Chapter 07

493 7 0
                                    

Starting next week, try ko ulit mag-upload every sunday.

Anyways, enjoy reading!

*******************

Nakatingin lang ako sa likod ni Elias habang kausap niya ang gwapong lalakeng dumating.

Nakaupo ako ulit sa bench at pinapanood si Elias makipag-usap sa lalakeng bagong dating lang.

Kanina ay may tinawagan si Elias at may dumating na itim na van at BMW na sasakyan.

Lumabas sa itim na van yung mga lalakeng kumidnap sakin noon, at sa BMW naman ay ang lalakeng kausap ngayon ni Elias.

Gwapo rin ang lalakeng kausap ni Elias, pareho sila ni Elias na may madilim na awra pero ang isang 'to ay parang friendly kahit na mukha ring nakakatakot ang dating.

Nakakangiti kasi ito, hindi katulad ni Elias na parang pinaglihi sa sama ng loob at kala mo'y mamamatay kapag ngumiti.

May kung ano rin ang lalakeng ito dahil tuwing ngingiti siya ay para bang mahuhulog ka na agad sa kaniya, dahil mas lalo itong gumagwapo kapag nangiti.

Para bang kapag ngumiti ito ay mukha siyang golden retriever na puppy.

Nabalik ako sa reyalidad nang tumikhim si Elias na ngayon ay nasa harap ko na pala.

Gulat naman akong napatingin sa kaniya, wala na rin ang lalakeng kausap niya kanina.

"N-nasaan na yung kausap mo?"

"He already left," sagot niya. "Why? Do you like him?"

Umiling-iling ako, "hindi ah! Bakit mo naman natanong yan?"

"You keep looking on that bastard, is he handsome to you?" Seryoso pero may pagbabantang sabi niya.

Hindi ko siya sinagot. Bakit ba napakabig deal sa lalakeng 'to na tinignan ko yung kausap niya?

Bawal bang tignan yung kausap niya?

"Tara na nga," sambit ko at tumayo na.

"Teka, nasaan na nga pala yung lalake?" Tanong ko, tinutukoy ko yung lalakeng lasing.

"My men took him," sagot niya.

"Saan mo pinadala? Sa mga police?" Tanong ko ulit.

Tumagal ang tingin niya sakin, para bang nag-iisip pa nang isasagot.

Umigting ang panga niya, "yes, they took him to the police station and i will make sure that they will punish that fucking jerk."

Tumango nalang ako.

"Let's go," sambit niya at inalalayan ako papunta sa sasakyan niya.

Binuksan niya yung pinto ng kotse bago ako paupuin sa passenger seat.

Nilagay na raw niya yung mga gamit ko sa luggage compartment ng sasakyan niya.

Nakatingin lang ako sa bintana nang sasakyan habang umaandar ito.

Tahimik ang namayani sa loob ng sasakyan. Pero naputol iyon nang kumalam ang sikmura ko.

Namula naman ako nang tumingin si Elias sa akin. Bahagya siyang tumawa.

"We're almost there, there's already food at the house." Sambit niya.

Tumango nalang ako, nahihiya pa rin dahil sa nangyari.

Nakakahiya! Ang lakas pa naman nang pagkakatunog ng tiyan ko.

Bigla nalang bumigat ang talukap ng mga mata ko, inaantok na ako.

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now