Nasa loob na ako ng sasakyan pero mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko.
Siya ang nagdidrive habang ako ay tahimik na nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa sinabi ni Elias na nagpatibok ng malakas sa puso ko.
Ano ka ba, Aria? Sinabihan ka lang ng maganda kilig na kilig ka na?!
Pinagsabihan ko ang sarili ko sa isip ko. Kulang nalang ay iumpog ko ang ulo ko rito sa salamin ng sasakyan para matauhan ako.
Huminga ako ng malalim, kalma ka lang self. Kalma.
Ilang minuto lang ay kumalma na rin ang puso ko, tahimik lang ako at hindi tinitignan si Elias.
Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan ni Elias, tahimik lang din siyang nagmamaneho.
Kulang nalang ay makarinig ako ng kuliglig sa sobrang tahimik.
Sinulyapan ko siya, diretso lang ang tingin niya sa daan. Bumaba ang tingin ko sa kanan niyang kamay na nakahawak sa manibela.
Napatitig ako sa braso niyang maugat, napalunok ako at umiwas ng tingin pero kusang bumalik ulit ang tingin ko sa kaniya.
Nakapatong ang kaliwa niyang siko sa may salamin ng pintuan, at pinaglalaruan naman ng kaliwang kamay niya ang labi niya.
Hindi ko namalayang napatagal pala ang tingin ko sa kaniya. Mabilis akong umiwas ng tingin nang tumingin siya sakin.
"Are you already hungry?" Basag niya sa katahimikan.
"H-hindi, busog pa ako." Sagot ko kahit ang totoo ay medyo nagugutom na nga ako.
Napasinghap ako nang lumikha ng tunog ang tiyan ko.
Uminit ang pisngi ko nang marinig siyang tumawa. Napatingin ako kay Elias na bahagyang natawa, may ngiti sa labi.
Parang musika sa pandinig ko ang tawa niya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa at ngumiti.
Sobrang gwapo niya kapag nakangiti.
"Don't worry, we're almost there." Aniya sa isang nang-aasar na tono.
Lalo tuloy akong nahiya dahil sa pang-aasar niya.
Naging tahimik ulit kami hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga magulang niya.
"We're here," aniya nang tumigil na ang sasakyan.
Mula sa loob ng sasakyan ay tinignan ko ang malaking mansion.
Napanganga ako sa laki noon, mas malaki pa ito sa mansion ni Elias. Parang triple ng mansion ni Elias ang laki nito. Parang palasyo na yata ito.
"Here," napatingin ako kay Elias nang magsalita siya.
May inilahad siya saking maliit na parisukat na kahon na kulay red. Kahit nagtataka ay tinanggap ko iyon.
"Ano 'to?" Tanong ko.
"Open it," sagot niya.
Binuksan ko iyon gaya ng sabi niya at bumungad sakin ang isang diamond ring.
Napa-awang ang labi ko nang makita iyon, ito yung nakikita ko sa mga magazine, mahal 'to.
"Wear it, i want to see you wearing it all the time, don't take it off." Aniya.
Kinuha niya sa akin iyon at siya ang naglagay sa daliri ko, saktong-sakto sakin iyon.
"Mahal 'to, 'di ba? Magkano bili mo rito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko.
"Don't mind the price, it doesn't matter." Sagot niya.
Hindi na ako nagsalita. Bakit niya ako bibilhan ng mamahaling singsing? Eh, sa papel lang naman kami mag-asawa kaya kahit yung mura lang na singsing pwede na, tutal sa papel lang naman kami mag-asawa.
Dahil sa iniisip ay hindi ko na namalayang nakababa na pala si Elias.
Siya ang nagbukas ng pintuan sa gilid ko at inantay akong makababa.
Dali-dali naman akong bumaba, sa sobrang pagmamadali ko ay nauntog ako sa sasakyan.
Mabuti nalang at nakalagay doon ang kamay ni Elias kaya sa kamay niya ako nauntog.
