Chapter 10: Who’s that girl?!
A/N: Since Christmas ngayon, ud muna hehehe… Please continue to support this story kahit puro kaengotan ang mga pinagsusulat ko.. ~_~ So vote and comment pa more guys! TY!
Another thing, dedicated sayo tong chap na to, @alexagoodgurl, kasi mabait po kayo sakin. Hihihi… Yun lang! Lab yah guys!
Anneka’s POV
Nasa loob na kaming lahat ng bahay ng pamilya ni Joaqui. Sakto nga kasi nakahanda na yung mga pagkain! Kanina pa kasi ako nagugutom eh!
Nag-usap usap kaming lahat. Marami akong nalaman mula sa kanila tulad ng hindi pala talaga victim ng teenage pregnancy ang mama ni Joaqui. Mukha siyang bata kasi hindi nga pala tumatanda ang mga vampire kapag nasagawa na daw yung ritwal.
Nalaman ko din ang mga trabaho nina ate at kuya. Si Ate Veronica, isang business woman. Mayroon nang 20 branches ang kanyang restaurant na pinapatakbo sa buong Pilipinas. Si Kuya Vlad naman, isang doctor sa isang sikat na hospital.
Si Ate Nathalie, isang fashion designer na kilala sa ibang bansa. Magaganda ang kanyang mga gawa kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya hinahangaan ng mga tao. At si Kuya Dylan naman ay isang engineer. Magaling din siya kaya mataas ang demand sa kanya.
Grabe talaga tong mga kapamilya ni Joaqui! Ang gagaling! Natigil lang ang lahat ng biglang magtanong ang mama niya.
“Nga pala, Anneka, pano nga pala kayo nagkakilala nitong si Joaquin? Sa pagkakaalam ko eh hindi naman to palabas ng bahay eh.”
“Oo nga! Kaya nga pinaghinalaan naming bading to kasi parang babae! Ayaw lumabas man lang! Samantalang kaming mga naturingang mga babae eh gala ng gala!” Segunda naman ni Ate Veronica.
“Maliban pa dun, mas tumindi ang paghihinala naming nung tumakas siya sa ka---“ Hindi natuloy ni ate Nathalie ang sasabihin niya ng biglang tinakban ni Kuya Dylan ang bibig niya.
Lumapit ang kanyang mukha sa tenga ni ate at may binulong.
“I think dapat si Joaquin na ang magsabi ng mga bagay na yan.” Kahit mahina lang ito, narinig ko pa rin.
“Ano pong mga bagay, Kuya Dylan? Tulad ng alin?” Yumuko lang siya at biglang natahimik ang lahat.
Ano kaya ang mga bagay nay un? Di kaya… *Gasps!* Hala! Baka yun nga!
Lumapit ako kay Joaqui ng konti at sinuri ang mukha niya at pati mga kamay.
“Uhh, what are you doing?”
“Di ba obvious? Chinecheck kita.”
“And why are you checking me?” Tumingin ako kay Kuya Vlad.
“”Kuya Vlad, *lumingon siya sakin* di bap o doctor kayo?”
“Yes, why?”
“Ano po bang symptoms ng AIDS?”
“What?! Are you thinking that I have aids?!”
“Ay, wala ba? *harap ulit kay Kuya Vlad* Eh yung ano ba yun? Bird flu po?”
“*Mapapatingin ulit kay Joaqui* I have no bird flu!” Ay wala daw? Uminom siya ng tubig para pakalmahin ata ang sarili.
“*Tingin ulit kay Kuya Vlad* Eh pano po nalalaman kung baog ang isang lalaki?” Nabuga niya yung tubig na iniinom niya. Nabilaukan ata.
“*Hagod sa likod* Oh anyare sayo? Nagtatanong lang naman ako kay Kuya Vlad ah. Hindi bay un ang tinutukoy na bagay nina kuya Dylan?”
“Hahahahaha!” Napatingin ako sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
VampirosMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...
