Chapter 1: The Story
Anneka's POV
"Noong panahon, may isang batang nagngangalang Samantha. Mabait at magandang na bata si Samantha kaya naman ang mga magulang niya ay palaging nasasabihang maswerte ng kanilang mga kapitbahay. Pero nagbago ang lahat isang araw..."
3rd Person's POV
Isang hapon, naglalakad ang batang si Samantha sa kagubatan kasama ang kanyang mga kaibigan. Pagkarating nila sa bahagyang malayong parte ng kagubatan, napag-isipan ng isa sa kanila na maglaro ng taguan sa dilim.
"Tara magtaguan sa dilim tayo!" Magiliw na sabi ng isa sa mga kaibigan niyang si Jose. "Tutal mag-gagabi na rin naman at saktong-sakto ang kagubatan para hindi tayo madaling mahanap ng taya!"
"Wag na kaya, Jose. Baka tayo'y mapagalitan ng mga magulang natin pag hindi tayo nakauwi ng maaga." Kiming sabi ni Samantha na bahagyang sinang-ayunan ng mga kasamahan nila.
"Oo nga, tama si Sam. Baka pa maligaw tayo ngayong magdidilim na." Sabi ng isa sa kanila.
"Mga mahihina pala kayo ehh! Mga takot sa dilim! Mga weak! Kaya ang boring ng buhay niyo ehh." Sabi ni Jose. "Pero may ikukwento ako sa inyo... Alam niyo ba na pag nagtaguan kayo sa dilim sa may kagubatan, makakakita daw tayo ng bampira! Ang sabi-sabi, pag nakita daw nila ang mga batang limang taong gulang pataas, kukunin daw nila tayo at gagawing mandirigma ng kanilang palasyo!"
Mukhang namangha naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niya. Alam ni Jose na gustong-gusto ng mga kaibigan niyang makakita ng bampira at maging makapangyarihan gaya nila.
"Talaga?! E di ibig sabihin nun magiging mga tulad na tayo sa kanila?? Magiging mga super hero din tayo?!" Masiglang tanong ng pinaka bata sa kanila.
"Oo kaya tara! Magtaguan na tayo!" Panghihikayat muli ni Jose.
"Sige!!!" Sabi nilang lahat maliban lang kay Samantha na malungkot ang mukha na tila nag-dadalawang isip.
"O, Sam sali ka na! Wala namang masama kung susubukan natin diba? Tsaka di mo naman kailangang mangamba kasi hindi ka naman mapapagalitan ng mga magulang mo noh! Sa bait mong yan, di ka nila matitiis. At talagang may oras na dapat kang gumawa ng masama para ma-enjoy mo ang buhay!" Sabing muli ni Jose. Ngumiti si Samantha sapagkat kumbinsido na siya sa sinabi ng batang lalaki at sinabing, "Sige! Sali na ako!"
Naging taya si Samantha kaya naman ang kanyang mga kaibigan ay nag-sipagtago na. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, may masamang balak ang mga ito. Ang totoo nyan ay talagang siya ang ginawa nilang taya at dinala sa kagubatan para maligaw siya o di kaya'y makain ng mga hayop doon. Hindi naman sila masisisi dahil napagutusan lang sila ng kanilang mga magulang. Naiingit kasi ang mga magulang nila sa mga magulang ni Samantha na nabiyayaan ng isang anak na tulad niya.
Matapos magbilang ni Samantha ng sampu, hinanap niya ang mga kaibigan. Ngunit mag-iisang oras na e ni anino ng mga kaibigan ay hindi niya mahagilap.
'Ang gagaling naman nilang magtago! Hirap na hirap akong hanapin sila!' Sabi niya sa kanyang sarili. Naglakad lang siya ng naglakad. Di niya namalayan na nasa gitna na siya ng kagubatan. Pagod na pagod na siya kaya naman umupo na muna siya sa damuhan.
"Suko na ako, Jose! Labas na kayo! Nakakapagod maghanap eh!" Sigaw niya sa mga kaibigang kanina pa nilisan ang kagubatan.
"Jose? Grace? Guys nasaan na kayo??!!" Natatarantang sabi niya habang nakatayo sa may damuhan. Lumalalim na ang gabi at siyang mag-isa lang ang nandoon. Umiiyak na siya sa sobrang takot sa dilim at kung anu-ano pang mga tunog na kanyang naririnig.
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
VampireMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...