"Bili na kayo! Mga bagong huli 'to!" Sigaw ko habang binubugaw ang mga langaw na nadapo sa mga tinda kong isda.
"Ate ganda, bili ka na! May bangus ako dito, dalawang daan lang ang kilo!" Malakas kong sabi sa nanay na dumaan.
Maingay dito sa palengke kaya kailangan talagang malakas ang boses.
Lumapit si nanay at tinignan yung mga bangus at ibang isda na nakahilera sa harap ko.
"Dalawang daan? Ang mahal naman," reklamo niya.
"Sige, one-eighty nalang ho para sa inyo," nakangiti kong sabi.
"One-fifty," tawad pa niya.
"One-eighty 'te, mura na ho 'yon! 250 nga ho sa kabila 'yan eh!" Pangungumbinsi ko.
Tumango si nanay, "sige na nga, bigyan mo ko dalawang kilo."
Napangiti naman ako sa sinabi niya, kumuha ako ng bangus at tinimbang iyon. Pinakita ko pa sa babae ang timbang na sumakto sa dalawang kilo.
"Lilinisin ko pa ho ba?" Tanong ko.
"Wag na ineng, ako nalang maglilinis niyan sa bahay."
Tumango ako at inilagay na sa plastic ang isda bago ito iniabot sa kaniya.
"Eto," inabutan niya ako ng apat na daan.
Kumuha ako ng dalawang benteng papel sa bulsa ng apron ko at inabot iyon sa babae.
"Salamat po! Balik ho kayo!" Masaya kong sabi.
"Sige, salamat," aniya bago umalis.
Tanghali na nang maubos ang mga paninda ko, niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na sa mga kaibigan ko dito sa palengke.
"Una na ho ako, Aling Nena," paalam ko sa nagtitinda ng manok sa katabi ng pwesto ko.
"Sige, ingat!" Sabi niya habang nagtatadtad ng manok.
Naglakad na ako palabas ng palengke habang bitbit ang planggana ko.
Binati ko ang mga nakakasalubong kong kakilala ko.
Naglalakad lang ako tuwing uuwi na, medyo malapit lang naman kasi ang bahay ko.
Nadaanan ko pa ang karinderya ni Aling Bebang, sakto at hindi pa ako nakain kaya bumili ako ng ulam.
"Oh, Aria, anong sayo?" Tanong ni Aling Bebang nang makita ako.
"Dinuguan po at kaldereta, tig-isang order lang po," sagot ko.
"Dito ka ba kakain o iuuwi mo?" Tanong niya.
"Sa bahay na po, may kanin pa po kasi akong tira don sayang naman po kung hindi makakain, baka mapanis." Sagot ko.
"Oh, siya sige, asikasuhin ko na order mo."
Nakatayo lang ako habang hinihintay ang binili ko. Sikat dito sa barangay namin ang karinderya ni Aling Bebang kaya maraming bumibili at kumakain dito.
Kapag tinatamad akong magluto ay dito rin ako nabili ng ulam.
"Iha, eto na ang order mo," inabot niya sakin ang plastic na may laman ng binili kong ulam.
"Magkano po?" Tanong ko nang makuha ang plastic.
"Singkwenta," sagot niya
Ibinigay ko ang bayad pagkatapos ay umalis na ako.
Narating ko na ang eskinita kung saan ako nakatira.
Napatigil ako sa paglalakad ng makitang may mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa gilid.
![](https://img.wattpad.com/cover/355036469-288-k188587.jpg)
YOU ARE READING
My Mafia Husband [Mafia Series #1]
RomantizmOngoing Started : 10/29/23 Ended : 00/00/00