Chapter 3: What? He's a Vampire?

7.6K 249 3
                                        

Chapter 3: What? He's a Vampire?

 

Anneka’s POV

 

Nagising ako nang nananakit ang paa ko. Tinignan ko ito at nakita kong pulang-pulang ang mga ito at may konting galos pa. Ha? Anyare sa paa ko?

Tinignan ko ang kwartong kinalalagyan ko. Hindi akin to ah! Nasan ba ako?? Bigla kong naalala yung nangyari kagabi. Hala! Di kaya, NASA LANGIT NA AKO?? Di ba sabi kagabi nung kumpare ni tatay dadalhin niya ako sa langit? Waahh!! Patay na ako!! Huhuhuhu…

Busing-busy ako sa kaka-emote ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang poging nilalang. Yiiee my guardian angel!! Pero may angel bang red ang eyes??

“Ay gising ka na pala. Ka-kamusta na ang pakiramdam mo?” Sabi niya habang nakaiwas ng tingin sakin. Uy! Nahiya pa ang angel! Hahahaha…

“Ayos lang naman po Guardian Angel! Tsaka pwede niyo naman po akong tignan ehh, di naman ako nangangain ehh.” Magiliw kong sagot sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at sinabing,

“Guardian Angel? Seriously?”

“Opo kasi diba nasa langit na po ako at kayo po ang maghahatid sakin?”

“Ugh.. Did I just bring back an insane person? Okay, miss first of all wala ka sa langit. You’re in my room for Chris’ sake! And lastly, I’m not an angel; I was the one who brought you here in my house.” Awts English.. Nosebleed ako dun!

“Ahh.. Bakit niyo nga po ba ako dinala sa bahay niyo?”

“That’s because you fainted right in front of me last night! You even asked for help.” Bigla kong naalala na hinimatay pala ako kagabi.

“Ahh.. Oo nga noh! Ehh kasi naman yung kumpare ni tatay sabi dadalhin daw niya ako sa langit eh sa ayaw ko pang mamatay ehh kaya tumakas ako sa kanila. Kaasar nga yung tatay ko ehh! Ibenta daw ba ako? Walang awa talaga.. Tsk, tsk, tsk.” Napailing na lang ako nung maalala ko yun.

“*Sighs* Is that so? Anyway how old are you??” Hala ayan na naman yang edad na yan!

“Uhmm… Eight years old? Hehehe” Sinamaan niya ako ng tingin dahil dun sa sinabi ko.

“Hehehe joke lang.. Eighteen na ako. Teka ba’t mo ba natanong? Ibebenta mo rin ba ako?” Natatakot kong sambit.

“Why would I do that? I’m not as immoral as your father.” Nag-shine ang mata ko ng malaman kong hindi niya ako ibebenta.

“Talaga?! Di mo ko ibebenta? Yehey!!!” Sa sobrang tuwa ko, inakap ko siya.

“Hey! Let go of me!” Sinunod ko naman siya at umupo ako ulit sa kama.

“Uhm.. Kuya bakit kayo English ng English? Nasa pilipinas naman po tayo diba?”

“It’s none of your business. And stop calling me Kuya. Mag-kaedad lang tayo.” Nyehh! 18 din pala siya.

“Eh ano pong name niyo?” Alangan namang tawagin ko siyang hoy?

“Ladies First.” Daya naman! *pouts*

“Okay, ako nga pala si Anneka Marie Flarmieda, and you are?” Ayan napapa-english na rin tuloy ako!

“Hmmm.. Anneka Marie? Nice name. Anyway, I’m Joaquin Paulo Martinez. Pleased to meet you.” Yey! Nice daw name ko! Hihihi

“Nice meeting you din!” Sabi ko sabay ngiti ng pagkalaki-laki.

“Stop smiling. Come on downstairs. We’re gonna eat breakfast.” Sabi niya pero bago pa siya makatalikod sakin ay may tinanong ako.

