Chapter 6 (Part 1): Pay them a Visit
--------------------------------------------------------------------------------------------------A/N: Hehehe Part 1 muna. Baka bukas na lang part 2. Sorry nga po pala kung matagal akong nakapag-ud ulit. Wala eh may lagnat ehh. Peace po tayo.. At pagtayagaan niyo na lang po muna tong ud kong to.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Anneka’s POV
“Do you remember what happened here?” Tanong ni Joaqui. Ha? Kung anong nangyari dito? Bakit nga ba naging puro damo na lang to? Hmmm... Ano nga ba? Ah! Alam ko na!
“Syempre naman!” Nakangiting sagot ko. Napangiti din siya sinabi ko. Hala, natuwa pa siya dun sa sinabi ko?
“Di ba nagkaroon ng illegal logging dito dati kaya wala nang puno sa parting ito at puro damo na lang! Yiihiie ang galing ko talaga!”
*glare*
*pout*
“Totoo naman eh! Tanong mo pa kay mama!” Bigla niyang pinitik ang noo ko.
“Aray naman!”
“T*nga! Hindi yun ang ibig kong sabihin!”
“Eh ikaw pala yung t*nga ehh! Tinatanong mo kung anong nangyari dito tapos sasabihin mong hindi yun ang tinutukoy mo! *Cross arms and pouts again*” Waaahh! Ang labo niya talagang kausap!
“Ewan ko sayo, t*nga! Tara na nga!” Sabay hila sakin at tumakbo.
“Panira talaga to ng moment ehh!” Narinig kong bulong niya habang tumatakbo kami.
“Hoy hindi ah! Ikaw yung panira ehh! Labo mo kasi kausap ehh!” Pangongontra ko. Nagulat siya sa sinabi ko at napahinto kami sa pag-takbo. Tumingin siya sakin.
“*Smirks* Looks like you’re vampire abilities are now showing one by one. That’s a good sign. Keep it up.” Sabi niya at ginulo niya ang buhok ko.
“Let’s go.” Hinila na naman niya ako at tumakbo na naman kami. Ilang sandali lang at narating na namin ang bahay ko pero kataka-takang hindi ako hiningal! Yiiee nag-improve na ako sa pagtakbo!
“Teka nga pala, Joaqui...” Tumingin siya sakin. “Bakit nga pala hindi tayo napaso sa araw kanina? Di ba bampira tayo?” bulong ko sa kanya. Baka may magkalat ng secret namin ehh. Hihihi.
“Shunga ka talaga kahit kelan. Di ba nga half lang naman tayo kaya pwede tayo sa araw! Yun nga lang may limit like 2 or 4 hours maybe?.. Something like that.”
“Ahhh... Kala ko bigla na tayong matutusta ehh!” sabi ko sabay hakbang palapit sa pinto ng bahay namin.
“Tara, pasok na tayo.” Pag-aaya ko.
“*Straight-forward face* Di na. Dito na lang ako. Ikaw na lang muna ang pumasok.”
"Akala ko ba kakain ka? Hindi ka na gutom?" Labo rin nito eh!
"*glare* Didn't I tell you a while ago that we're not gonna eat here?"
*tingin sa paa at mag-pout*
“Sabi ko nga. Bahala ka nga dyan.” Basta ako kakain pa rin mamaya! Hihihi! Tumalikod na ako at binuksan ang pinto ng bahay. Pumasok na ako.
“MAMA!! Andito na po ako!” Yiiee Nandito na kaya si mama?
“MAMA! Yohoo!!” Naglakad-lakad ako sa loob ng bahay ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin at iniluwa nun si MAMA!!!
“Ano ba yan! Ang ingay naman oh! Sino ba---” Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Ma! Buti nakabalik na kayo! Kelan pa po?” Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
“Diyos ko! Anneka! Akala ko kung ano nang nangyari sayo! San ka ba nagpupupunta? Ha bata ka?! Pinag-alala mo ako!” Niyakap niya ako pabalik.
“Kalma lang ma! Buhay pa po ako!” Hinarap niya ako sa kanya at pinupog ng halik. Mama talaga!
“Hmmm! *Tsup!* Pano ako kakalma kung isang buong araw kang nawala? *Tsup!* Alam mo ba nag-alala talaga ako kagabi nung umuwi ako ng wala ka! Nung tinanong ko naman ang walang hiyang tatay mo eh ayaw naman ako sagutin! Leche talaga yun! *Tsup!* Namiss talaga kita anak!” Sweet talaga ng mami ko... Hihihi parang ako!
