Chapter 16: Secrets Yet to be Told
A/N: Hey guys. Tagal kong nawala ah. Sowy po! Anyway, getting straight to the point, I decided to change my writing style a bit. Baka lang magustuhan niyo. If not, the chapter after this would be written back to my original style. Yun lang!
This is for you, @karupi!
------------------------------------------------------------------/--------------------------------------------------------------
"Hali kayo. Pasok." Samantha welcomed the two teenagers with delightful glee. Bihira lang siya makatanggap ng bisita ngayong mga panahong to lalo na kapag andyan ang kanyang asawa. Kaya naman lulubusin na niya ang pagkakataon.
Kaagad namang tumalima ang dalawa at pumasok. Magiliw na pinaupo ni Samantha ang dalawa sa may sofa at tumungo sa kusina para kumuha ng kanilang maiinom. Nang makita niyang wala nang laman ang ref kahit isang nakatabing pakete ng juice, napagpasyahan niyang tubig na lang ang ibigay.
"Hehehe... Tubig na lang ang maiaalok ko sa inyo, iha. Naubos na pala ang juice namin." She smiled at Jade, but feeling very embarrassed deep inside. Kung bakit naman kasi kailangang ubusin ng asawa niya ang laman ng ref nila eh!
"It's fine, Tita Sam. Besides, hindi naman po juice ang pinunta namin ni Christian dito eh." Nakahinga si Sam ng maluwag. Akala niya talaga ang juice lang ang pakay ng dalawa, pano kasi ang ibang nagtangkang bumisita sa kanya noon ay libreng pagkain at inumin lang ang pakay.
"Talaga? Nga pala, Jade, kamusta ka na pati ang mama at papa mo? Sayang hindi mo sinabi sakin na ikinasal na pala, sana nakadalo ako." Jade cracked into a small smile.
"Okay lang naman po ako pati ang parents ko pero hindi ko po asawa si Christian. Kaibigan ko lang po siya."
"Kaibigan daw, tapos mauuwi sa mag-jowa tas mababalitaan mo na lang kasal na. Ganun din yun." Sam murmured under her breath, failing to notice a secretly laughing Christian and a blushing Jade.
"M-magkaibigan lang po talaga kami, tita." Sam eyed the two suspisciously and gave Christian a glare. Wala siyang tiwala sa lalaki. Humarap siya muli kay Jade at ngumiti.
"Mabuti yan. Masyado ka pang bata para mag-asawa. Wag mo munang tularan yung kaibigan mong si Anneka. Naku yung batang yun talaga. Parang kahapon lang ang liit liit pa niya, tapos pagkagising ko, umuwi nang may asawa." Mangiyak-ngiyak si Sam habang nagsasalita pero mangiyak-ngiyak siya sa tuwa. Sa wakas, malaya na ang anak mula sa kanyang salbaheng asawa.
Jade came to her side and rubbed her back to comfort her a little.
"Speaking of your daughter, Anneka, may nais po kaming itanong ni Jade tungkol sa kanya." Sam looked at him, bewildered and unsure. Anong kailangan nila sa anak niya? She didn't know. She didn't even have the slightest clue.
Jade looked at Christian and spoke with him through telepathy.
"Sigurado ka bang siya talaga?" Tanong ni Jade.
"Oo, kilala ko siya. Nakita ko na siya sa isa sa mga libro noong naghahanap tayo at kung tama ang hinala ko, siya ang magdadala sa atin sa anak ng reyna." Jade nodded telepathically, still feeling a bit unsure.
"Anong meron sa anak ko? May problema ba sa kanya? Tsaka isa pa, Jade, kasama mong lumaki ang batang yun. Ang alam ko nga mas kilala mo pa siya kesa sakin eh." She said, looking directly at the two, who glanced at each other's eyes before continuing.
"Maybe I do, tita. Maybe I don't. Kahit magkasama po kaming lumaki, marami din po akong hindi pa nalalaman tungkol sa kanya. Tulad na lang po ng mga pangyayari sa buhay niya na kahit mismo siya ay hindi nakakatanda." Parang nawala lahat ang kulay sa katawan ni Sam.
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
WampiryMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...