“Joaquin, bakit nga pala red ang eyes mo? May sore eyes ka ba o naka-contact lens ka?” Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero ako ang mas lalong nagulat sa sinabi niya.

“I don’t have sore eyes or even wearing contact lenses. It’s natural, especially if you’re a vampire.” Hala jinojoke time ako ni Joaquin ehh!!

“Niloloko mo naman ako ehhh!! Dali na ano yung totoo?”

“I’m telling the truth! Don’t worry, I won’t hurt you. You can leave my house if you want.” Matamlay niyang sabi at bumaba na siya. Hala edi bampira talaga siya? Natakot ako sa sinabi niya, oo pero yung ¾ ng sarili ko na gustong manatili dito sa bahay niya. Yung ¼ naman gustong umalis na. Waahh! Ang gulo!

Maya-maya pa nakapag-desisyon na ako. Bumaba ako at hinanap ang kusina o ang dining room man lang. Una kong nahanap ang dining pero wala siya. Kaya hinanap ko agad ang kitchen. Nakita ko naman agad ito. Sinilip ko muna kung nandon si Joaquin at nakita ko siyang nakasandal sa may sink.

“Uy!” Nagulat siya sa sinabi ko at nag-ayos ng tayo.

“O, bakit? Aalis ka na ba? Baka gusto mong kumain muna.” Hala inuunahan lang ako?

“Hindi! Hindi ako aalis! Dito lang ako! Ayoko ngang bumalik dun sa tatay ko! Pupunta na lang ako dun pag nandon si mama!” Sabi ko at nanlaki ang mata niya. “Kaya pwede ba makitira muna ako dito?”

“Uhhh… O-of course.” Yie! Pwede daw! “But there’s a bit of a problem…”

“Ha? Ano namang problema? Baka makatulong ako!”

“Uhmm, how do I say this? Ahh, well, it is something for your safety… Uhhhh” Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, “You need to be my wife.”

“Sus wife lang pala ehh…” Sabi ko. “Kayang-ka--- WHAT?! Kailangan kong maging asawa mo?!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumango lang siya bilang sagot.

“Bakit?!”

“It’s for your safety nga! Kasi may dugong tao ka pa kaya ang hirap pigilin na huwag kang kainin. Alam mo namang bampira ako ehh!” Nanggigigil na sabi niya na parang bata.Hahahaha cute.

“Ganun ba? Paano mo ba ako magiging asawa ha? Edi ba bawal kayo sa holy water?”

“Hindi na naman kailangan ng wedding ceremony. All I have to do is turn you into a vampire and feed you once you turned.” Pa-cool niyang sabi.

“Magiging vampire ako? Edi immortal narin  ako?” Yiiee ka-excite naman! Magiging immortal ako? Edi maabutan ko pa kung in case magkakaroon ng I-phone 6? Woohhoo!!

“Uhm.. Not yet.” Parang gumuho ang pag-papantasya ko sa sinabi niya. “But the two of us will if we do a traditional ritual.” Bumalik ulit ang mga pagpapantasya ko! Yiee! I-phone!

“Sige sige! Game na ako! Paano mo ba ako i-tuturn?” Excited na ako ehh

“Are you sure?”

“Sasabihin ko ba sayong game na kung di ako suma-sangayon?” He sighed and walked towards me.

“Okay. This will quite hurt so bear with it.” Bulong niya at ibinaba niya ang kanyang ulo sa may pagitan ng leeg ko at right shoulder. Maya-maya pa nakaramdam ako ng mga pangil na bumabaon sa leeg ko.

“ARAY!!!” Napahiyaw ako sa sakit at sinubukang pumiglas pero hinawakan ako ng mahigpit ni Joaquin para di ako makatakas. Nararamdaman kong parang sinisip sip niya ang dugo ko. Ilang sandali pa ay dumilim na ang aking paningin.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------

 

A/N: Last update for this day. Stay Tuned for the next Chapter. I Hope you enjoyed this chapter.

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon