Chapter 15: Teacher?
A/N: Dedicated to @princessofkilig. Tada! Short ng note ko noh? Hahaha!
-----------------------------------------------------------------
Anneka's POV
"Joaqui!!! Bilisan mo na! Malelate na tayo!!" Ano ba naman kasi tong si Joaqui! Parang babae kung maligo! Ang tagal tagal! Malelate na tuloy kami papuntang school.
Bigla tuloy ako lalong na-excite. Wheee! Ngayon kasi ang first day na pupunta kami sa school este university pala. College na nga pala ako. Hihihi. Ang saya lang.
Feel ko tumatanda na si Joaqui kasi kanina pag gising ko tinanong niya ako kung ano bang ginawa namin kahapon eh kasama ko naman siya nun. Diba dapat alam niya? Bakit tinatanong pa niya? Ipa-check up ko na kaya siya? Sabihin ko nga kay mama mamaya.
Nakita ko namang bumababa na si Joaquin habang inaayos niya ang long sleeved uniform niya. "Teka lang! Bakit ka ba nagmamadali?! Ang aga-aga pa oh! 8 am pa pasok natin."
"Ha? Bakit? Anong oras na ba?"
"7:30 am pa lang po."
"Ha?! 7:30?! Naku malelate na nga tayo! Ang bagal bagal mo kasi eh! Tara na! Sa school mo na lang ayusin yan!"
"Huh? Wai--" Hinila ko na siya palabas ng bahay at akmang tatakbo na kami sana papuntang school pero may nakalimutan ako. Mabilisan ko lang na binuksan ang pinto ng bahay.
"Bye po sa inyong lahat! Mauuna na po kami!" Paalam ko sa mama at mga kapatid ni Joaqui. Tsaka ko siya binalikan at nagsimula na kaming tahakin ang daan patungong eskwela.
Joaquin's POV
I was eyeing Anneka for quite some time now. She seems so happy and excited for school today. It looks like nakalimutan na niya ang mga nangyari kahapon. Pero bakit? Bakit naman niya kaagad nakalimutan yun?
Simula nung hinimatay siya kahapon, buong araw siyang tulog. Kahit anong gawin kon pang-gigising sa kanya, balewala lahat. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pero nung kinaumagahan, ganyan na siya. Balik sa dating pagiging makulit at inosente niya sa mga bagay bagay.
Sinubukan ko na rin siyang tanungin kung may naaalala ba siya sa mga nangyari kahapon. Tumawa lang siya sakin at sinabing ulyanin na daw ba ako. Sabi niya, lumabas daw kami at nag-mall buong araw. Nanood pa nga daw kami ng sine.
Taliwas na taliwas sa mga talagang nangyari kahapon. Nalaman na rin nina mama ang nangyaring pagpasok niya sa kwarto. Galit na galit sila nung una pero huli na para dun. Nakapasok na siya at nakita na niya ang nasa loob ng kwarto. Ang kailangan na lang gawin ay iwasan ang maulit ang ganung pangyayari para hindi na siya mapahamak sa hinaharap.
Alam kong miski sila ay nagtataka rin sa mga kinikilos ni Anneka. Hindi namin alam kung totoo nga bang wala siyang maalala o nagpapanggap lang siya. Sinubukan ko ring basahin ang mga iniisip niya pero sa hindi malamang dahilan ay nahihirapan na akong basahin ito hindi tulad noon.
Dapat kong malaman kung ano bang nangyari talaga kay Anneka noong nasa loob siya ng kwartong iyon.
Anneka's POV
Nakarating kami sa school ng 7:55 am. "Tss. Sabi ko sayo maaga pa eh."
"Anong maaga sa 5 minutes almost time na? Gini-gg mo ba ako, Joaqui?"
"Anong gini-gg? Ikaw kung ano-ano na ang natututunan mong salita ah."
"Ano ba yan? GG lang di mo alam? Sabi ko kanina, ginagago mo ba ako Joaqui?" Biglang naglanding ang kamay niya sa bibig ko pero hindi naman yung pasampal na way ah. Lumapit siya sa may tenga ko. Nakikiliti na naman ako sa hininga niya. Hihihi.
"Ulitin mo pa yung sinabi mo at lagot ka sakin." Bulong niya pero hindi ako naka-concentrate masyado dahil nakikiliti talaga ako. Unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
"Hehehehe, yung alin ang hi-hindi uulitin? Yung tanong ko kung ginagago mo ba ako?" Hindi ko kasi talaga alam eh.
