Chapter 5: Just Being Sweet
Anneka’s POV
Hmmm... Walang kupas talaga tong kama namin ni mama! Ang lambot-lambot pa rin kahit 3 years na tong nasa amin! Isama mo pa tong malaking teddy bear na binigay sakin ni tito nung nakaraang pasko. Hay perfect combination!
Mas lalo ko pang nilapit sa katawan ko si teddy at siniksik ko ang ulo ko sa malambot niyang katawan. Ang bango-bango pa niya. *Sniff Sniff* Bango talaga!
Pero teka lang... *Tusok Tusok sa may katawan ni teddy* Bakit parang di na siya kasing lambot ng dati? Yung tipong halos lumubog na yung ulo ko sa lambot? Ngayon hindi na ehh. Tapos *Sniff Sniff* kelan pa gumamit si teddy ng men’s perfume? Eh pambabae ang inii-spray ko sa kanya.
“Ano tapos ka na bang pag-tripan ang katawan ko?” Nagulat ako ng may magsalita. Dinilat ko agad ang aking mga mata kahit malabo pa ang aking paningin dahil sa dami ng muta ko. Hihihi. *Kusot Kusot ng mata, Tanggal ng mga muta.*
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. “Waaahhh! Teddy kelan ka pa naging lalaki? Di ba babae ka? Bakit nagpakatomboy ka? Huhuhu.”
Patuloy ako sa aking pagluluksa ng biglang pinitik ni Teddy ang noo ko. “I’m not your Teddy. I’m your husband stupid.” Ha? Husband daw? Eh Isa lang naman asawa ko ehh. Si...
“Waaahhh! Joaquin! Ikaw pala yan! Kala ko talaga ikaw si Teddy! Hehehe. Peace!” Sabi ko sabay peace-sign. ^_^V
“Tss. Who the hell’s Teddy?” Sabi niya nang naka-kunot ang noo. Ha? Ay, oo nga pala di niya pa kilala yun!
“Ahh, hehehe. Yun yung stuff toy ko sa bahay. Hayaan mo! Ipapakilala kita dun minsan.”
“You’re insane.” Waaahhh! Insane daw ako.
“Hindi naman ehh. *pouts*”
“Tss. Whatever.” Tumayo na siya sa kama.
“Saan ka pupunta?”
“Get ready. We’re going to your house.” Sa bahay ko?
“Bakit? Makikikain ka ba samin?”
*glare*
“Sabi ko nga ipagluluto kita mamaya sa bahay.”
“No, we’re not gonna eat there. We’re gonna visit your ‘rents.”
“Ha? Bibisitahin mo yung mga nangungupahan samin? Wala naman kaming paupahan ha! Dadayo ka pa sa kapit bahay?” Napasapo siya sa kanyang noo.
“Not that kind of ‘rents! I meant your parents!’
“Ahh... Di mo kasi agad sinabi ehh! Kala ko naman sisilipin mo dun yung mga chikababes ehh.”
“Chikababes? You mean other girls?” Tumango naman ako. Tapos narinig kong tumawa siya ng mahina. “That will never happen.” Saka biglang sumibat na sa kwarto.
“That will never happen? Utot mo!” Asa naman siyang maniniwala ako sa sinabi niya.
“Gwapo!”
“Ha? Kelan pa naging gwapo ang utot?”
“Ewan ko sayo! Maligo ka na! Aalis pa tayo!” Ay, oo nga pala! Pupuntahan namin si mama! Hihihi! Excited na ako!
------------------------------------------------//
After kong maligo...
“Hala! Wala pala akong damit dito! Anong susuotin ko?” Sabi ko habang nakatapis gamit ang twulya na pinahiram ni Joaquin kanina. Hindi rin tuloy ako makalabas ng banyo. Hmmm... Aha! Alam ko na!
“JOAQUIN!!!!!” Sigaw ko. Narinig ko namang dali-dali siyang umakyat sa kwarto. May cr din kasi dito maliban dun sa baba. Dun naligo si Joaquin kanina.
*Boogsh!!* Bigla-biglang bumukas/ nasira ang pinto ng cr. O_O
“Bakit?! Anong nangya...ri?” Natulala rin siya. Ha? *Tingin kay Joaquin, tingin sa katawan kong nakatapis tas yung twulya hindi pa lumalampas sa tuhod, Tingin ulit kay Joaquin, Tingin ulit sa katawan ko* OMO!
