Chapter 08

456 9 1
                                    

Sorry ngayon lang nakapag-update. Naging busy lang sa acads, nag-exam na kasi kaya naging busy HAHAHAHA.

Ngayon lang natapos lahat ng school works ko kaya ngayon lang nakapag-update.

Anyways, enjoy reading.

***********************

Sabi ni Elias pumunta raw ako sa office niya pagkatapos kong kumain.

Eh saan kaya ang office niya?

Pababa na ako ngayon sa magarbo niyang hagdanan, hindi alam kung saan pupunta.

Ang laki naman kasi nitong bahay, paano ko mahahanap ang opisina niya?

Una akong pumunta sa sala, walang tao roon. Ang laki-laki ng bahay tapos walang katao-tao? Wala ba siyang mga katulong dito? Mga magulang niya?

Ang lungkot siguro ng buhay nun, walang kasama sa malaking bahay na ito.

Naglakad-lakad lang ako, hanggang sa may nakita akong pintuan na kulay itim.

Mukhang ito na ang opisina ni Elias.

Kumatok ako muna ako bago pumasok, hindi na nag-antay na papasukin ako.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Elias at yung lalakeng gwapong kausap niya kahapon.

Napatigil sila sa pag-uusap at sabay na lumingon sa akin.

Pilit akong ngumiti. "Hi," awkward pa akong kumaway sa kanila.

"Hi, you're the girl yesterday, right?" Tanong nung lalakeng kausap ni Elias.

Tumango naman ako sa tanong niya.

"Come here, sit down here." Seryosong saad ni Elias habang tinuturo ang espasyong upuan sa tabi niya.

Lumapit naman ako at umupo sa tabi ni Elias.

"I'm Callum, and you are?" Sambit nung lalake sabay lahad ng kamay sa akin.

"Ariana, Aria nalang." Nakangiti kong sabi.

Aabutin ko na sana ang kamay niya para makipagshake hands kaso biglang kinuha ni Elias ang kamay ko at inilayo iyon kay Callum.

Taka akong tumingin kay Elias habang si Callum naman ay natawa.

"There's no need to shake hands." Malamig niyang sabi.

Nakakunot ang noo kong binawi ang kamay mula kay Elias.

Masama na ngayon ang tingin ni Elias kay Callum.

"Get out, before i lost my self-control." Madiin na sabi ni Elias kay Callum.

"You have no fun," sambit ni Callum habang may nang-aasar na ngiti sa labi.

Nagawa pa nitong magpaalam bago umalis.

Katahimikan ang bumalot sa silid nang makaalis na si Callum.

Napatingin ako kay Elias nang tumayo siya at pumunta sa lamesa niya.

May kinuha siyang papel sa lamesa bago pumunta sa katapat kong sofa at doon umupo, kaya magkatapat na kami ngayon.

Inilapag niya ang papel sa coffee table na nasa gitna at inusog iyon papunta sakin.

"Ano yan?" Nagtataka kong tanong.

"Contracts," sagot niya.

Kinuha ko iyon at binasa. Yung isa ay marriage contract at yung isa ay contract agreement.

Marriage Certificate of Ariana Jane Verlice and Carson Elias Harrison.

Sa may baba ng papel ay ang pangalan naming dalawa ni Elias kung saan pipirma at may isa pang pangalan doon.

Pangalan ng isang Judge.

"I already signed it, all we need is your signature." Sambit niya.

Nung sinabi niya ay tsaka ko lang napansin, may pirma na nga niya at yung sa Judge rin, ako nalang ang wala pang pirma.

"Hindi naman natin kailangang gawin yung mga ginagawa ng mga mag-asawa, 'no?" Tanong ko.

"What do you mean?"

"Yung mga ginagawa ng mag-asawa, alam mo na...yung ano," hindi ako makatingin sa kaniya habang nagsasalita.

"You mean sex?" Tanong niya.

Nahihiya naman akong tumango. Syempre, kailangan ko munang manigurado na hindi ako magagalaw bago ko pirmahan ang papel na 'to.

Bahagya siyang tumawa, "of course not, we will not gonna do it." Sagot niya. "But if you want to do it with me, then why not?" Dagdag niya.

May nang-aasar na ngisi sa labi niya, umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.

"And before i forgot, i didn't put any amount there. So, name your price." Aniya.

"Hindi ko kailangan ng pera, ang kailangan ko lang ay matitirhan, kaya kong magtrabaho para magkapera." Sambit ko.

"That's all you want?" Tanong niya.

Mayroon pa akong gusto, makapagtapos ng kolehiyo.

"Meron pa, gusto kong makapagtapos ng kolehiyo. Gusto kong mag-aral ulit." Sagot ko.

"Okay, I'll enroll you in college then." Pag-approve niya agad, parang hindi manlang pinag-isipan. Mayaman nga talaga 'to.

"And also, i have some rules here." Sabi niya na kinakunot ng noo ko.

"First rule is don't enter my room without my permission. Second, don't go anywhere without telling me. And lastly, don't touch my things." Saad niya.

Yun lang? Ang dadali naman palang sundin.

"Okay, yun lang?" Tanong ko.

"Yes, and if you break any rules, there will be a punishment." Sagot niya.

May parusa pa? Ay, grabe naman ang tao na 'to.

"Ano naman yung parusa?"

"You'll know it soon." Sagot niya.

Tumango nalang ako kahit gusto ko talagang malaman ang parusa kapag hindi sinunod ang rules.

Ano kaya yung parusa? Lilinisin itong mansion ng isang buwan? Pagsisilbihan siya ng isang linggo?

Hindi ko na inisip iyon at kinuha nalang ang ballpen para pirmahan na ang mga kontrata.

Buo na ang desisyon ko, pipirmahan ko na ito. Ibig sabihin, pumapayag na akong maging asawa ni Elias sa papel. 

Matapos pirmahan ay binigay ko na iyon sa kaniya.

"This means that we are already married." Saad niya.

Kasal na kami sa papel, mag-asawa na kami sa papel.

"Be prepared, you will meet my family tonight." Sambit niya na kinabigla ko.

"Agad-agad?!" Gulat kong tanong.

"Yes, why? Is there a problem with that?" Taas kilay niyang tanong.

Umiling ako. Kakatapos ko lang pirmahan yung marriage contract tapos makikilala ko na agad ang pamilya niya?

May bigla nalang akong naisip na kalokohan.

"Wait lang," saad ko nang tatayo na sana siya. Tumingin siya sakin at muling umupo.

"What is it?"

"Let's make a deal." Sambit ko.

Hindi siya nagsalita, hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Let's not fall in love with each other, at ang punishment ng unang mahuhulog ay kailangang tuparin ang wish ng mananalo. Ano, deal?" Nakangiti kong sabi.

Sumilay ang isang ngisi sa labi niya.

"Okay, deal." Lalong lumaki ang ngiti ko sa sinagot niya.

Tignan natin kung sino ang unang mahuhulog at matatalo.

My Mafia Husband [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now