"Be careful," sambit niya.
"T-thank you," saad ko nang makalabas na sa sasakyan.
Sinarado niya naman agad ang pintuan ng sasakyan niya at nilock iyon.
Lumapit siya sakin at humawak sa waist ko.
"Let's go," aniya.
Hindi ko nalang pinansin ang kamay niyang nasa bewang ko kahit na may naramdaman akong mga paru-paro sa tiyan ko.
Naglakad na kami papasok sa napakalaki nilang bahay. Kasya yata rito sa bahay nila buong angkan ko.
Namangha agad ako pagkapasok pa lang namin sa loob ng malaki nilang mansion.
Lahat ng mga furniture rito ay halatang mamahalin at napaka elegante.
Black ang theme ng mansion nila, parang yung mga bahay ng mga mafia na napapanood ko sa telebisyon.
What if mafia sila Elias?
Halos mapatawa ako sa naisip, syempre hindi totoo 'yon. Wala naman yata talagang mga mafia sa mundo.
May sumalubong saming isang babaeng, nakasuot ng puting dress at sa ibabaw non ay may suot siyang apron, parang yung mga uniform ng mga maid ng mga mayayamang tao. Nakatali ang buhok niyang maputi na at medyo kulot. Medyo kulubot na rin ang balat niya. Siguro ay ito ang mayordoma ng mansion nila.
"Cali, nandiyan na pala kayo." Aniya.
"Didn't you miss me, Nanang?" Malambing na tanong ni Elias.
Binitawan niya ang bewang ko at pinahaba ang braso, para bang gusto niya ng yakap.
Narinig kong bahagyang tumawa ang matanda bago lumapit kay Elias at sinalubong ito ng yakap.
"Hindi ka pa rin nagbabago," sambit ng matanda bago kumalas sa yakap nila ni Elias.
"You didn't change either, you still look so young." Mapagbirong saad naman ni Elias, may matamis na ngiti sa labi.
Napatitig ako kay Elias. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, matamis na nakangiti habang malambing na nakatingin sa tinawag niyang Nanang. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Elias, palagi kasing seryoso ang mukha niya at nakakatakot.
Siguro ay mahal na mahal niya yung matanda kaya sobrang lambing at galang niya rito.
"Bolero ka pa rin," nakangiting sambit nung matanda.
Napatigil ako ng bumaling silang dalawa sa akin. May ngiti pa rin sa labi ang matanda habang nakatingin sakin.
Muling hinawakan ni Elias ang bewang ko at marahan akong hinigit palapit sa kaniya para makaharap ko ang babaeng kausap niya.
"Nanang, this is Aria, my wife. Aria, this is Nanang, my second mother."
My wife.
Hindi ko alam kung bakit natuwa ako nang marinig iyon at may bahagi naman sa akin na nalungkot, at hindi ko alam kung bakit.
"Magandang gabi, hija. Ako si Manang Felia, ako ang nag-alaga rito kay Cali simula nung bata pa lang siya." Nakangiting saad ni Manang Felia.
Kaya naman pala ganoon nalang ang pakitungo ni Elias sa kaniya, si Manang Felia naman pala ang nag-alaga rito kay Elias.
"Magandang gabi rin po, nakakatuwa naman pong malaman 'yan." Ngumiti rin ako.
"Oh siya, mamaya nalang tayo magkwentuhan dahil kayo nalang ang hinihintay sa loob." Sambit ni Manang Felia.
Muling bumalik ang kaba sa dibdib dahil sa sinabi ni Manang, makakaharap ko na ang pamilya ni Elias.
Marahang pinisil ni Elias ang bewang ko kaya nabalik ako sa ulirat, tumingin ako sa kaniyang nakatingin na ngayon sa akin.
"Baby, let's go?"
YOU ARE READING
My Mafia Husband [Mafia Series #1]
RomanceOngoing Started : 10/29/23 Ended : 00/00/00