“Namiss ko rin po kayo ma! Wag kayong mag-alala! Ligtas naman po ako ehh! Niligtas ako ng guardian angel ko slash asa---“ Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng biglang lumabas si tatay mula sa cr. Patay!
Galit siyang tumingin sakin at sinabing, “Andito na pala ang lokaret kong anak. Huh! Lakas din ng loob mong bumalik pagkatapos mong lumayas! Ang kapal ng mukha mo!” Sabay kuha nung bote ng alak na nakakalat sa sahig.
“Tay, wala naman pong mukha manipis eh. Kung meron man po, sigurado po akong patay na yun ngayon.” Kalmado kong sambit. Totoo naman ehhh. >3<
“Aba’t namimilosopo ka pa ah! G*ga ka talagang bata ka!” Akmang hahampasin niya ako nung bote pero humarang ang mama ko kaya napahinto siya.
“Wag mong sasaktan ang anak ko!” Super hero ko talaga si mami! Kaya labs na labs ko yan ehh!
“Wag ka ngang makielam!” Sigaw niya sabay tinulak ng malakas si mama at itutuloy ang kanyang gagawin. Napapikit na lang ako.
“Boyet wag!” Narinig kong sigaw ni mama. Naghahantay ako ng tatama sakin pero wala akong naramdaman. Anyare? *Dilat ng mata* O_O
Nakita ko si Joaqui hawak-hawak yung kamay nang tatay ko at sinabing, “*Smirks* You have to go through me before you can even land a scratch on her.” Kelan pa siya nakapasok? Weird niya talaga!
“At sino kang pakelamerong g*go?! Hayaan mo akong disiplinahin ang anak ko! Wala kang karapatan sa kanya!”
“Oh, yes I do have rights over my WIFE.” Talagang diniinan niya ang word na ‘wife’. Ano ba yan ehh! Ako dapat ang magsasabi nun kina mama! Surprise ko dapat yun ehh! Inunahan naman ako ni Joaqui >3<. Mukhang nagulat naman ang mga magulang ko. O diba?! Sabi ko sa inyo pang-surprise ko yun eh!
“Anong asawa?! Tsaka hoy tigil-tigilan mo ako sa kakaenglish mo ah!” Dinuro-duro siya ng tatay ko gamit ang kaliwang kamay. Nasa kanan kasi yung bote. Buti di siya nangangalay hawakan yun.
“We’re married and she’s my wife now. Wanna see the proof? *Smirks*” Kinuha niya ang aking kanang kamay at itinaas ito. Napansin kong may sing-sing sa may palasingsingan ko. Mas lalong nanlaki ang mata nina mama at tatay. Kelan pa ako nagkaroon ng sing-sing diyan? *Isip Isip*
“Is that enough proof to you? You can ask her for the confirmation.” Kelan nga ba ako nagkaroon ng sing-sing? Wala akong matandaan.
“Anak, totoo ba? A-asawa mo daw siya?” Sabi ni mama pero di ko pinansin. Kelan nga ba? Di ko talaga matandaan!
“Hoy! Lokaret! Kinakausap ka! G*ga sumagot ka!” Ano ba yan?! Kelan ba ako nagkaroon ng Alzheimer’s disease? At nakalimutan ko na kung kelan ko nakuha yun!
“Hey Watch your words! Wife, answer them.” Argh nakaka-frustrate talaga!
“Wife! Are you even listening to us?” I hate it! Ulyanin na ako! Huhuhu! “Wife!”
“Ay Ulyanin! Ba-bakit? Ano yun? *Linga Linga sa kanila*”
“Tss. I said why don’t you tell your parents that we are really married.” Ah! Yun lang pala eh! Kala ko naman kung ano na.
“Hehehe! Surprise, mama! May asawa na po ako!” Nakangiting sabi ko. Pero sina mama speechless. Unti unti na ring ibinaba ni tatay yung hawak niyang bote at nag-walk-out. Hala! Anyare?
Seryosong tumingin samin si mama at…
At....
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Hehehe again po, baka tomorrow ang part 2. Ang panget ata ng ud ko ah. -_-
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
VampireMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...
