Chapter 2: Escaped or Not?

7.7K 249 3
                                    

Chapter 2: Escaped or Not?

 

Anneka’s POV

 

Nandito ako ngayon sa ilalim ng kama at nagtatago. Pagabi na kaya sigurado akong dadating na siya. Kailangan kong mag-doble ingat ngayon lalo na’t wala ang mama ko dahil lumuwas siya pansamantala sa Maynila upang doon mag-tinda. Tahimik akong nag-mamatyag dito sa ilalim. Pinatay ko na rin ang ilaw para akalain niyang walang tao sa loob ng bahay.

*BOOGSH!!*

Dinig na dinig ko ang malakas na pagkakabukas sa pinto ng bahay namin. Biglang bumukas ang ilaw sa may sala.

“Lecheng bata yun! Nasan na naman kaya yun? T*ngina wala tuloy akong masaktan! Parang tulad lang siya nung lokaret niyang nanay! Bwiset sa buhay!” Rinig ko ang pag sigaw niya at sabay ang tunog ng isang boteng binato at nabasag. Nasa nag-iisang kwarto ako ng bahay naming. Medyo malapit ito sa sala kaya naman naririnig ko ang mga pinagsasabi niya.

 Bad trip talaga tong tatay ko! Magkakalat-kalat sa gabi tapos ako ang maglilinis! Mas siya pa nga ang bwiset sa bahay na ito eh! Oo tatay ko nga ang lalaking yan pero para sakin hindi siya naging tatay ni minsan sakin. Palagi niya lang kaming sinasaktan ni mama at gabi lang halos kung umuwi tapos inom pa ng inom ng alak kaya nga lumuwas muna si mama para makaipon at makalayas na kami sa puder ng basagulerong to eh!

“Alam ko na! Iimbitahin ko na lang sina pareng Lito dito at mag-iinuman kami! Hahaha! Buti na lang talaga wala ang batang yun dito!” Like hello! Nandito kaya ako! Bulag ka lang!

Narinig kong bumukas ulit ang pinto at sumara na naman ito ng pagkalakas-lakas. Nanatili lang ako sa pwesto ko at ayaw kong lumabas. Mga ilang sandali pa, bumukas na naman ang pinto at may narinig akong mga tawanan.

“Pasok kayo Pareng Lito at Pareng Archie! Tara mag-inuman tayo dito! Wala ngayon ang lokaret kong anak at yung nanay niya! Pakasasa tayo sa alak!” Kapal talaga ng tatay kong ito! Sarap bangasan eh! Kung marunong lang talaga ako ng martial arts, basag na mukha neto sakin!

Narinig ko silang nagtatagayan at nagkukwentuhan. Medyo inaantok na rin ako pero dapat di ako matulog hangga’t hindi umaalis ang tatay ko! Kailangan labanan ang antok! O.O – ganitong dilat dapat!

“Pareng Boy, iihi muna ako. San ba ang cr dito?” Yep. Boy ang pangalan ng tatay ko short daw for Boyet.

“Hanapin mo na lang Pareng Lito andyan lang yang cr! Hahaha!” Hayss lasing na naman!

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong pinagtataguan ko. Nakita ko yung kumpare ni tatay na nililibot ng tingin ang kwarto. Akala niya siguro cr.

“Di naman pala to cr.” Buti alam mo! Ngunit hindi pa rin siya umaalis at nakatayo lang siya dun habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto.

Akmang aalis n asana siya ng bigla akong mabahing dulot ng alikabok mula sa ilalim ng kama. Waahh! Sana di niya ako mahanap!

Napatigil siya saglit at lumapit ng bahagya sa may kama. Dumoble ang kaba ko ng bigla siyang umupo sa sahig katabi ang kama. Sobrang lakas na talaga ng tibok ng puso ko pero ng makita kong tumayo na siya medyo lumuwag ang pakiramdam ko.