"Ooops, you've said it again, A.M. Now deal with its consequence." Consequence? Anong consequence? La! Di ko nga alam na yun pala yung ibig niyang sabihin eh! Duga duga!
Lumapat ang isa pang kamay niya sa batok ko. Agad namang nag-react ang katawan ko at inipit ng leeg ko ang kamay niya. Nakita kong napangisi siya. (A/N: Basta yung reaction pag kinikiliti ka sa leeg Hahaha)
"Sensitive and tickilish aren't we? *Chuckles*" Ano bang nahithit nito at ganito ang trip niya? Waaahhh! Nakikiliti talaga ako!
"Tig-tigilan mo nga yan, Joaqui! Nakikiliti talaga ako!"
"Pano kung ayaw ko?"
"E- e di isusumbong kita kay Mama mo!"
"As if you can." Bumaba ang ulo niya sa may leeg ko. OMO Kakagatin niya ba ako ulit? Ano siya? Gutom? Kumain naman kami ng agahan kanina ah!
"Oy oy oy! Joaqui baka may makakita sayo! Lagot tayo parehas nito eh!"
"Wala yan." Nararamdaman ko na ang mga pangil niya sa ibabaw ng leeg ko. Pinikit ko na lang ang mata ko. Bahala siya dyan! Hmp! Siya may gusto niyan! Pag nahuli kami siya magpapaliwanag.
Konti na lang at kakagatin na niya ako ng biglang tumunog yung bell. Yes! Lumayo na siya sa leeg ko pero nakasmirk pa rin siya.
"Saved by the bell huh? *Tapik* Race ya!" At ayun, mabilis siyang tumakbo palayo sakin. Yes! Ligtas! Woohoo! Teka lang... Di ba time na?
"Hala!!!! Late na ako!!!" Tumakbo na rin ako at nagmamadaling hinanap ang classroom ko.
--/--
Di nagtagal, nahanap ko na din yung classroom ko. At gamit ang aking ninja moves, pasimple ako sumilip kung may teacher na. Ayos! Wala!! Hihihihi...
Binuksan ko ang pinto at pumasok. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin. Hehehe late eh. Buti na lang talaga walang teacher. Waaahhh! Ang gaganda at popogi ng mga class mate ko.
Kumaway ako sa kanila. Natulala ata sa kagandahan ko. Hihihi.. "Hi po. Bago po ako dito! Nice meeting you all." Nakita kong may tumayo mula dun sa likod. Umiiling iling ang ulo niya. Problema nun? May stiff neck kaya siya?
"At last! Dumating na din ang dakilang late." Teka. Kilala ko kung kaninong boses yun ah! Naningkit ang mga mata ko para mas matitigan ko pa siya. Kaso ang layo niya talaga. Ang hirap maaninag ng face niya. Pero sure ako nakasalamin siya.
"Alam kong gwapo ako, Ms. Late pero wag mo namang pakatitigan ako. Sige baka matunaw ako." Humagikgik ang ilan sa mga kaklase ko at yung iba namang mga babae parang kinikilig. Ang kapal naman nitong lalaking to. Nagbuhat na nga ng sariling bangko, iba pa ang suot na uniform. Ang yabang naman nya!
"Ay, sorry po. Pero wag po kayong assuming kung sino man po kayo. Di naman po kayo masyadong kagwapuhan eh! Mas pogi pa nga ang asawa ko sayo eh."Hininaan ko yung huli kong sinabi pero nakalimutan kong mga bampira din tong mga kaklase ko kaya narinig nila! Nagtatawanan tuloy sila.
"Bakit, Ms. Late? Sino ba ang asawa mo?" Dahan dahan siyang pumunta sa harap. Unti-unti ko na rin siyang nakikita.
"Si--" Naputol ako ng makita ko na ang buong mukha niya. Ang teacher na mayabang ay walang iba kung hindi si...
"Joaqui?!"
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
A/N: Hahaha... Gulat kayo noh? Ako din eh! Ewan ko ba! Hehehe... Ayan, updated na guys! Salamat nga pala sa pag-aabang sa matagal na uds ko! And thank you kasi kumakapit ang MVH sa number 32 sa vampire section, teka 32 ba yun? Ah basta! Thanks talaga guys!!!
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
VampireMga Bampira, totoo kaya sila? Sasabihin mong hindi, diba? Pero paano kung isa sa kanila ang maging asawa mo? Maniwala ka na kaya? O iisipin mong baliw ka? Paano na lang kaya kung ikaw ang nasa katauhan ko? Tignan na lang natin ang magiging reaksyon...
