Chapter 14: What she saw
A/N: Dedicated to @heartlesspretendera_ I told you, baka mag-dedic ako ng chaps dun sa mga nakuhanan ko ng names. Support up guys! :)
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Anneka's POV
Napabalikwas ako mula sa kama. Ramdam na ramdam ko ang matinding pag sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Sa pagkakaalala ko hindi naman ako uminom ng alak kagabi. Kaya bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Hawak hawak ko ang ulo ko at pinipilit kong hindi lumabas ang mga pagdaing ko. Ayaw kong mag-alala sina Joaqui. Baka madaan ko to sa gamot. Dahan-dahan akong bumangon sa kama para hindi magising si Joaqui.
Dumiretso ako sa may banyo na nasa may kwarto namin kahit parang umiikot ang paningin ko. Kinapa ko ang gilid ng salamin. Ang banyo nila kasi dito ay parang yung sa mga taga-ibang bansa. Yung may hidden cabinet sa likod ng salamin.
Binuksan ko ang kawit nun at tumambad sakin ang sari-saring gamot. Kinuha ko ang paracetamol at tsaka diretsong nilunok. Napakapit ako sa may sink para hindi ako tuluyang matumba. Bumigat ang bawat paghinga ko.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko at dumako ang mga mata ko sa salamin. Pulang-pula ang mga mata ko. Nagsimula na ring lumabas ang mga pangil ko kahit hindi ko naman nais ilabas ang mga iyon.
Natatakot ako sa mga nakikita kong pagbabago sakin pero mas nanaig ang isang pakiramdam sa loob-loob ko. Tila may hinahanap ang katawan ko na kailangan kong matugunan. Nauuhaw ako pero alam kong hindi para sa tubig.
Parang may sariling utak ang katawan ko. Ni hindi ko mapigilan ang gusto nito. Mabilis akong lumabas ng banyo at nagmasid sa paligid. Mas lumakas ang pandinig at pang-amoy ko kesa kapag nasa anyong tao ako.
Isang napakabangong amoy ang nahuli ng ilong ko. Sinundan ko iyon at sa isang iglap, nasa harap ako ng isang pinto. Alam ko tong pinto to! Naaalala ko pa ang mga sinabi sakin ni Joaqui tungkol doon.
Tinu-tour ako ni Joaqui sa bahay nila ng maagaw ang pansin ko ng isang bagay.
"Kaninong kwarto yun Joaqui?" Tinuro ko sa kanya ang isang kwarto na nasa pinakdulong bahagi ng second floor. Ang ganda ganda kasi nung pagkakagawa sa pinto kaya parang nakakaakit pumasok. Ano kayang laman nun?
Parang nakakita ng multo si Joaqui sa laki ng mata niya. Seryoso siyang tumingin sakin.
"Kahit na anong mangyari, wag na wag kang papasok sa pintong yan. Hindi mo magugustuhan ang mga makikita mo dyan. Binabalaan na kita Anneka. Wag kang makulit." Hinatak na niya ako papunta sa ibang parte ng bahay.
Umiling-iling ako. "Hindi. Hindi pwede. Bawal akong pumasok dyan. Magagalit si Joaqui." Pilit kong kinukumbinsi ang katawan ko pero nagsimulang gumalaw ang kamay ko papunta sa door knob at pinihit ito pabukas. Pikit mata akong pumasok kahit labag iyon sa aking kalooban.
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
VampireMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...
