Chapter 05

631 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa boses ng mga nag-uusap.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at ang puting kisame ang bumungad sa akin.

Sinubukan kong gumalaw pero mukhang maling desisyon iyon.

Dahil kumirot at sumakit ang buong katawan ko, para akong binugbog sa sobrang sakit.

Tinignan ko kung kanino nanggagaling ang mga boses na naririnig ko.

Hindi kalayuan sa akin ay nakatayo si Alexis, kaibigan kong mas babae pa sa akin. Kausap niya ang doctor.

"Alexis," tawag ko sa mahinang boses.

Lumingon naman siya sa akin, nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin.

Tinulungan niya akong umupo, kumuha siya ng unan at nilagay iyon sa likod ko para sandalan.

"Alexis, ikaw ba talaga yan?" Tanong ko, halata sa boses ko ang panlalambot.

Umakto siyang nasusuka, "kadiri ka naman, girl. It's Lexi, not Alexis." Maarte niyang sabi.

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Ayaw niya nga palang matawag sa tunay niyang pangalan.

"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko.

Kumuha siya ng upuan at umupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"Kanina lang," sagot niya.

"Bakit ka umuwi?"

"Anong bakit? Ayaw mo ba akong umuwi?! Bruha ka!"

Natawa nalang ako sa ka-oa-han nitong bruhildang 'to.

"Hindi, ang ibig kong sabihin wala ka na bang ginagawa roon sa manila at nakauwi ka na rito?" Tanong ko.

Sa manila kasi si Lexi nakatira ngayon dahil doon siya nagtatrabaho at sa manila rin natayo ang boutique niya.

Hindi kalakihan ang boutique niya pero balita ko ay medyo sikat ito at maraming bumibili o nagpapadisenyo sa kaniya ng mga damit o dress.

"Walang masyadong nagpapadesign ngayon kaya pumunta muna ako rito dahil namimiss na kita. Balak sana kitang surpresahin kaso ako itong na surprise! Ang saya-saya ko pa naman habang papunta sa bahay mo tapos madadatnan nalang kitang iniihaw sa sarili mong bahay!" Mahaba niyang litanya.

Natawa nalang ako, "ang OA mo."

"OA na kung OA pero halos mahimatay talaga ako kahapon sa sobrang alala sayo." Aniya.

Nangunot naman ang noo ko. "Kahapon? Baka kanina," pagtatama ko.

"Kahapon nga! Isang araw kang nagsleeping beauty, kaloka ka!"

Tumango nalang ako. Umalis muna si Lexi para bumili ng pagkain dahil nagugutom na kami pareho.

Napatingin ako sa lamesang nasa tabi ng hospital bed nang tumunog iyon.

Nasa tabi ng cellphone ko ang kahon na kinuha ko nung nasusunog ang bahay ko.

Nakahinga naman ako nang maluwag doon, buti nalang kinuha ni Lexi iyon at hindi iniwan don sa lugar namin.

Dinampot ko ang cellphone na nakapatong doon. Doon pala nanggaling yung tumunog, mukhang may nagtext.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na pangalang naka save sa contacts ko.

From : Baliw na Stalker/Kidnapper

How are you? You really didn't change your mind?

Lalong kumunot ang noo ko, makulit din ang isang 'to.

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now