“AAAHHHH!!!!!” Napasigaw ako ng biglang may humablot sa paa ko at hinila mula sa ilalim ng kama. Shocks nahuli niya ako!

“Pareng Boy! Eto pala ang anak mo oh! Nasa ilalim ng kama! Hahahaha! Ilang taon na ba to?” Tanong ni manong Lito sa tatay ko habang hawak ang kamay ko. Pero bakit niya tinanong ang edad ko?

“Ano ba?! Bitiwan niyo po ako!” Nagpumiglas ako sa hawak niya pero hinigpitan lang niya ito. Nakita kong nakatayo ang tatay ko sa may pinto.

“*Smirks*Nandito ka lang pala! Nga pala pre, dise-otso na yang babaitang yan!” Sabi ng magaling kong ama habang nagpupumiglas pa rin ako sa hawak ni Lito.

Inamoy naman ako ng manyak na Lito at sinabing, “Ang bango naman niya! Pwede patikim pre?” Anong patikim? Hoy tao ako hindi pagkain!

“Sige ba pero wala ng libre sa mundong ito noh! Kaya magbabayad ka sakin ng limang libo bukas!” Aba’t binebenta ako ng isang to? Loko siya!

“Mahal naman pare!” Kapal ng mga mukha niyo!

“Syempre eh virgin pa yan noh! Pumayag ka na!” At kelan pa ako naging Virgin ang pangalan ko? Malala na siya.

“Sige, Sige! Iwan mo na kami! Bukas na yung bayad!” At lumabas na nga ang Hudas kong ama. Tumingin sakin ang kumpare niya at sinabing,

“Hehehe, jackpot ako ngayon ah! Ngayon, dadalhin kita sa langit wag kang mag-alala!” Ano? Langit daw? Ayaw ko pang mamatay!

Sa sobrang inis ko, sinipa ko siya sa you-know-where niya tulad ng turo sakin ni mama noon. Papuntahin daw ba ako sa langit? Hello bata pa ako! Namilipit siya sa sakit ng ginawa ko. Dali-dali akong tumakbo palayo sa kanya at tumalon sa bintana. Mababa naman ang tinalon ko kaya walang galos. Tumakbo na agad ako patungo sa kagubatan.

Narinig ko ang sigawan nila at nakita kong nagsilabas sila ng bahay at hinabol ako. Mas lalo ko tuloy binilisan ang takbo ko. Di ko inalintana ang sakit ng paa ko dahil sa mga natatapakan kong mga bato at sanga. Hindi na kasi ako nakapag-tsinelas.

Dire-diretso lang ako sa pagtakbo sa kagubatan, ni hindi ko na rin alam kung nasaan na akong parte nito. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay makatakas mula sa humahabol sakin. Ilang minute pa ay narating ko ang isang parte ng gubat kung saan puro damo lang ang nandoon. Nang marating ko yun, dun ako nakaramdam ng sobrang pagod.

Naglakad ako ng kaunti pa at may nakita akong lalaking nakaupo sa may damuhan. Kasabay nun, naririnig ko na rin ang walanghiya kong tatay kasama ang kanyang mga kumpare sa di kalayuan. Mas pinili ko na lang lapitan ang lalaking nakaupo kesa pumunta sa tatay ko. Para san pa’t tumakas ako kung babalik din naman ako? Ano yun sayang effort? Natatawa na lang ako sa aking sarili, biruin mo nakapagtaray pa ako ngayong pagod na pagod na ako?

 Lumapit ako dun sa lalaki at akmang kakalabitin ko na siya nang bigla siyang humarap sakin. Nagulat ako ng kaunti pero nakabangon din naman ako. Tinitigan ko siya sa mata habang unti-unti na akong kinakain ng pagod at antok at sinabing,

“Tulong…” At bigla na lang dumilim ang buong paligid ko.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

A/N: Ang tanong, tulungan kaya siya ni Mr. Stranger? Alamin sa susunod na Chapter.

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon