Kabanata 7

37.6K 548 158
                                    

Kabanata 7

Rabiah


"Kuya Russia, uwi na po ako," paalam ko nang magsara na ang shop.

Tiningnan niya ako habang pinupunasan niya ng bimpo ang mga kamay niya. "Wait for me. I'll give you a ride home."

Napasunod na lamang kami ni kuya Boyd ng tingin sa kanya nang nagtungo siya sa hagdan paakyat. Lumabas naman ng counter si kuya Boyd at sinimulang mag-inventory ng ink.

"Kinuha lang no'n 'yong susi niya." Ngumisi siya sa akin. "Nene ka kasi sa paningin niya kaya 'di talaga papayag na maglakad ka pauwi."

Napasimangot ako. "Hindi na nga ako nene, eh."

"Liit mo kasi." He laughed softly. "Naaalala siguro niya sa'yo si Georgia kaya ganyan."

Kumunot ang noo ko. "Georgia?"

Tumango siya. "Kapatid niyang babae."

"Ah." Inayos ko ang pagkakasabit ng totebag sa balikat ko. "Ilan sila, kuya Boyd?"

"Apat. Panganay siya, pangalawa si Israel, pangatlo si Georgia, pang-apat si Morocco."

"Ang cool naman ng mga pangalan nila. Puro bansa. Sa amin, parang naisip lang nina Mama ng last minute tapos 'yon na." 

Naglista siya ng nabilang sa unang lagayan. "Bakit? Ano bang mga palangan n'yo?"

"Rabiah, Jerome, Efren saka Lovely."

He jerked his head. "Ayos naman? Maganda nga mga pangalan ninyo."

"Naku, kuya Boyd huwag mo na akong bolahin."

He smirked. "Hindi naman. Totoo namang magaganda, lalo 'yong sayo."

Narinig namin ang mga yapak ni kuya Russia nang bumaba ng hagdan. Nakatingin siya kay kuya Boyd habang may kaunting kunot sa noo.

Ewan ko kung bakit ngumisi si kuya Boyd bago nagtaas ng dalawang kamay. Umirap naman si kuya Russia saka bumaling sa akin. "Let's go."

Tumango na lamang ako bago parang tuta na bumuntot sa kanya palabas. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa shotgun at inalalayan sa lower back ko nang makasampa ako sa kotse.

Pangalawang beses na ito na ihahatid niya ako pero parang hindi ko pa rin napoprosesong mangyayari ito. Oo na. Siguro dahil lang naaalala niya sa akin ang kapatid niya gaya ng sinabi ni kuya Boyd pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kiligin. Sino ba ang hindi kung iyong lalakeng natitipuhan mo ang maghahatid sa'yo?

"Seatbelt," seryoso niyang sabi nang makapasok ng kotse.

Tumango ako't inalala kung paano niya ikinabit ang seatbelt ko kahapon. Buti na lang at natandaan ko kaya hindi ako parang batang kailangan na naman ng tulong niya.

Umayos ako ng upo habang pinaiinit niya pa ang makina. He's on his phone, too reading some chats from someone. Aksidente ko lang namang nakita iyong screen. Hindi ko sinasadyang mabasa 'yong chat ng babaeng nagngangalang 'Freyja'.

Freyja: When will you forgive me?

Bumuntonghininga si kuya Russia saka niya blinock ang nag-chat. Mabilis naman akong umiwas ng tingin nang hindi niya mahalatang nabasa ko iyong chat sa kanya.

He put his phone away then fastened his seatbelt. 

"Boyd is ten years older than you," bigla na lamang niyang sabi.

Napakurap ako. "Po?"

He maneuvered the car then answered me without glancing my way. "I said he's ten years older than you."

VALENTINO SERIES 1: Enslaved By His TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon