Chapter 02

716 13 0
                                    

Ang lambot, niyakap ko pa lalo ang ang malambot na bagay na sa tingin ko ay ang unan ko.

Ganito ba talaga kalambot ang unan ko?

Pati ang higaan ay malambot din, sobrang lambot at ang komportable naman dito.

Parang gusto ko nalang humilata buong araw.

Ang bango rin ng unan na hinihigaan ng ulo ko, amoy pabango ng lalake.

Kailan pa ako nagkaroon ng pabango ng lalake?

Napamulat ako at nilibot ang paningin ko sa kwarto.

Black at white ang kulay na makikita rito, unang tingin pa lang ay malalaman mong lalake ang may-ari ng kwartong ito.

Sandali..

Hindi ko kwarto 'to! Kaninong kwarto 'to?!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga, at inalala ang nangyari.

Nag-grocery ako tapos may humabol saking mga lalake, nakasalubong ko yung lalakeng kausap ni Aling Rona, nakaramdam ako ng kuryente sa katawan at nawalan ng malay.

In short kinidnapp ako.

"Kinidnapp ako?!" Gulat kong sabi ng marealize ang naisip ko.

Tinignan ko ang katawan ko, nabawasan ang pangamba ko ng makitang may saplot pa ang buong katawan ko.

Pinakiramdaman ko naman ang gitna ko, hindi naman masakit kaya sigurado akong hindi ako nagalaw.

Ngayon, ang kailangan kong gawin ay umalis sa lugar na 'to.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama. Nakita ko ang pitaka at cellphone ko sa bedside table.

Kinuha ko iyon at naghanap ng masusuot na sapin sa paa.

Sakto at may tsinelas sa sahig, sa katapat ng kama.

Sinuot ko iyon at tumungo na sa pintuan. Dahan-dahan lang ang ginawa kong pagbukas sa pinto ng silid.

Binuksan ko lang ito ng kaunti at sumilip dito, tinignan ko kung may tao pero walang ni isang anino ng tao akong nakita.

Binuksan ko na ng malaki ang pintuan at lumabas.

Hinanap ko ang daan pababa, sa di kalayuan ay nakita ko ang hagdan na ang daming baitang.

Kulay puti ang mga baitang at salamin naman ang hawakan at harang nito sa magkabilang side.

Sa hagdan pa lang ay malalaman mong mayaman na ang nagpagawa nito.

Malaki rin ang bahay, mansion nga yata ito sa sobrang laki.

Ang moderno pa ng mga kagamitan dito at ang sosyal talaga tignan.

Dahan-dahan ulit akong naglakad pababa ng hagdan at tinitignan pa kung may tao sa baba.

Pero wala ulit akong nakitang tao kahit isa. Ang tanga naman nung kumidnap sakin, wala manlang kahit isang tauhan. Talagang matatakasan siya ng mga kinikidnap niya.

Sa wakas ay nakababa na rin ako sa hagdan. Wala talagang katao-tao sa lugar na 'to.

Napangiti ako nang makita ang malaking pinto, eto na siguro yung labasan.

Lumapit ako roon at itutulak ko na sana ang pinto pero napatigil ako ng marinig ang malalim na boses ng lalake.

"You're leaving? Eat first before you leave, and i want to talk to you."

Dahan-dahan akong humarap at bumungad ang gwapong mukha nung lalakeng nakita ko kila Aling Rona.

"Hindi ako makikipag-usap sayo, uuwi na ko at isusumbong kita sa pulis, kidnapper ka!" Pananakot ko sa kaniya.

"I'm not gonna hurt you, i just want to talk to you," seryosong sabi niya.

"Anong hindi sasaktan? Eh sinaktan mo na nga ako! Kinuryente mo ako!" Inis kong sabi.

"I'm not the one who used electric laser to you, one of my man did that. And just to be clear i didn't order him to do that to you." Pagtatanggol niya sa sarili.

"Pa'no ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Because i said so. And if you remember I'm the one who catched you when you're about to fall off the ground, an-" napatigil siya sa pagsasalita at nangunot ang noo na parang may narealize.

"Damn it, why am i even explaining?" Bulong niya pero hindi naman nakatakas sa pandinig ko.

"Let's eat first, i know your hungry,"

"Uuwi na ko, hindi ako nagugut-" napapikit ako sa kahihiyan ng kumulo ang tiyan ko.

"Let's go, the food is ready. Baka lumamig pa." Sabi niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

Sumunod nalang ako sa kaniya, nagugutom na talaga ako, kagabi pa ako hindi kumakain.

Actually pwede kong kuhanin ang chance na 'to para umalis at tumakbo pero sigurado akong wala ring silbi iyon dahil siguradong may bantay sa gate.

Mukha naman siyang mabait, hindi niya ako tinalian at nilagay sa basement, tapos ngayon papakainin niya pa ako.

Ang bait naman niyang kidnapper.

Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa tumigil siya nang makarating kami sa dining area.

"Ang dami," mangha kong sabi.

Ang daming pagkain sa hapag-kainan, iba-iba at yung iba pa nga ay hindi ko alam ang tawag, mukhang pagkain ng mga mayayaman, sosyalin.

"Sit down," aniya.

Umupo siya sa dulo ng pahabang lamesa at umupo naman ako sa kanang bahagi ng lamesa, bakanteng upuan ang nasa harap ko.

Lalagyan na sana niya ng pagkain ang plato ko pero sinabi kong ako na.

Tahimik lang kaming kumakain, walang nagsasalita.

Awkward.

Tumikhim ako, "ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Inubos niya muna ang pagkain na nasa bibig at pinunasan ang bibig gamit ang table napkin bago nagsalita.

"Be my wife."

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now