Chapter 12

46 2 4
                                    

I didn't proofread this, so, sorry sa typographical errors or grammatical errors if ever man na meron.

---------------------------------------------

"Aria," tawag ni Elias sa atensyon ko.

Doon ako napabalik sa reyalidad, ilang minuto pala akong nakatulala sa kaniya.

"H-ha?" Parang tanga kong tanong.

Grabeng kahihiyan na talaga ang nangyayari sa buhay ko.

"I'm asking you," may awtoridad niyang sabi.

"A-ah, oo naman! Syempre, papakasalan ulit kita! Ganoon kita kamahal, kaya kitang pakasalan ng maraming beses!" Sunod-sunod kong saad dahil sa taranta.

Bahagya siyang natigilan at nagulat sa sagot ko, pero kalaunan ay napangisi nalang at halata sa mata ang pagkamangha.

Inaasar ba ako nito?

Naramdaman ko naman ang init ng pisngi ko dahil sa panibagong kahihiyan.

Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Simula nang nakilala ko si Elias puro kahihiyan na nangyayari sa buhay ko. Malas yata 'tong si Elias sa buhay ko.

Ang gwapo niyang malas.

Mabuti nalang at natapos nang matiwasay ang hapunan at hindi na nasundan ang kahihiyan ko.

May mga tinanong lang silang basic information tungkol sa'kin hanggang sa natapos na kaming lahat kumain.

Nandito ako sa labas, nagpapahangin. Nagpaalam ako sa kanilang lalabas muna ako para magpahangin, nasa sala sila, kinakausap si Elias.

Nakatingala ako sa langit, pinagmamasdan ang kagandahan ng langit at ang makikinang na mga bituin.

Napatingin ako sa ilang bituin na nangingibabaw ang kinang kaysa sa ibang mga bituin.

Si Papa iyon.

"Hi, 'pa. Kamusta na kayo riyan? Sana masaya kayo riyan." Nakangiti kong bulong.

"'Wag kayong mag-alala sakin, ayos lang ako. Palagi ko nga lang kayong namimiss." Pinigilan ko ang mga luhang nagbadyang tumulo.

"M-miss na kita, Papa." Tuluyan nang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko.

Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ang kaluskos sa likod, siguradong may taong lumabas mula sa mansion.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at pasimpleng suminghot, bago inayos ang sarili at tinignan kung sino iyon.

"M-ma'am Anastasia," tawag ko rito.

Naglakad siya palapit sa akin. Kinabahan naman ako, hindi ko alam kung bakit.

"What are you doing here?" Tanong nito.

"A-ah...Nagpapahangin lang po." Sagot ko, naiilang sa titig niya.

Seryoso ang kaniyang mukha, hindi ko tuloy malaman kung ano ang nasa isip niya ngayon.

Tinalikuran niya ako at tumingala sa langit.

Doon lamang ako nakahinga nang maluwag, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa titig niya.

"You shouldn't have agreed." Aniya habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

Bahagya namang kumunot ang noo ko, anong tinutukoy niya? Hindi na dapat ako pumayag?

Hinarap akong muli ni Ma'am Anastasia. Seryosong-seryoso ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"You will only regret the decision you made." Sambit niya bago ako nilagpasan at pumasok sa loob.

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now