“WAAAAHH!!!! LUMABAS KA!! LABAS! BASTOS!!!!” Sigaw ko sabay bato sa kanya ng bote ng conditioner. Boom sapul sa ulo! Hahaha! Bull’s eye!
“Aray! Problema---“
“LABAS!!!” Dali-dali naman siyang Lumabas ng banyo at sinara ang pinto kahit sira na.
*Katahimikan...*
“Ba-bakit ka ba kasi sumisigaw? Kala ko naman kung anong nangyari.” Siya ang unang nagsalita.
“Wala kasi akong susuotin! Di naman ako nakapagdala ehh!”
“Edi suotin mo damit ko.”
“Ehh Ayaw ko!”
“Edi Lumabas ka nang naka-hubo.”
“Sige na kasi Joaquin... Hanapan mo na lang ako o bilhan! Sige na *Insert sweet tone* please?”
“Aish! Oo na. Hintayin mo ako dito.”
“Yiiee! Thank you, Joaqui!!”
“What did you just call me?”
“Ahh, Joaqui! Para mas cute! Ala Got to Believe lang! Bakit ayaw mo ba?”
“No, I like it. I’ll be going.”
“Okay! Bye! Ingats!”
----------------------------------------------------------//
Ilang sandali lang...
*Tok Tok*
“Here’s your clothes!” Automatic ko namang nilabas ang kamay ko mula sa banyo at kinuha yung mga damit. Yiie! Kumpleto! May panty, bra at isang summer dress na hanggang tuhod! Sinuot ko na yung mga damit. Wow saktong-sakto! Pati panty at bra! Lumabas na ako ng banyo at pinuntahan si Joaqui.
“Ang galing! Ang bilis mong nakabalik! Teka nga... *Tingin kay Joaqui* Pano mo nga pala nalaman size ng panty at bra ko?” Nag-iwas naman siya ng tingin pero bigla namang nag-smirk.
“Well, I’m a good guesser.” Sabay ngiti ng pagkalaki-laki. Problema niya?
“Ewan ko sayo! Tara na nga!” Yaya ko sa kanya sabay labas mula sa bahay. Tumango naman siya, nilock ang pinto ng bahay at sumunod sakin. Nang makahabol siya sakin, pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking bewang. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
“Huy! Anong nasinghot mo at kung anu-ano na lang ang ginagawa mo?” Lumapit siya sa may tenga ko at bumulong...
“*Chuckles* Wala akong nasinghot na kung ano, ikaw lang naman ang naamoy ko kanina pa no.”
“Bakit? Mabaho ba ako?” Akmang aamoyin ko sana ang kili-kili ko ng biglang hinalikan niya ako sa pisngi. O_O
“No. You perfectly smell good.” Bulong niya. Waaahh! Naka-drugs nga si Joaqui!!
“I told you, I’m not drugged. I’m just being sweet to my wife.” Tapos hinalikan ulit ako sa pisngi.
“Nakakadalawa ka na ah!”
“Yeah, right. Next stop would be your lips. *Taas-baba ng kilay*”
“Asa! Bago mangyari yun, habulin mo muna ako! Blehh!! :P” Tinaggal ko ang kamay niya sa bewang ko at nagsimulang tumakbo ng mabilis. Oo mabilis pa sa mabilis ngayong bampira na ako ay kalahati lang pala. Pero, pwede na akong makipag-karera sa mga sports car.
Humabol na rin si Joaqui sakin at sinabing, “Mahuhuli din kita! At pag nangyari yun, sa lips na ang next stop ko!!”
“Asa ka namang mahahabol mo ako.” Binilisan ko pa ang takbo at ganun din ang ginawa niya. Naghabulan lang kami ng naghabulan hanggang marating namin ang lugar kung saan kami unang nagkita...
-----------------------------------------------------//
A/N: Ang sabaw ata ng ud ko...
Note: Joaqui is pronounced as wacky parang nung kina chichay noon.
Kung gusto niyo po ng dedication, comment lang po sa baba at ako nang bahala sa dedic... ty!
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
VampirMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...
