"Why did you call?"
Bungad agad niya ng sagutin ang tawag ko.
"U-uhm, ano kasi.." hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa kaba.
"What is it? You call me in the middle of the night, it must be important." Tanong niya sa malalim na boses.
Bigla naman akong nahiya, baka naistorbo ko siya sa pagtulog.
"S-sorry, naistorbo ba kita?"
"No," sagot niya. "So, do you have something to say to me?"
Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi.
May pera pa naman ako, pwede akong mangupahan sa apartment ang kaso lang ay walang murang apartment dito.
Lahat ng napagtanungan kong bakanteng apartment ay hindi pasok sa budget ko.
Mahirap din maghanap ng trabaho kaya...hays bahala na!
"Aria, are you still there?" Napabalik ako sa reyalidad ng magsalitang muli si Elias.
"Oo, nandito p-pa ako."
"U-uhm ano...kasi...p-pwede bang...a-ano," hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko.
"What? Just say it, Aria." Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.
Huminga muna ako ng malalim, "available pa ba yung offer mo sakin?" Lakas loob kong tanong.
Tumahimik ang kabilang linya, ilang minuto akong nag-intay pero wala pa rin akong sagot na nakuha sa kaniya.
Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung binaba na ba niya ang tawag, pero hindi naman kaya muli ko iyong dinikit sa tainga ko.
"Hello? Nandiyan ka pa ba?" Tanong ko.
May narinig akong mga kaluskos sa kabilang linya at tunog ng susi kung hindi ako nagkakamali.
"Where are you?" Tanong niya kalaunan.
"H-ha?" Bakit niya tinatanong kung nasan ako?
"I said where are you?" Bakas ang kaunting inis sa boses niya.
"U-uh, itetext ko nalang yung address." Sagot ko.
"Okay, I'll drop the call now."
"S-sige," sabi ko at pinatay na niya ang tawag.
Tinext ko na ang address ko kay Elias at nagreply naman agad siya.
From : Baliw na Stalker/Kidnapper
Stay there, I'll be there in a minute.
Rereplayan ko na sana siya kaso ubos na pala load ko.
Kahit nalilito ay hindi ako umalis doon gaya ng sinabi ni Elias at hinintay siya.
May nakita akong bench kaya umupo muna ako roon habang hinihintay si Elias.
Ilang minuto pa lang akong nakaupo roon nang may narinig akong mga boses.
Parang boses ng lasing iyon, at tama nga ako. Dahil may naglalakad na lalakeng lasing papunta sa direksyon ko. Hindi ko nalang pinansin iyon.
Dumaan na siya sa harap ko, akala ko lalagpasan niya lang ako at magpapatuloy na sa paglalakad pero nagulat ako ng huminto siya at kinausap ako.
"Miss! Mag-isha ka lang ba? Gusto mo bang shumama sakin?" Tanong niya sa nakakatakot na tono.
Nakaramdam na agad ako nang matinding takot sa paraan ng pagtingin niya sakin.
"H-hindi po, m-may h-hinihintay p-po kasi a-ako." Nauutal kong sagot dahil sa takot.
Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa rin siya umalis at pinilit pa ako.
YOU ARE READING
My Mafia Husband [Mafia Series #1]
RomansOngoing Started : 10/29/23 Ended : 00/00/00