Chapter 11

276 7 4
                                    

Bumungad sakin ang napakabigat na awra pagkapasok namin sa dining area.

Nakakasakal ang hangin, parang hindi ko kayang magtagal dito.

May mga tao na roon sa mahabang parihaba na lamesa. Sa dulong bahagi ng lamesa, sa kabisera ay may nakaupong lalakeng kamukha ni Elias.

Maitsura rin ito, pwede silang maglaban ni Elias sa kagwapuhan. Hawig ito ni Elias, para bang old version siya ni Elias. May kakisigan din ang katawan nito. Seryosong-seryoso ang mukha nito, nakakaintimida.

Siguro kung hindi lang nakakatakot yung awra nito ay nagkagusto na ko rito. Pero may kung ano talaga sa kaniya na kapag tinignan mo lang ay manlalambot na ang mga tuhod mo sa takot.

May kung ano sa mata nito na kapag tinignan mo ay magtataasan ang balahibo mo, parang yung mga mata ni Elias.

"Son," pati ang tono ng boses nito ay nakakatakot, masyadong malalim at nakakakilabot.

Mag-ama pala sila, kaya pala parang parehong-pareho sila ng dating.

"Dad," madiin ang pagkakabanggit ni Elias non, para bang may galit.

Lalong bumigat ang awra. Seryoso lang na nakatingin sa isa't-isa ang mag-ama. Humigpit ang hawak ni Elias sa bewang ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatingin pa rin naman siya sa tatay niya, nakita kong umigting ang kanyang perpektong panga.

Naramdaman ko ang tensiyon na namamagitan sa kanila.

"That's enough, Franco. Let's eat already." Napatingin ako sa bumasag sa katahimikan.

Isang babae ang nagsabi non. Nakaupo siya gilid ng tatay ni Elias, sa kabilang bahagi ng lamesa.

Maganda siya pero halata mong mataray dahil sa mukha at tono ng pananalita. Sa tingin ko mga nasa early 30's na siya. Yung tatay naman ni Elias tingin ko nasa early 40's naman, pero mukhang bata pa rin ang mukha. Kung hindi mo tititigang mabuti aakalain mong nasa 20's lang ito.

Halatang maganda lahi ni Elias, palahi kaya ako? Eme.

Kung ano-ano nalang naiisip ko, gutom na yata ako. Pagkain lang katapat nito.

Hindi nagsalita si Elias at iginaya lang ako sa dalawang upuan na bakante, inireserba yata ito para samin.

Nasa kabilang side ng tatay ni Elias ang upuan namin. Hihilahin ko na sana ang upuan kaso naunahan na ako ni Elias. Ipinaghila niya ako ng upuan, mahina ko muna siyang pinasalamatan bago umupo roon.

Umupo rin siya sa upuan niyang nasa tabi ko nang makaupo na ako. Sa kanang gilid siya ng tatay niya nakaupo kaya katapat niya ngayon yung nanay niya, sa tingin ko (yung nagsalitang babae kanina). Nasa kaliwang gilid naman ng tatay niya ito.

Ang katapat ko naman ay isang lalakeng kahawig din ni Elias, pero mas bata itong tignan kesa kay Elias. Madilim din ang awra nito, seryoso ang mga mukha.

Bakit kaya ganito mga awra nila? Nakakatakot.

What if mga bampira sila? Tapos kaya ako pinapunta rito ni Elias at pinakasalan kasi iinomin nila yung dugo ko? O kaya gagawin din nila akong bampira? Hala! Hindi pwedeng mangyari 'yon!

Sabi ko na nga ba gutom na ko, kung ano-ano na talaga naiisip ko, hindi na maganda ko. Kailangan ko nang kumain, gutom lang 'to.

Gusto ko sanang sabihin kay Elias na kumain na kami kaso nakakahiya, baka isipin niya patay gutom ako. Kaya nanahimik nalang ako.

"Let me introduce my wife first." Sa wakas, nagsalita na si Elias.

Tinignan ako ni Elias. "This is my wife, Arianna. Arianna meet my father, Franco." Parang pilit pa ang pagsabi niya ng "father".

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now