Order a copy of Enslaved By Her Innocence at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon. Next update will be on December again.
100 pesos for completed chapters still available. :)
—Chapter 49
Sa pagpasok niya, kaagad nagtama ang mga mata namin. Huminto siya sa paglalalakad habang naiwang nakapako ang tingin niya sa akin.
I saw his lips slightly parted upon seeing me. His eyes even darkened as we had a staring match contest.
Ramdam ko ang nagwawalang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siya. Tila ba kaming dalawa lang ang taong narito at sa paglipas ng bawat segundo na naglalapat ang mga mata namin sa isa't isa, may dumadaloy na kuryente.
Sa pagkakabigla na muli siyang nakita matapos ang dalawang taon, hindi nakaligtas sa akin ang galit na unti-unting yumayakap sa puso ko at ipinapapaalala kung paano niya ako niloko at pinaglaruan noon.
Tumingin ako sa gawi ni Perseus. His smoldering pitch black eyes were drilling on Dice's direction.
"You're too obvious, Perseus. Act like you two don't notice his presence."
Tiningnan ko si Kuya Ares nang sabihin iyon. Inilagay niya sa pagitan ng mga labi ang baso na dala at sumimsim ng alak habang nakatingin sa mga paparating.
He always has that aura that looks very serious and unbothered but then no one will even think that there's something wicked going on inside his head.
Like someone who will smile at your jokes about him but deep inside, he's already stabbing you with a knife.
Binalingan ako ni Perseus. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay para bang ipinararating niya na wala siyang ideya na darating si Dice dito.
Pero bakit at paano nga ba siya napunta dito sa Santa Fe? Sa pagkakaalala ko, magkadikit si Heislee at Skyler. Maaaring inaya ni Heislee si Skyler na magtungo dito at niyaya naman ni Skyler si Dice?
"Happy birthday, Ares!"
Bahagya akong umatras nang tuluyan nang makalapit si Heislee kay Ares. Humalik siya sa pisngi into.
Hindi nakaligtas sa akin ang mariing pagtitig sa akin ni Skyler habang papalapit rin. Kagaya noong una ko siyang makilala, masiyado pa rin malalim at mapag-obserba ang dilim sa mga mata niya. Para bang nangmamata kahit pa alam ko naman na ganoon lang talaga siya kung tumingin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at umastang hindi ko siya kilala. I did the same thing with Dice. Hindi ko na ulit pa hinayaang dumaplis ang mga mata ko sa kaniya na para bang wala ako ni kaunting ideya kung sino siya.
"I have Skyler and Dice with me. Sakto kasi na bumisita si Skyler with him sa farm nila tapos birthday mo rin." pahabol pa ni Heislee.
Ramdam ko ang mabibigat na titig mula sa gilid ko kahit pa lagpasan ang tingin ko sa kawalan.
Saka lang ako nagbaba ng tingin sa kamay ko nang may humawak doon at makita ang tatoo-an na kamay ni Perseus. He even entwined our fingers with each other and I already understood what he meant by that.
"Let's grab some food..." he whispered in my ear.
Pasimple akong Iumunok at huminga nang malalim. Tiningnan ko siya sa mga mata at kahit ayaw kong paniwalaan, naaaninag ko ang pag-aalala roon.
Ngumiti ako.
"Oo, sige. Nagugutom na rin ako-"
"Wait. Is that you, Madisson?"