Chapter 09

466 12 0
                                    

Nakakabagot.

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ng kwarto ko.

Oo, may kwarto na ako. Akala ko nga ay doon ako matutulog sa kwarto ni Elias, pero buti nalang ay sinabi niyang may sarili akong kwarto.

Malaki itong kwarto pero mas malaki pa rin yung kwarto ni Elias. May sarili rin itong banyo at may walk-in closet rin ito.

Gray at pink ang theme nito, may balcony at glass door din ito katulad ng kay Elias.

Gabi raw kami aalis ni Elias, eh 2:45 pa lang.

Wala naman akong magawa dahil low battery ang cellphone ko kaya nakacharge ngayon.

Nakakahiya namang manood ng telebisyon sa sala dahil baka maistorbo ko si Elias sa pagtatrabaho dahil sa ingay ng TV.

Bigla nalang kumulo tiyan ko. Napahawak naman ako roon.

Kung gumawa nalang kaya ako ng meryenda?

Napaupo ako, tama, gagawa nalang ako ng meryenda tapos bibigyan ko si Elias.

Pakembot-kembot pa akong bumaba ng hagdan.

Ano kayang lulutuin kong meryenda?

Wala manlang katao-tao sa kusina nang pumasok ako.

Napangiti ako nang makakita ng saging sa countertop, alam ko na ang lulutuin ko.

Naghanap ako ng lumpia wrapper. Napangiti ako nang may makita akong lumpia wrapper sa refrigerator ni Elias.

Pati refrigerator niya sosyalin din, double door ba naman.

Bumalik ako sa countertop at kinuha yung saging. Gagawa ako ng turon.

Hinanda ko muna lahat nang kakailanganin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos din akong magbalot ng saging.

Sinimulan ko na agad magluto, marami-rami rin yung nagawa kong turon.

Pasayaw-sayaw pa ako habang nagluluto. Ang tagal ko na kasing hindi nakakaluto at nakakakain ng turon.

Nang maluto na ang lahat ng turon ay nagtimpla naman ako ng juice.

Nilagay ko sa tray ang juice at ang niluto kong turon, sinamahan ko na rin ito ng powdered milk na nasa maliit na mangkok.

Sawsawan iyon ng turon, ganoon kasi ako kapag nakain ng turon, sinasawsaw ko sa gatas na pulbos.

Si Papa nagturo sa akin noon, mas masarap daw kapag sinawsaw sa gatas.

Dinala ko na iyon sa opisina ni Elias. Hindi ko magawang kumatok dahil hawak ko sa dalawang kamay ang tray.

"Elias!" Tawag ko. "Pakibukas nung pinto!"

Wala pang minuto ay bumukas ito at bumungad sakin si Elias na may salamin sa mata at nakakunot ang noo.

Kusa na akong pumasok dahil nangangalay na ako rito sa hawak ko.

"Nagluto ako ng turon, kain muna tayo ng meryenda." Saad ko habang nilalapag ang hawak ko sa coffee table.

Umupo ako sa sofa at tumingin kay Elias na nasa pintuan pa rin.

Tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong kung bakit nandoon pa rin siya.

Isinara naman niya ang pinto at naglakad papunta sa kabilang sofa, yung nasa tapat ko.

"What's that?" Kunot-noong tanong niya habang nakaturo roon sa turon na nasa lamesa.

"Turon, saging na nilagay sa lumpia wrapper. Masarap yan! Tikman mo," kumuha ako ng tinidor at tumusok ng isang turon.

Sinawsaw ko iyon sa gatas bago itinapat sa bibig ni Elias.

Bahagya pa siyang napalayo. "Tikman mo, dali na! Pinaghirapan ko yan." Sabi ko at inilapit pa ang tinidor sa bibig niya.

Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin doon sa turon.

"Say ah," sabi ko habang nakabuka nang bahagya ang bibig.

Napatingin siya sakin dahil sa sinabi ko, napatagal ang titig niya sa akin kaya medyo nailang ako.

"Elias.." tawag ko sa atensyon niya.

Para naman siyang bumalik sa reyalidad nang tawagin ko ang pangalan niya.

Inagaw niya sa akin yung tinidor, "let me." Sabi niya bago kumagat doon sa turon.

Pinanood ko naman siyang kumain, inaantay ang reaksyon niya.

"Masarap?" Excited kong tanong habang tutok na tutok sa kaniya.

"Yeah," sagot niya at umiwas nang tingin.

Naubos namin ni Elias yung niluto kong turon, nakarami siya nang kain at halos ubusan na nga ako. Pero ayos lang iyon dahil mukhang nagustuhan naman niya yung niluto ko.

Umalis na rin ako agad sa opisina niya dahil baka maistorbo ko siya sa pagtatrabaho.

Hinugasan ko yong pinggan na ginamit namin bago umakyat ulit sa kwarto.

Mabilis na lumipas ang oras at nag gabi na.

Kakatapos ko lang maligo, twalya lang ang nagtatakip sa katawan ko.

Naglakad ako palapit sa kama at tinignan ang dress na binigay ni Elias kanina. Ito raw ang suotin ko. May kasama rin itong heels na kulay beige at kulay puting purse.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower at naglagay nang kaunting make-up sa mukha.

Kailangan kong maging presentable sa harap ng pamilya ni Elias.

Nang matapos ay sinuot ko na ang dress.

Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa walk-in closet.

Kulay black ang suot kong dress, fitted yong sa may baywang at balakang. May hiwa iyon sa may dibdib kaya kita ang cleavage ko, spaghetti strap din iyon at may slit iyon kaya kita ang kanan kong hita.

Hindi ako masyadong komportable rito dahil ngayon lang ako nagsuot ng ganito, kaya hindi ako sanay.

Bumaba na agad ako nang makuntento na sa itsura, baka nag-aantay na si Elias.

Wala si Elias sa sala, siguro ay nasa labas na.

Tama nga ako, dahil paglabas ko ay bumungad sakin si Elias na nakasandal sa sasakyan niya habang nakapamulsa.

Naka semi-formal attire siya,kulay itim din ang suot niya, nagmatch sa suot ko.

Huli ko na napansin na nakatitig din pala siya sakin, pinasadahan pa niya nang tingin ang buong katawan ko.

Muling umangat ang tingin niya sa mata ko kaya napalunok ako. Nakakalunod ang paraan nang pagtingin niya, para bang hinihigop nito ang lakas sa katawan ko.

Baka kapag nagtagal pa ang tingin ko sa mata niya ay manlambot nalang bigla ang tuhod ko.

Bahagya akong umiwas nang tingin ng hindi niya inalis ang tingin sakin.

"It looks good on you." Sambit niya sa mababang boses.

Napatingin ako sa kaniya, hindi ko alam kung anong meron sakin, parang may mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa sinabi niya.

Lalong uminit ang pisngi ko sa huli niyang sinabi.

"You..look pretty."

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now