Kabanata 18

235 13 2
                                    

Kabanata 18

Post

I grieve as much as I love.

When Zamiro left our house, I couldn't accept it. Siguro dahil may parte sa akin na kapag umuuwi ako sa bahay, alam ko naroon siya. That thought will soothe my system and comfort me after a long exhausting day. Kahit pa nitong mga nakaraang buwan ay hindi kami magkaayos.

May parte sa akin na nahihilom kapag narito siya sa bahay.

His presence alone makes me calm down.

But right now, without him, I feel so suffocated. I feel like there is a tangle of thorns around my neck, unable to breathe properly when I walk around the house.

Ang sabi ni Manang ay kaya biglaan ang pag alis niya dahil nakita niya na raw ang kaniyang ina. I remember Zamiro told me that he doesn't believe his mother is dead. He thinks that she's just somewhere out there. At ngayon, nakita na nga niya.

How? Did his mother approach him first? Hindi ko alam. Also, I haven't asked my mom and dad about it. Palaging wala na sa bahay si Dad, rinig ko palagi ito nasa casino. Si Mommy naman ay tulad pa rin ng dati, workaholic pa rin.

I'm happy that he found—met his mother. Every child deserves to know their parents. Pero nang umalis siya sa bahay, ewan ko, hindi ko tanggap.

It's sad. It feels like I've lost something that wasn't mine to begin with. What exactly am I grieving for?

"Kain na po, Ma'am Rian," si Manang sa akin pagtapos niyang maghanda ng hapunan. Sa tabi niya ay isang kasambahay din namin.

"Wala bang bilin si Dad kung kailan siya uuwi? I need to talk to him."

"Wala po, e. Magsasabi naman si Ser kung may habilin siya. Sadyang busy lang siya sa trabaho."

I sighed heavily. Ano bang pinag iinarte ko ngayon? This is bound to happen. Anong akala mo, Rian? Habang buhay mananatili si Zamiro sa bahay ninyo?

"Halos isang araw pa lang nang umalis si Zamiro pero miss ko na ang batang 'yon."

Napalingon ako kay Manang nang sinabi niya iyon. I slightly pouted because I miss him too. So much.

"Napakabuti pa naman niya. Matulungin din. Kung pwede lang ay dito na siya palagi tumira," Manang sighed.

I think so too.

"Miss ko na rin siya pero mas mamimiss mo siguro siya, Ma'am Rian, 'no?" wika ng isa naming kasambahay.

"Linda!" suway ni Manang kay Linda.

My eyes widened in shock. "Huh?"

Ngumiti si Linda. Para bang alam niya kung ano mang meron sa amin ni Zamiro. Gayon din si Manang.

"Palagi mo tinatanong sa akin kung nakauwi na ba si Zamiro o nasa kwarto na niya. Halata naman, Ma'am Rian," ngisi niya.

Agad naman nag init ang dalawa kong pisngi. Hindi ako nakaimik. I'm always conscious of my actions when I'm around the house. Ayoko makahalata si Mom at Dad sa amin ni Zamiro. Sa isip ko, kapag nalaman nila iyon ay papalayasin nila siya. Lalo pa ay boto si Mommy kay Rafaela para kay Zamiro.

"I'm just concerned," sagot ko at nagsimula na kumain.

"Sige, Ma'am. Sabi mo 'yan," she's not convinced with my answer. Muli siya sinuway ni Manang.

Medyo malapit naman sila sa akin kaya nakakapagbiro ang mga kasambahay namin ng ganito sa akin. Sila-sila lang din naman palagi ang nakakausap ko rito sa bahay dahil palagi namang wala ang pamilya ko.

On The Brink of Rainbow (Sign Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon