Chapter 01

948 18 1
                                    

Parang narinig ko siyang nagsabi ng cute, sino naman kaya sinabihan nun?

Hindi ko na inisip yon at isinawalang bahala nalang.

Umalis na din ako agad pagkatapos magbayad kay Aling Rona. Malapit nang magdilim ng makaalis ako kila Aling Rona.

Dumeretso ako sa bayan para bumili ng mga stocks sa bahay. Paubos na kasi mga pagkain at sabon sa bahay, kailangan na talagang mamili.

Medyo natagalan ako sa grocery store dahil ang hahaba ng pila sa counter.

Gabi na pagkalabas ko ng grocery store, nasa dalawang braso ko ang mga pinamili ko na nasa supot.

Nakatayo ako sa gilid ng kalsada, naghihintay ng trycicle na masasakyan.

Ilang minuto pa akong nakatayo doon pero walang dumaan na trycicle.

Napatingin ako sa itim na van na pumarada sa tapat ko.

Aalis na sana ako doon dahil natatakpan ako nito at hindi ko makita ang kalsada.

Napatigil ako ng bumukas ang sliding door nito, lumabas ang mga lalakeng malalaki ang katawan at mga naka itim na damit.

Iba pakiramdam ko dito.

Handa na sana akong umalis doon pero napatigil ako ng may humawak sa braso ko.

Tinignan ko kung sino ang gumawa nun, tumambad sakin ang dalawang lalakeng malaki ang katawan na nasa van kanina.

"Bitawan niyo ko!" Sabi ko at pilit binabawi ang braso ko.

"Sumama kayo samin." Baritonong sabi ng isang lalakeng may tattoo sa buong braso.

"Bakit ako sasama sa inyo? Hindi ko nga kayo kilala." Inis kong sabi at pilit binabawi sa pagkakahawak niya ang braso ko.

"Ano ba! Bitaw sabi! Sisigaw ako!" Pananakot ko.

Nalaglag na yung mga pinamili ko dahil sa pakikipag tag and war nitong lalakeng 'to.

Nainis na ko kaya buong lakas kong sinipa ang nasa pagitan ng mga hita niya.

Napasigaw siya sa sakit at ininda ito kaya nabitawan niya ang braso ko, kinuha ko ang pagkakataon na yon para tumakbo.

Takbo lang ako nang takbo at hinahabol naman ako nung isang lalakeng kasama nung sinipa ko.

Lumingon ako habang patuloy pa rin sa pagtakbo, hindi ko na alam kung nasan na ako.

"Aray," napahinto ako sa pagtakbo nang mauntog sa isang matigas na bagay.

Inangat ko ang tingin at seryosong mukha ng gwapong lalaki ang bumungad sakin.

Sa dibdib ng lalaking 'to ako nauntog at hindi sa isang pader.

Wait..

"Ikaw..yung lalakeng kausap ni Aling Rona 'di ba?" Gulat kong tanong.

Hindi siya sumagot.

"Ikaw nga. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"To get you," seryosong sagot niya na pinagtaka ko.

Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang boses ng mga lalakeng humahabol sakin.

"Kailangan ko nang umalis," nagmamadali kong sabi at aalis na sana kaso hinawakan niya ang braso ko.

"May sasabi-" napatigil ako sa pagtatanong nang may maramdamang bagay na dumikit sa likod ko kasabay nito ang panginginig ng katawan ko dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Nanghina ang katawan ko at babagsak na sa sahig pero may brasong sumalo sakin.

Nabigat din ang talukap ng mga mata ko, lumalabo na ang imahe ng lalakeng 'to sa paningin ko.

Narinig ko siyang nagsalita bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Sleep for now."

At tuluyang nagdilim ang lahat.



Maikli lang ang update ngayon, bawi ako sa susunod.

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now