kumikislap sa kalangitan. Ang nag sisilbing ilaw sa buong paaralan ay ang mga lampara na isinabit sa magkabilang hallway, may mga pokwan pang nakasabit sa mga puno sa gitna naman ng paaralan ay ang nag aapoy na mga kahoy na pinag tipon tipon nila na kung tawagin ay bonfire.
"Gusto mong pumunta doon?"out of nowhere niyang tanong.
Nakunot ang noo kong tinignan siya, itinuro niya ang bonfire na nasa gitna. Ito yata ang tinutukoy niya na gusto ko bang puntahan.
"Let's go punta tayo doon."
Tumayo ako agad ,tahimik kaming naglalakad sa pasilyo habang tinatanaw ang nag liliyab na apoy. This gonna be the best night of my life.
"Let's party party" nakangiting sigaw ni Ritchel sa unahan.
Siya ang na assign sa musika na pinatugtog ngayon. It's a party so this is expected na mag enjoy lahat ng mga estudyante. Madami na ang sumasayaw sa gitna ang iba naman naka upo lang habang nag kwekwentuhan.
"Halika sumayaw tayo", yaya ko kay Jake.
"Ikaw na muna ang sumayaw doon,susunod ako."
"Sumunod ka ha?" Paniniguro ko.
Tumango ito, pumunta na ako sa gitna sumasabay na ako sa mga kaklase kong sumasayaw na, nagtatawanan pa kaming sumasayaw kung ano anong steps na ang ginawa namin lalo na si Mark na nag twerk sa gitna namin may pa grind grind pa itong ginawa.
"Hahahaha woooooo"sigaw ni Kathleen ng mag break dance sa harapan namin si Axel.
"Ang sakit niyo sa tiyan."natatawang saad ko.
"This is fun" nag titiling sigaw ni Jerra.
I was in awe, this day will always be remembered. Sa ganitong paraan lang ako makapag enjoy lalo na kung wala ang mga magulang. My parent's are so strict when it comes to me,madaming bawal ,madami ding hindi pwede gawin. Kaya sa ganitong paraan uubusin ko ang lakas ko para ma enjoy ko ang gabing ito.
"Sobrang saya natin ngayon ah?"natatawang tanong ni Ghianne
"Walang nakabantay, free ako ngayon"natatawang sagot ko sakanya.
"Edi dating gawi"
Pagkasabi niya sa dating gawi nagsenyasan kaming lahat na ipasa ang baso na kanina pa nila tinatago. Kaya pala may naamoy ako kanina.
"Bawal to"mahinang bulong ni angel sa amin.
"Walang bawal kapag walang nakabantay."ngesing sabi ko sakanya sabay kindat.
Nag tatalong sumisigaw ang ibang estudyante habang kami naman dito sumasayaw lang na nababagay sa musika. Naka limang shots na ako kaya nararamdaman ko ng nag-iinit na ang katawan ko.
"You're drunk"malamig na sabi ng kung sino man sa likuran ko.
Pilit kong ina aninag ang lalaki sa likuran ko. Naka kunot ang noo nito habang nakatitig sakin di ko mawari kong galit ba ito ouh hindi.
"Ikaw pala yan ang tagal mo namang sumunod."
"Kinuha ko saglit ang jacket ko, uwi na tayo."
"Hindi pa tapos ang event mamaya na tayo umuwi."
"Sumama ka sa akin saglit."
Hinayaan ko lang siyang hilain ako papunta sa may coffee booth ,nag order siya ng dalawang coffee. Pinagmasdan ko lang siyang nakatayo sa harapan.
"Sino sa inyo ang bumili ng alak?"
"Hindi ko alam"
"Bukas na kita kausapin ,uminom ka muna ng coffee pagkatapos nito e uwi na kita sa inyo."
"Okay"
Pinagmasdan niya si Donna na mahimbing ng natutulog sa harapan niya. Nakatulog ito habang naghihintay na maubos ang coffee nito. Napaka tiwasay tignan ng mukha nito habang natutulog, parang isang sanggol ito kong matulog. Who have thought na maging kaibigan niya ito. Makulit din naman ito, palagi din itong nakangiti yung ngeting nagbibigay kaligayahan sa lahat.
Ilang minuto nakita na niya ang kotse na papalapit sakanila. Binuhat niya ito ng maigi saka dahan dahang pinahiga sa backseat.
"Good evening tito"
"Good evening din sa iyo iho, salamat."
"Walang anuman po."
Niyaya pa siyang ihatid, tinanggihan niya ito nguni't nag pupumilit itong ihatid siya,sumama nalang siya dito.